Chapter - 14

324 21 0
                                    

"Katherine, ayos ka lang ba kanina pa naka takip yang unan na yan sa muka mo baka hindi kana makahinga"

Simula ng umalis si Zachary hindi na muli ako ng salita. Si pia na ang nasa tabi ko ngayon.

"Bakit mo pinaalis si Zachary ang swerte mo kaya sya pa ng hatid sayo dito, kung ako yun hindi pa ako nakakarating sa clinic magaling nako agad hihihi"

I rolled my eyes, kung alam mo lang kung gano ako kamalas.

"Love"

Inalis ko ang pagkakadagan ng unan sa muka ko ng marining ko ang boses ni jake. Una ko napansin ang pasa nya sa pisngi.

"Ano nangyari dyan?" i asked

Lumapit sya sakin tsaka hinipo ang noo ko.

"May masakit pa ba sayo?"

Meron jake, ang puso ko...

Umiling ako sa kanya hinawakan nya ang kamay ko tsaka ito hinalikan.

"I'm sorry love"

Paulit ulit nyang hinalikan ang kamay ko tumingin ako kay pia ng mag paalam sya, muli ako bumaling kay jake.

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"I'm sorry love"

Kitang kita ko ang lungkot sa mata nya, parang may gusto sya sabihin pero hindi nya masabi.

"Bakit Jake?" muli tanong ko.

Kahit hindi ko pa naririnig ang sasabihin nya may hinala na ako. Pero gusto ko sa bibig nya mismo mangaling ito.

"Please don't hurt me, i'm tried"

Ilang beses na ba ako umiyak sa araw na ito, hindi ba ito mauubos? Pagod na ako.. sobrang sakit na ...

"I'm sorry, sinabi sakin ni Amara na nakita mo kami ni Nathalia"

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya.
Ngayon alam ko na kung bakit may pasa sya sa muka tinupad lang ni Amara ang pangako nya sakin.

"Nadala lang ako sa tukso sakin ng mga kabarkada ko" paliwanag nya sakin.

Hindi ako tumingin sa kanya, hindi ko sya kaya tingnan ngayon. Ayoko syang tiningnan.

Parang gusto sumabog ng puso ko ngayon, bakit sabay pa nila akong sinaktan? Ganun ba ako kahina na kaya nilang ako saktan sa isang araw lang. Tang ina naman.

"Pero love wala talaga namamagitan samin, sinakyan ko lang mga tropa ko"

"Pero ginusto mo din naman"

Hindi sya naka pagsalita "Boring ba ako?"
tanong ko sa kanya

"Gusto mo ba yung ganun? Yung clingy? Yung pinaparamdam sayo na patay na patay ako sayo? Nagagawin ang lahat para lang mapansin mo?" sunod sunod kong tanong.

"Alam mo bang pagod na pagod na ako? Lalo na ngayon. Ayoko na jake.."

Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at pilit ko itong binabawi.

"Hindi love, ikaw ang mahal ko. Walang talaga namamagitan samin-"

"Ayoko na.."

Paulit ulit nya kinukuha ang kamay ko pero mabilis ko itong iniiwas.

"Maawa ka naman sakin may sakit ako, pagod na ako kakaiyak..."

Hindi parin humihinto ang pagtulo ng luha ko.

"Please jake umalis kana"

Muli sana syang mag sasalita ng biglang pumasok si Amara at hinila si Jake palabas ng clinic.

Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa mata ko. Hindi pa rin nawala ang paghikbi ko.
Tama na.. am i hard to love? Napaka hirap ko ba mahalin? Hindi ba ako kamahal mahal?

Sa isang araw dalawang beses ako nasaktan. Siguro nga ako ang may kasalanan kasi ako ang nalilito pero hindi ko na pala kailangan mamili kasi ako ang hindi napili.

Sa huli pala ako ang talo. Nakakatawa hirap na hirap pa naman ako sa kanila kung sino talaga ang gusto ko yun pala ako lang ang ng mamahal.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at inayos ang sarili ko.

"Kath" nakita kong muling pumasok si amara

"Amara"

Niyakap nya ako ng mahigpit tsaka hinagod ang likod ko.

"Shhh.. everything will be fine" bulong nya sakin.

"why does it feel like im not good enough for anyone?"

Buong akala ko wala ng luhang lalabas sa mata ko pero eto na naman sya patuloy lang ang pag agos.

"You are enough kath, sya ang may mali"

"Even Zachary, sinaktan nya ako" pagsusumamo ko.

Nakita ko ang pagkabigla sa mata nya.

"Hindi ko na kailangan mamili amara, kasi ako ang hindi nila pinili"

Muli nya ako niyakap. Hindi sya nagsasalita pero ramdam ko ang pagka-awa nya sakin.
Nakaka-awa naman talaga ako eh.

"i don't know what's wrong with myself that everyone ends up leaving me" humikbi ako

"Lying to me, forgets me, plays me, hurt me, gave up on me. What's wrong with me?"

Inalis nya ang pagkakayakap nya sakin tsaka hinawakan ang kamay ko.

"It's time to choose your self first, alagaan mo na yang puso na ya. Binigyan ka ng pangalawang pagkakataon mabuhay para maging masaya hindi para masaktan muli"

"Sometimes you need to take a break from everyone" ngumiti sya sakin pero may halo parin itong lungkot.

"spend time alone, take a break, appreciate, and love yourself. And always remember nandito lang ako para sayo"

Nakakagaan sa pakiramdam na may nag aalala sayo, na may paglalabasan ka ng sama ng loob.

"Hindi pala totoo yung sabi nila na hindi mo kaibigan ang kaibigan ng boyfriend mo"

Mahina syang tumawa sa sinabi ko.

"Gusto mo upakan ko ulit? Pati yung isa. Saan mo gusto tumama to"

Pinakita nya sakin ang kamao nya na handang makipag laban.

Parehas kaming tumawa. Ngayon mas pipiliin ko muna ang sarili ko bago ang iba. Aalagaan ko ang puso ni Hope sisiguraduhin ko na hindi na muli ito masasaktan.

Bigla ko naalala ang sinabi sakin ni Zachary na no one can make you cry.. no one.. pero isa pala sya dun. Isa sya sa ng paiyak sakin ngayong araw. Ayaw nya ako makitang umiyak pero sya mismo ang ng paiyak sakin.

Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan malapit ang puso ko.

Hope bakit ganun ang bestfriend mo? Ayaw daw nya ako nakikitang umiyak pero ilang beses na nya ako pinaiyak.

"Oh. Umiiyak ka na naman" saway sakin ni amara

Pinahid ko ang luha ko tsaka ngumiti sa kanya.

"Promise hindi na" tinaas ko ang kamay ko tanda ng pangangako ko.

Promise last na to. Hindi na ako iiyak dahil sa isang lalaki. Kahit kailan hindi na.

"Hindi na ako iiyak. Mamatay na maging marupok!" mahinang sigaw ko.

And this time i will choose myself first..
Putting my self first is not a selfish...
--

Her Fragile Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon