Chapter - 21

322 20 1
                                    

Maraming ng sasabi na masarap mag mahal pero bakit ako na sasaktan?

Ang hirap gumising sa umaga na alam mong wala ng susundo sayo, walang ng magbubuhat ng libro mo at wala ng mag bibigay sayo ng bulaklak.

"It's your fault" inis na sabi sakin ni pia ng makita nya akong matamlay na napaupo sa upuan ko.

Simula nung monday ay hindi ko na nakita si Zachary hindi sya pumasok ng tatlong araw ngayon ay Thursday at umaasa ako na sana pumasok sya ngayon.

Hindi parin naman ng babago ang isip ko sa pag iwas ko sa kanya. I just want to know if his okay kapag nalaman ko na maayos sya mapapanatag na ako.

"You're the one who push him away, kaya wag kang maaginarte nyan na ng sisisi ka. Kukurutin ko yang pisngi mo" inis na sabi sakin ni pia

Huminga ako ng malalim at tumingin sa pintuan at inaasahan na papasok sya pero dumating ang uwian ay hindi sya muling ng pakita.

Tumunog ang phone ko at agad ko itong tiningnan.

Amara:
Can we talk? Sa dati.

Gusto ko din sya makausap dahil napagtaasan ko sya ng boses nung nakaraan mula din nun ay hindi na rin kami ng usap.

"Pia mauuna na ako may dadaanan pa ako" paalam ko sa kanya.

Lumabas na ako na bitbit ang mga gamit ko at dumaretso sa lagi namin kinakainan ni Amara. Mabilis ko naman sya nahanap dahil isa lang naman ang lagi nyang inuupuan.

Umupo ako sa tapat nya at nilapag ang librong dala ko sa lamesa. Bahagya syang umubo at sinimulan ng magsalita.

"I-im so sorry kath. Hindi ko sinasadya na sabihan ka ng ganun" malungkot nyang sabi.

Hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti sa kanya.

"I'm sorry din kasi pinagdudahan ko ang pagkakaibigan natin. Alam ko naman na concern ka sa bestfriend mo"

Bahagya syang yumuko "Alam mo ang swerte mo" sabi nya "Kasi mahal na mahal ka ni Jake"

Tumingin sya sa mga mata ko.

"Mahal ka ng taong mahal ko"

Bahagyang lumaki ang mata ko sa narinig ko at hindi ako makapaniwala dun..

"Amara.."

"Yes kath, I'm in love with my best friend mula bata palang kami"

Nakita ko ang ningning sa mga mata nya at masasabi kong totoo ang sinasabi nya pero may halo itong lungkot.

"Pilit ko yun nilabanan kasi masisira ang pagkakaibigan namin kapag umamin ko dahil alam ko naman na kaibigan lang ang tingin nya sakin. Ilang beses ko sya nilakad sa mga babaeng gusto nya pati na rin sayo"

Tumingin ako sa kanya, gusto ko syang yakapin dahil dama ko ang sakit na nararamdaman nya.

Naalala ko ang mga araw na palagi ko sya pinapasama sa date namin ni Jake dahil gusto ko din sya kasama. Parang may tumusok sa puso ko ng ma-imagine ko na kung gano sya nasasaktan sa mga araw na yun.

"I-im s-sorry" nauutal kong sabi sa kanya.

"No kath it's okay, ako ang pumili nun wala akong lakas ng loob umamin sa kanya sahalip pinagtulakan ko pa sya sa iba"

"Wala eh siguro ganun talaga pag ng mamahal mas okay na ng masaya sya sa iba kahit na nasasaktan ka" muli nyang hinawakan ang kamay ko.

"Kaya nag-sisisi ako ng sabihin ko sayo na layuan mo si Zachary para lang kay jake. Ang tanga tanga ko dahil alam ko naman na masasaktan ka pero ginawa ko parin. I'm so sorry kath"

Ngayon alam ko na ang pinagdadaanan ni Amara sa loob ng napakaraming taon at doon ko masasabing minsan hindi masarap mag mahal. Love is so complicated walang nakakaligtas sa sakit kapag ng mahal ka, sabi nga nila na dapat maging handa ka sa sakit kapag ng simula ka ng mag mahal.

Hindi ba pwedeng pagmamahalan nalang na nararanasan natin at wala ng sakit?

Natapos ang paguusap namin ni Amara sa paulit ulit na paghingi nya ng tawad. Umuwi na ako sa bahay pagkatapos nun.

Naisipan kong pumuntang play ground at panoorin ang pag lubog ng araw.

Umupo ako sa swing at sinimulan ng ito iduyan sa pamamagitan ng paa ko.

Naalala ko nung unang beses ako pumunta dito mag-isa may isang babaeng halos kaedad ko lang na tumabi sakin. Napaka ganda nya nakasuot sya ng dress na puti dahil dun mas lalo syang ng mukang angel sa paningin ko.

"Hello, pwede ba ako umupo sa tabi mo?"
tanong ng babae tumango ako agad.

Pagupo nya sa tabi ko ay nakatingin lang sya sa paglubog ng araw, pinagmasdan ko ang maamo nya muka. Napaka ganda nya walang maipipintas sa kanya para syang isang dyosa kung meron na ganun sa tingin ko isa sya sa mga yun.

Nagulat ako ng bigla syang tumingin sakin kaya nahuli nya akong nakatingin sa kanya.

"I'm sorry, ang ganda mo kasi"

Tumawa lang sya pati ang pag tawa nya ay nakakahumaling. Sigurado akong maraming ng kakagusto sa kanya at napaka swerte ng lalaking makakatuluyan nya.

"Madalas ka ba dito? " Tanong nya ng hindi naka tingin sakin kundi sa araw na malapit ng lumubog kaya tinanaw ko din ito.

"Hindi ngayon lang ako pumunta dito gusto ko lang mamasyal bago kami pumuntang hospital" malungkot kong sabi sa kanya.

Agad naman sya napalingon sakin.

"Bakit anong gagawin mo sa hospital?"

"Sabi ng doktor kailangan ko na mag stay dun para ma prepare na ang katawan ko sa surgery. Heart transplant"

Yumuko ako "Pero hangang ngayon wala paring nahahanap na donor"

Hindi ko na pigilan ang pag patak ng luha ko pero mabilis ko din itong pinunasan.

"Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko magkaroon ng maraming kaibigan, gusto ko pang mag-aral. Gusto ko pa makasama ang magulang ko. Ayoko pang mamatay"

Humagulgol na ako naramdam ko ang paghagod nya sa likod ko kahit na hindi nya ng sasalita dama ko ang pagaalala nya. Nag humupa na ang pag luha ko ay doon sya ng salita.

"Lumaban ka hindi lang para sa magulang mo kahit sa mga kaibigan mo. Kundi lumaban ka para sa sarili mo. Ang hirap sabihin sakin nito dahil maging ako ay may pinagdadaanan"

Nakangiti sya ng sabihin nya yun saglit akong nagulat dahil hindi halata sa kanya na may pinagdadaan sya. Sa maamo nyang muka sa likod pala nito ay may lungkot syang dinadala.

Tumayo sya kaya tumayo na rin ako.

"Ano pangalan mo?" Nakangiti nyang tanong

"Katherine heart" sabi ko

Nagulat ako ng yakapin nya ako at bahagyang sinuklay ang buhok ko.

"I'm Elizabeth na nangangako sayo na maipagpapatuloy mo pa ang buhay mo. Sana sa pagkakataon na ito ay sana pahalagahan mo ito."

Pagkasabi nya nun ay mabilis nyang inalis ang pagkakayakap nya at tumalikod na sakin tsaka tuluyan ng umalis.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba ang nangyari o totoo syang tao.

Naramdaman ko ang paginit ng mata ko. Mula noon ay palagi na ako pumunta dito at inaasahan na magpapakita sya sakin pero hindi na sya muling ng pakita.

Kung isa man syang angel gusto ko sa kanya mag pasalamat dahil isa sya sa dahilan kung bakit ako lumaban.

--

Her Fragile Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon