Chapter - 23

300 16 3
                                    

May mga bagay tayong ginawa at pinagsisisihan din natin sa huli dahil sa halip na makabuti ito ay mas lalo pang nakasama sayo.

Siguro nga tama si Pia na selfless ako mas gugustuhin ko ng maging masaya ang isang tao kahit na kapalit nun ang kalungkutan ko, pero masasabi ko ding selfish ako dahil pinagtabuyan ko ang isang taong palagi nandyan sa tabi ko kahit alam kong masasaktan sya.

Habang wala pa ang teacher namin ay kinuha ko ang libro ko at sinimulan ng mag basa.

"Oh boy, nabuhay ka" nawala ang atensyon ko sa pagbabasa ng nagsalita ang isang naming classmate na lalaki.

Lumingon ako sa bagong dating nag tama ang mata namin isang malamig na ekspresyon lang ang binigay nya sakin at mabilis nya iniwasan ang tingin nya tsaka tuluyan ng umupo sa upuan nya.

"He's back" bulong ko sa sarili ko.

Hindi ako makapagbasa ng maayos dahil pilit akong nakikinig sa usapan ng mga lalaki kong classmate.

"Ang tagal nating nawala ah" sabi ng isa naming classmate.

"May importante lang na ginawa" simpleng sagot nya.

I bit my lower lip para mapigilan ko ang pagkirot ng puso ko. I can't help but to feel insecure and jealous. Ganun na ba sya ka-importante ka Zachary? Ito naman ang gusto ko diba? Ang wag na syang lumapit sakin?

Napalingon ako sa gawi nya at agad ng tama ang mata namin at ako na agad ang unang umiwas at ng pretend na ng babasa ng libro.

"Tama na ang pagp-pretend nakakasama sa puso yan" sabi ng katabi ko

"Lagi naman napapahamak ang puso ko"

Nang dumating ang lunch ay sinadya kong bagalan ang kilos ko para makasabay ko si Zachary mag lakad pero nagulat ako ng mag madali syang lumabas samin. Hindi sya ganyan palagi nya kami hinihintay lumabas para sabay kami kumain.

"Nice try" pangasar ni pia at inirapan ko lang sya.

Pagdating namin sa canteen ay kaming dalawa lang ni pia ang magkasama siguro hindi pa tapos ang klase ni Amara.

Pagkatapos kumain ay nakita kong pumunta si Zachary sa bandang harapan kaya pag bumalik sya ay dadaan sya sa harap namin. Mabilis kong nilabas ang gamot ko sa lamesa kung saan makikita nya.

Sinadya kong hindi yun inumin para pag daan nya sya ang magpapaalala sakin na kailangan ko ng uminom ng gamot.

Saktong pagdaan nya ay tumayo ako at niyaya si pia na umalis na at iniwan ang gamot sa lamesa buong akala ko ay tatawagin nya ako para sabihing naiwan ko ang gamot ko at oras na para inumin ito pero mali ako..

Nilagpasan nya ako pati na rin ang gamot.

"Strike two" pangaasar na naman sakin ni pia

Matamlay akong bumalik sa lamesa at kinuha ang gamot ko tsaka padabog na ininom yun.

I rolled my eyes when pia laughed so loud.

Tuwang tuwa talaga sya pag napapahiya ako.

"It's okay friend, tangap kita"

I rolled my eyes again to her again.

Pagsapit ng uwian ay nilabas ko lahat ng libro sa bag at pilit na niyakap yun gamit ang dalawang braso ko, muli ay sinadya ko yun para sya na mismo ang magbuhat ng gamit ko.

Lumabas na ko kasabay si Pia na kanina pa tawa ng tawa. Nang dadaan na si Zachary para lumabas ay biglang ng salita si pia.

"Nako kath, ang bigat naman ng mga dala mo baka nabibigatan ka at baka mapano pa yang puso mo"

Sinadya nya lakasan yun at inaparinig kay zachary "O-oo nga eh" pag arte ko

Pero sa pangatlong pagkakataon ay nilagpasan lang ako ni Zachary. Binagsak ko ang mga libro ko sa sahig.

"HAHAHAHAH OH MY GOD GINALINGAN KO DUN AH PERO WALA PARIN HAHAH"

Tawang tawa sabi ni pia

"Strike three kana girl"

At sa pangatlong pagkakataon ay inirapan ko lang sya. Isa isa ko ng kinuha ang libro ko at nilagay yun sa bag na sobrang luwag.

Gusto ko bumalik sa dati, gusto yung dating Zachary na concern sakin. Gusto yung Zachary na palagi akong inaalagaan but everything changed hindi na sya yung dating zachary na kilala ko.

Wala na syang pakiilam sakin. Diba ito naman ang gusto ko? Why am i regretting?

I took a lot of time to read books when i got home from school.

Inabala ko ang sarili ko para hindi sya maisip pero lolokohin ko lang ang sarili ko pag sinabi kong kahit isang sigundo hindi ko sya naisip.

Kinuha ko ang favorite kong book kung saan nakalagay ang sunflower na bigay nya, sobrang lanta na nito pero maganda parin syang tingnan.

Naalala ko ang mga bulaklak na sinayang ko at nauwi lang sa basurahan. Ngayon pinagsisisihan ko yun ng sobra at ang pinaramdam ko sa kanya ay labis kong pinagsisihan.

Bigla kong naalala ng bigyan nya ng sunflower ang babae sa hospital agad ako nakaramdam ng lungkot at pagkirot ng puso.

Ilang beses na nya kaya binigyan ng bulaklak yung babae? Araw araw din ba? Bakit isang linggo sya absent dahil sa kanya ba? Sino sya sa buhay ni zachary? Akala ko ba si hope ang gusto nya? No, akala ko ba ako ang gusto nya?

Ang daming katanungan na ng lalaro sa isip ko na mukang hindi ko malalaman ang sagot hangat hindi nya ako pinapansin.

Umaasa parin ako na sana isang araw ay bumalik kami sa dati.

Gusto ko man sya kausapin at sabihin na bumalik na kami sa dati na wag na sya umiwas sakin, na hindi na rin ako iiwas sa kanya pero wala akong lakas ng loob para sabihin yun ngayon. Because i'm so guilty this all my fault! Pinagtabuyan ko sya na dapat hindi ko nalang ginawa.

Buong akala ko na makakabuti sa puso ko ang pag layo sa kanya pero hindi pakiramdam ko mas lalo itong naaapektuhan.

Pinikit ko ang mga mata ko at pumasok sa isip ko si Elizabeth.

I'm so sorry Elizabeth nangako ako sayo na iingatan ko na ang puso ko sa pangalawang pagkakataon pero nabigo ako muli akong nasaktan sa ibang paraan ito ay dahil sa pag-ibig....

Maging si Hope ay pumasok din sa isip ko.

I'm so sorry Hope kung hindi ko iniingatan ang pusong pinagkaloob mo sakin...

--

Her Fragile Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon