Chapter - 32

308 17 0
                                    

Kinabukasan pinili namin ni Amara na maaga gumisig para kami na ang mag luto ng agahan dahil alam naming may hangover ang mga kasama namin.

Pag baba namin na bigla kami ng maabutan namin si Jake na ng luluto sa kusina. Ang lakas ng resistensya nya sa alak samantala sya ang pinaka lasing kagabi kaya kung ano ano na ang nasasabi.

Akmang muling aakyat si Amara pero tinawag agad ito jake.

"Bes" tawag ni jake

Huminto si Amara at bumulong ng "bes" tsaka huminga ng malalim bago pumuntang kusina.

Tuluyan na sana ako baba pero nagulat ako ng may humila sakin at dinala ako sa garden na may nakatanim na mga sunflowers.

Pumitas sya ng isa dun at binigay sakin.

"Good morning" sabi nya

Kinuha ko ang bulaklak at inamoy amoy yun.

"Thank you"

Umupo kaming dalawa sa upuan at pinag masdan ang mga bulaklak na tila sumasayaw dahil sa dala ng hangin.

"Tingin mo masaya si hope ngayon dahil sakin nya binigay ang puso nya?"

Sa hindi malamang dahilan ay bigla ko nalang yun natanong kita ko sa gilid ng mata ko na lumingon sya sakin pero binalik muli ang tingin sa mga bulaklak.

"Of course she is" simpleng sagot nya

Umiling ako "I don't think so kasi ilang beses ko na sinaktan ang puso nya"

Pinatong nya ang kamay ko sa kamay nya.

"Hindi natin maiiwasan masaktan pero naniniwala ako na hindi sya nag hihinayang na sayo nya binigay ang puso nya"

I looked at him, kita ko ang lungkot sa mata nya.

"Ikaw nag hihinayang ka ba?"

Seryoso kong tanong pero ang puso ko ay mabilis ang tibok dahil sa isasagot. Hindi sya agad naka sagot.

I understand, mahal nya si Hope pero hindi nya yun nasabi. Huli na ang lahat pero ramdam ko sa puso ko na mahal din sya ni Hope.

Hindi ko na hinintay ang sagot nya tumayo na ako pero muli nya ako hinila at napaupo ako ulit.

"Nang hihinayang ako dahil maaga sya nawala ang bata pa nya" malungkot nyang sabi

Muli ko naramdaman ang kirot sa puso ko katulad ng maramdaman ko sa ko kagabi.

"Pero masaya ako na sayo nya binigay. Ngayon alam ko na kung bakit nya ginawa yun"

Tumingin sya sa langit may ngiti sa labi nya pero hindi makakapag sinungaling ang mata nya dahil may lungkot dito.

"Hindi ko ba talaga pwede malaman ang dahilan?" i asked

"Someday, not now" simpleng sagot nya

Nakakalungkot lang na may tinatago sakin si Zachary pero dahil yun ang gusto ni hope kaya sinusunod nya. Pinipilit ko sa sarili ko na wag ako masaktan kailangan ko sya intindihin kailanga ko syang unawain.

Alam ko sa sarili ko na mahal pa ni Zachary si Hope dahil may mga lungkot pa sa mga mata nya kapag topic namin sya pero kailangan ko yun unawain dahil sariwa pa sa isip nya ang pagkawala ni Hope, pero ano ba ako sa kanya? Ano ang parte ko sa puso nya?

"Guys kain na"

Bumaling kami kay Amara na nakadungaw sa pintuan. Tumayo na kaming dalawa naabutan namin na nakaupo na silang apat pansin ko ang pag hilot sa noo ni Pia samantala si Darwin ay gulo gulo ang buhok.

Her Fragile Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon