PART 17 : Strong Friendship

1 0 0
                                    

Justine POV

"Bilisan nyo kumain magiikot-ikot pa tayo!"parang bata na sabi samin ni pamela.

"Oo na! Ang ingay mo takte ka!"natatawang sabi ko sa kanya.

Ilang saglit lang at tapos na kami kumain,nanghihila naman kaagad palabas si pamela at kung saan-saan kami dinadala,yung mga boys naman nagtatawanan lang sa likuran habang nakatingin samin.

"Bili tayo sa candy stall na yon oh!"tinuro ni pamela ang isang stall na puro candy.

"Ano ka bata?!"tanong sa kanya ni athena.

"Sa ngayon bata muna tayo! Tara na!"wala na kaming nagawa ng hilahin nya na uli kami.

"Ako magtatakal!"prisinta ni pamela at sya na ang kumuha ng kumuha ng kahit anong candy na nakalagay doon."Pili na kayo ng inyo!"sabi nya samin habang tinitingnan isa-isa ang mga candy.

"Wait! Sayo lang lahat yan?!"tanong ko dahil ang dami na nyang natatakal sa plastic na hawak nya.

Tumango lang naman sya.Napailing nalang kami bago namili ng amin.Pinili ko yung nerds,binigay ko na doon sa tindera at binayaran ko na.Kukuhanan nalang namin mamaya ng candy si pamela,hindi naman sya makakapalag pag pinagtulungan namin syang tatlo.

Pagkatapos namin kumuha ng mga candies dumiretso naman kami sa H&M para mamili ng mga gamit.Nagpaalam naman ang mga boys na pupunta sa bench at penshoppe.Kumuha na kami ng kanya-kanyang shopping bag at namili ng mga damit.

Marami na akong mga blouse and shirts kaya namili nalang ako ng kaunting dress at madaming sweater.Si pamela naman puro dress ang mga binili ganon din si jewel,si athena ang puro shirts.

Binayaran na namin ito pagkatapos dahil nag-aaya naman si pamela na mamili ng mga sapatos.Tinext namin ang mga boys na magkita-kita nalang mamaya sa dairy queen stall dahil may bibilhin pa kami.

Sa nike muna kami pumunta tatlong rubber shoes ang natipuhan ko at dalawa naman kay jewel pati kay athena at tatlo rin kay pamela.Gusto naman nila na mga pangporma na sapatos,pumunta si athena sa converse,si jewel naman sa keds,si pamela naman sa puma at ako.naman sa vans.

Magkikita-kita nalang kami sa tinuro ko na bilihan ng mga gamit sa sports.Binayaran ko na lahat ng mga napili ko at naabutan ko naman na sila na nandoon.

"Tara na!"

"Ano bibilhin natin?"tanong ni athena

"Bola ng volleyball."suggest ni pamela."Tapos mamaya laro tayo sa malapit na park!"excited na sambit nya na tinanguan naman namin.

Kumuha na kami ng bola ng volleyball."Eto lang?"tanong ko.

"Mga raketa tsaka syempre shuttlecock!"suggest naman ni athena.

Kumuha na kami ng tatlong pares ng raketa at tatlo din na shuttlecock.

"Guys hinahanap na tayo ng mga boys!"napapairap na sabi ni athena habang nagtatype sa phone nya.

"Sabihin mo patapos na! Wag kamo sila atat!"sagot ni pamela na tinawanan namin.

Pagkatapos naming makuha ang mga pinamili halos hindi naman na kami makaayos sa paglalakad sa dami ng mga binili namin.

Natanaw naman na namin ang boys na nagtatawanan sa gilid ng dairy queen.Ng makita nila kami ay agad nila kami lng dinaluhan at kinuha ang mga dala.

"Thanks."sabi ko ng kuhanin lahat ni charles ang mga binili ko.Si lance naman kay jewel at si nicko naman kay athena.

"Hoy yung akin!"pinakita naman ni pamela yung mga dala nya.

Love Can Hurt You That Much (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon