PART 29 : Justine Moves

1 0 0
                                    

Justine POV

Nakangiti akong tumayo at naghanda para pumasok.Kagabi mga 8:30 pm ay inihatid na ako sa bahay ni charles,hindi din naman ako natulog ng maaga dahil nakangiti kong binabalikan yung mga nangyari sa amin kahapon,na naging iba lahat ng epekto sakin.

Pinindot-pindot ko ang ilong ni peter.Peter na ang ipinangalan ko sa teddy bear na ibinigay ni charles sa akin para malapit lang din sa pangalan nya.

Habang naliligo,biglang pumasok sa isip ko yung sinabi sa akin ni lance.

"Alam mo pre,pinapahirapan mo lang sarili mo nyan.Kasi alam mo na yung sagot pero ayaw mo pang aminin mismo sa sarili mo."

"Tanggapin mo na kasi na si charles na ang laman nyan at hindi na iba."

"Aminin mo muna sa sarili mo bago mo sabihin sa kanya."

Inalala ko namam yung mga pangyayari sa pagitan namin ni mark,sinubukam ko kung may epekto pa rin ba sakin yung nangyari pero wala.

Napapangiti naman ako sa tuwing naalala ko yung mga kalokohan na ginagawa na magkasama kami ni charles.

Ngayon malinaw na.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform tsaka inayos ang mga dadalhin ko bago bumaba.

Dahil nasa mood ako nginitian ko pa si ate at humalik pa ako sa pisngi nya.

"Good morning ate."

"Good morning din."

Umupo na ako sa katapat ng upuan nya.

"Aba! Good mood ah! Ano nangyari kagabi?"

Natatawa naman akong kumuha ng sandwich."Wala naman.Nag-bonding lang kami ni charles."

"Nakooo! Yang mga ngitian mong ganyan justine! Iba yan e!"

"Hahahaha!"

Ng kaunti nalang ang sandwich na hawak ko ay tumayo na ako sa dining at uminom lang ng tubig tsaka nagpaalam uli sa kanya na aalis na.

Habang nagdadrive naalala ko na naman yung sinabi sa akin kagabi ni charles.

"Sana maging akin ka na."

Napailing nalang ako at mas binilisan pa ang pagmamaneho.

Agad naman akong nakarating sa school.Nakangiti akong binuhat ang bag ko tsaka lumabas ng kotse.

"Hi justine."bati sa akin ng mga kaklase ko.

"Hello!"

"Uy justine."

"Hi!"

"Good morning."

"Good morning men!"

Hanggang sa makarating ako sa room ay nakangiti pa rin ako.

"Good morning mga pre!"bati ko sa mga kaibigan ko na nginiwian lang ako.

"Anong nangyayari sayo?"nakataas ang isang kilay na tanong sakin ni athena.

"Wala hahaha bakit bawal maging masaya?"

"Ulol! May nangyari yan!"

"Hahahaha!"

Inirapan nya lang ako.

"May nangyari kay justine e!"sabat naman ni nicko.

"Wala nga hahahaha!"

Nagkatinginan naman kami ni lance at sabay na tumawa kaua nabatukan tuloy sya ni athena at jewel.

Mas gusto ko na ganyan ang mga ugali nila kaysa yung kahapon.

Napasulyap naman ako sa katabi kong upuan."Oh wala pa rin si pamela?"

Nawala naman ang ngiti ni nicko at athena."N-nilalagnat daw kaya hindi muna pinapasok ng mom nya."

"Kailan naman daw papasok?"iniintindi ko kasi baka marami syang malampasan na lesson,sayang naman yon tsaka paano kung kasali yun sa magiging test namin baka bumagsak sya.

"W-walang sinabi."

"Mamaya nalang puntahan ko."nilapag ko na ang bag ko.

"Wag na! Ayaw nyang magpabisita."sagot kaagad sakin ni athena.

"Bakit nakakahawa ba?"tanong naman ni jewel.

"O-oo! S-sobra."

Tumango nalang kami tsaka ako umupo.

"Why are you so happy?"kunot-noong tanong sakin ni charles.

"Wala."nakangiting sagot ko."Oo nga pala,simula ngayon tawag ko na sayo peter."

"Why?"

"Ang dami na kasing tumatawag sayo ng charles kaya para maiba peter naman."lumapit ako sa kanya para bumulong."Pag narinig mo yon it means ako ang tumatawag sayo."

Nakangiti syang tumango sakin."Okay sige."

Kinalabit ko naman ang mga kaibigan ko na naghaharutan."Hoy mga abno! Walang ibang tatawag na peter dyan ah!"

"Bakit?"

"Kasi ako tatawag sa kanya non.Naiintindihan nyo?"

"Oo."

"Eh paano naman yon?"tinuro ni jewel si michelle na tutok na tutok ang tingin kay charles.

"Sigurado ako gagaya yan."gatong naman ni lance.

Tinuro ko yung sarili ko."Ako lang tatawag ng 'peter ' dyan.Pag may iba kundi ko 'kakalbuhin' 'aahitan ko ng kilay' !"sinabi ko yon ng nakatingin kay michelle.Sinadya kong lakasan para marinig nya,ng magkatinginan naman kaming dalawa inirapan nya ako kaya humagalpak ng tawa sila lance.

Maya-maya lang dumating na si sir at nagturo na kaagad ito.Sinenyasan ko naman si lance na katabi si peter na palit kami ng upuan tumango naman sya.Tiniming namin na nakatalikod sa amin si sir bago kami mabilis na nagpalit ng upuan.

"Oh ba't kayo nagpalit?"pabulong na tanong ni peter.

"Gusto kita katabi bakit ba?"napangiti naman ako ng mamula sya.

Hahaha ako naman dadamoves ngayon.

"Susubukan ko araw-araw ng dito umupo."Nginitian ko uli sya bago nagsulat.

Hindi ko tinitingnan sa mata si sir kasi alam ko naman na bawal lumipat ng upuan baka kasi maparusahan na naman ako.Pero kasi gusto ko makatabi si peter.

"Justine?"nagtataka na tinuro ni sir yung upuan ko kung saan nakaupo na si lance.

Yumuko na ako sa may upuan sa harapan para hindi na nya ako makita.

"Mr.Castillo bakit ikaw ang nakaupo sa upuan ni ms.delos reyes?"

Nakita ko sa gilid na lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay na kay sir na at lance.

Tumingin sa akin si lance na parang sinasabi na magpakita na ako kay sir bago pa sya malintikan.

Tiningnan ko si peter na bumubungisngis na.Napapikit ako ng mariin bago dahan-dahan na tinaas ang ulo ko,nag-peace sign pa ako kay sir.

Nagpapalit-palit ng tingin nya samin ni lance kasabay ng pagturo."Bakit kayo nagpalit ng upuan?"

Tiningnan uli ako ni lance kaya ako na ang sumagot."A-ako sir nagpalit kay lance."

Umiling si sir kasabay ng pag-ngisi.Wala na akong nagawa ng sinenyasan nya na akong lumapit sa kanya at pinabalik nya sa upuan si lance.

Nakayuko na akong lumapit kay sir at nagpapingot.

"Tsk! Saket!"hinihimas-himas ko ang tenga ko pabalik sa upuan ko.

Tiningnan ko naman ng masama ang mga kaibigan ko na tumatawa,nahihiya naman akong sumulyap kay peter.

Shit! Dumadamoves ako eii!!Palpak men!

Love Can Hurt You That Much (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon