PART 28 : Just the two of us

1 0 0
                                    

Justine POV

"Sige pre bukas nalang ulit."paalam ni lance at jewel.

Nakipag-apir naman ako sa kanila."Sige sige ingat."

Tiningnan ko naman si nicko at athena,nginitian ko sila gumanti ng ngiti sa akin si nicko bago kumaway at sumakay sa kotse nya.

Nagulat naman ako ng bigla akong niyakap ni athena ng mahigpit.

"H-huy okay ka lang athena?"tinapik-tapik ko pa ang likuran nya pero nanatili lang syang nakayakap sakin.

"Mag-iingat ka justine.Basta lagi mong tatandaan na nandito lang kami palagi para sayo."nagtataka ko naman syang tiningnan ng kumawala sya sa pagkakayakap,nginitian nya lang ako at sumakay na sa kotse nya.

"Bye justine."Binuksan na nya ang pintuan ng kotse nya."Wag mo na ulit gagawin yon ah."

Nakangiti akong tumango sa kanya."Oo promise.Sorry ulit."

"Mm.Ingat ka."

"Ikaw din."

Sumakay na kami sa kanya-kanyang kotse at nagmaneho paalis.

Pagkarating sa bahay bumaba na ako sa kotse at dumiretso papasok ng bahay,umakyat na ako sa kwarto ko at magbihis ng pang-bahay.

Bumaba naman na ako para kumain kasama si ate felicity.

"How's school?"

"Good."

"Walang happenings?"

"Wala naman gaano."

Tumango lang sya at kumain nalang ulit.

Pagkatapos kumain ay nag-aya sya na maglaro sa labas,napag-isipan nalang namin na mag-badminton.

Habang naglalaro,tumabi kami ng may pumitpit na kotse akala namin dadaan peor huminto sa bahay namin.Nagkatinginan kami ni ate bago sabay na pumunta sa labas ng bahay.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nasa loob ng kotse.

"Good afternoon po."

Unti-unting lumapit si charles na may dalang dalawang malaking boquet.

"For you justine and ate felicity."

"Thank you charles."

"Salamat charles.Oh anong oras na ah bakit ka napadaan dito?"

"Ahm...ipapaalam ko lang po sana si justine.Kung pwede po na lumabas kami."

Tiningnan naman ako ni ate bago tumingin uli kay charles."Sige.Mga eight or nine kailangan nandito na sya."

"Sige po."

Tiningnan naman ako ni ate."Ano pa hinihintay mo justine? Magbihis ka na,aalis kayo ni charles oh."

"A-ahh oo wait lang.Pasok ka muna."

Inaya na muna namin syang pumasok at hinayaan ko nalang muna si ate na magkausap sila ni charles.Nagtuloy-tuloy na ako paakyat sa kwarto ko at naligo tsaka nagbihis.

Naghanging blouse nalang ako,black na jeans at rubber shoes.Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at nagpabango lang ng kaunti bago bumaba.Ng makita nila ako ay tumayo na silang dalawa.

"Oh sige na,umalis na kayo kung aalis kayo anong oras na oh."Nagpaalam pa kami ulit saglit kay ate bago sumakay sa kotse ni charles at minaneho na nya paalis.

Love Can Hurt You That Much (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon