Justine POV
Sinilip ko ang phone ko ng tumunog ito.
Tumatawag si athena kaya agad ko itong sinagot."Oh?"
["May ginagawa ka ba dyan sa bahay nyo?"]
"Wala naman.Bakit?"
["Inom tayo."]
"Bakit? Anong meron?"Tumayo na ako at sinimulang iligpit ang mga ginamit ko na cd at controller.
["Wala naman.Pang-chill lang."]
"Sino ba mga kasama?"
["Tayo lang pito."]
"Ahhh oh sige."
["Text ko nalang sayo kung saan."]
"Ge."
Binaba ko na ang tawag tsaka lumabas sa play station,napasilip naman ako sa bintana at hapon na pala.Isang message naman galing kay athena ang natanggap ko at sinabi nya nga kung saan ang location.
Naligo naman na ako at nagbihis,tinext ko na sya na papunta na ako doon ang sabi naman nya nasabihan nya na rin sila charles kaya malamang nandoon na yung mga yon.
Bumaba na ako sakto naman na kakadating lang ni ate.
"Oh saan ka pupunta?"
"Ah dyan lang."iniwas ko ang tingin ko para hindi nya na mahalatang ayoko sagutin ng direkta ang tanong nya.
Pero sadyang magaling ang kapatid ko."Saan yang 'dyan lang' ?"
"Dyan sa malapit na bar lang."
"Ano gagawin nyo doon?"
"Iinom."
Humalukipkip naman sya sa harapan ko."Sino mga kasama?"
"Si athena,nicko,lance,jewel,pamela tsaka si charles."
"Kayo lang?"
"Oo."
"Sure?"
"Oo nga."
Bumuntong-hininga naman sya."Oh alam mo naman na yung mga bilin ko iba? Malaki ka na alam mo na yan."Dinuro nya pa ako.
Hinawi ko naman ang kamay nya tsaka tumango.Nagpaalam na uli ako sa kanya at lumabas na ng bahay at sumakay na sa kotse ko.
Malapit lang naman dito ang bar na sinabi ni athena kaya nakarating naman ako kaagad.Nasa labas palang ako natanaw ko na si athena na nakahalukipkip at nagtitingin-tingin sa paligid kaya lumapit na ako sa kanya tsaka kami sabay na pumasok sa loob.
Bumungad kaagad sa akin ang amoy ng sigarilyo at mga taong umiinom sa may gilid pati ang malawak na dancefloor.Dumiretso kami sa gilid at nakita kong nagkukwentuhan ang iba pa naming kaibigan.
Ng makita nila kami ay agad na nakipag-apir sa akin tsaka muling umupo,may nakahanda naman na inumin na nasa bucket at pulutan.
Kumuha na kami ng kanya-kanyang bote at sinimulan ng uminom,napangiwi ako ng malasahan ang pait ng alak.Stallion ang pangalan ng alak na iniinom namin kaya pala sobrang pait.
Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano habang umiinom,nagtatawanan pa minsan-minsan pag may isa sa amin na gumagawa ng katarantaduhan.
Ilang oras lang at kusa kong naihiga ang batok ko sa likuran ng sofa na inuupuan namin dahil pagkatingin ko kay athena na nasa harapan ko bigla itong umikot.
BINABASA MO ANG
Love Can Hurt You That Much (Season 1)
Teen FictionSome stories didn't really end up in HAPPY ENDING...