Justine POV
Kanina pa kami bored na bored sa dinidiscuss ni mam.Science time na at nanatili lang ang tingin naming magbabarkada sa orasan na nakalagay sa itaas ng board.
Paulit-ulit kong itunutuktok ang ballpek ko sa desk ko kasabay ng pag-usad ng orasan.
"Ang boring."bulong ni pamela.
Hindi ko sya pinansin at inintay nalang na mag-bell at nangyari na nga.
"Okay class see you tomorrow."paalam ni mam.Nagpaalam rin naman yung iba pero ako tumayo at nag-unat tsaka nilingon ang mga barkada ko.
"Tara na."Tumayo na sila at naglakad na kami palabas ng room.
Dumiretso na kami sa cafeteria at namili ng pagkain.Nag shake at tinapay nalang kami pare-pareho para isang bilihan nalang,naisipan na muna naming tumambay sa may stage at doon kumain.
Kumakain lang naman ako habang sila naman ay nag-uusap kung saan sila mga nakatira.
"Ikaw justine saan ka nakatira?"napalingon ako kay charles ng magtanong sya.
"Uhm...dyan lang."sagot ko.
"Tanga! Tinatanong ni charles yung mismong eksaktong lugar!"nakatikim naman ako ng batok kay athena dahil sa sagot ko.
"Tsk! Basta."iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at tumingin nalang sa malayo.
Inakbayan naman ako ni pamela."Alam mo charles kahit kami hindi pa nakakapunta sa bahay ng ugok na to.Oo alam namin kung saan pero ayaw nyang magpapunta,nung una ayaw nya pang sabihin kung saan kaya pahirapan namin syang sinundan pauwi sa kanila kaya nalaman namin."natatawang sabi nya bago bumaling uli sakin."Ewan ko nga dito kung bakit ayaw ipasabi,kung titingnan mo naman ang bahay nya maayos at malaki rin.Bakit nga ba pre ayaw mo ipasabi?"tanong nya at nilapit pa ang mukha nya sakin para maagaw ang atensyon ko.
Lumayo ako sa kanya."Basta ayoko."
Yung huling taong pinapunta ko don ay si---tsk!Basta!
Ngingisi-ngisi naman si pamela."Kasi dahil kay--"
"Shut up."seryoso kong sambit sa kanya dahilan para mapayuko sya at kumain nalang.
Mabilis akong nawala sa mood at binilisan na ang pagkain ko.Nauna naman akong natapos kaya lumundag na ako pababa ng stage at tinapon ang plastic na hawak ko.
Narinig ko pa sila na sinisisi si pamela dahil sa pagiging maingay nito.
I hate it! I hate remembering that guy!
I hate this fucking memories!"Let's go."malamig na aya ko sa kanila.
Napatingin naman ako kay charles na clueless sa nangyayari,ng magtama ang paningin namin ay iniwas ko na ang tingin ko at inintay nalang sila matapos.
"Uy sorry pre."Lumapit sakin si pamela ng naglalakad na kami pabalik ng room.
"Just don't do it again.I don't want to discuss things about that,about him."
nagpilit ako ng ngiti sa kanya."Oo pre sorry di na mauulit."nginitian ko uli sya at tinapik ang balikat nya tsaka kami tumuloy papasok ng room.
Nakihalubilo na uli ako sa kanila ng mapakalma ko na ang sarili ko at ng maalis ko na ang mga memories na matagal ko ng gustong kalimutan.
Ayoko naman kasi na maguilty pa uli si pamela dahil nakapagsorry naman na sya sakin,ang ikinaiinis ko lang ay yung mga memories na matagal ko ng itinapon pero paulit-ulit na bumabalik.
BINABASA MO ANG
Love Can Hurt You That Much (Season 1)
Teen FictionSome stories didn't really end up in HAPPY ENDING...