Charles POV
"Peter stop."
"Hey i said stop."
Pilit nyang hinahawi ang phone ko,kanina ko pa kasi kinukuhanan sya ng pictures ayaw nya naman kaya puro stolen pics tuloy.
Ng matapos ko syang kunan ay tumakbo na ako papunta sa room dahil sinusubukan nyang kunin ang phone ko para i-delete ang mga pictures nya.
Nakita naman kaagad kami ng mga kaibigan namin na napangiti ng makita na naghaharutan na uli kami ni justine.
Inusod ko ang upuan ko sa tabi ni justine at nakatingin na naman sya malayo kaya nagpicture ako na kasama din sya.
Nakanguso ako samantalang sya nakatulala sa may bintana.Nakailang shots pa ako na nakapalumbaba sya,yung iba naman ay nakatukod ang magkabila nyang braso sa desk at nakabusangot ang mukha habang nakatingin sa harapan.
Umalis na ako ng tangka nya hablutin ang phone ko ng mahuli nya na kinukuhanan na naman sya.Binalik ko na uli ang upuan ko sa dating pwesto nito dahil ng makita ni sir na nasa likuran ni justine ang upuan ko ay napingot ako ng limang beses.
Umupo ako sa malapit na bakanteng upuan at tiningnan isa-isa ang pictures ni justine.Hindi ko maiwasan na mapangiti habang nakatingin sa mukha nya.
Ang ganda talaga nya.
May naisipan akong gawin sa mga pictures nya at patuloy na iniiwas ang phone ko dahil pilit nya itong inaabot.
"Delete those photos,peter."
"Nah-ah!"
"Arrrgghhh!!"wala na syang nagawa at bumalik nalang sa upuan nya.
Ng matapos ako sa ginagawa ko ay nilagay ko na sa bulsa ko ang phone at inintay nalang na mag-bell.
Justine POV
"Justine can you come with me?"
Nilahad ko ang kamay ko sa harapan nya.
"Delete muna."
Nilayo nya sakin ang phone nya."No."
"Then it's a no."nagpatuloy na uli ako sa paglalakad pero humarang naman sya.
"Please justine."nagpuppy-eyes pa sya kaya napailing ako.
"Saan ba tayo?"nameywang ako sa harapan nya.
Ngumisi sya at hinawakan ang kamay ko."Let's have a date."
Gulat naman akong tiningnan sya."Are you serious?"
Tinuro naman nya ang mukha nya."Do i look like i'm joking?"
Pinakita ko sa kanya ang suot ko."Nakauniform pa ako."
"Bakit? Anong masama?Ako din naman ah."
"I mean kailangan ko mag-ayos."
Kinabig nya ako palapit sa kanya,kinilabutan naman ako ng ngumisi sya."Maganda ka naman na kaya di mo na kailangan mag-ayos."Namula ang mukha ko ng nilapit nya ang mukha sa akin.
"Guys baka pwede na makarating muna tayo sa kanya-kanya nating kotse bago nyo gawin yan."singit ni lance kaya sinamaan ko sya ng tingin na tinawanan lang nya.
Naglakad na uli kami at nakarating sa parking lot.Nagpaalam na kami sa isa't-isa.
Papasakay na sana ako sa kotse ko ng magsalita si peter.
"Dito ka na sumakay sa kotse ko."
Nilingon ko sya at umiling."Wag na.Dala ko naman yung akin eh,susundan ko nalang yung kotse mo."
BINABASA MO ANG
Love Can Hurt You That Much (Season 1)
Teen FictionSome stories didn't really end up in HAPPY ENDING...