Justine POV"Bye guys!"
"Congrats ulit!"
"Una kami bye!"
Kinawayan naming magkakaibigan ang lahat ng mga kaklase namin na isa-isa ng nagsisiuwian.
"Alis na din kami pre."nagkamayan pa ang mga boys at nagbeso kaming mga babae bagi sila nagsialisan.
"Justine."
"Hmm?"
"Can i call you babe?" tiningnan ko naman sya,mababakas na nahihiya sya.
Ngumiti ako."Oo naman."
Nakangiti ko din ang pasimple nyang ngiti."Mamaya nga pala susunduin kita sa bahay nyo,be prepared okay?"
"Bakit? Saan tayo pupunta?"
Parang nanghina ako sa isinagot nya.
"You'll get to meet my family.Nababanggit na kasi kita sa kanila kaya gusto ka na rin nila makilala,tutal magkakaroon naman ng celebration sa bahay kaya perfect timing para makilala mo na sila."
"B-b-but.."
"No 'buts'.I'll fetch you later,babe."Hinalikan nya ako sa noo."Now let's go home."
Tanging pagtango nalang ang nagawa ko.Katulad ng nakasanayan,inintay na muna uli ako na unang makasakay,tulala akong sumakay sa kotse ko.
Hindi ko na pinansin ang pagbusina nya,nagdrive nalang kaagad ako pauwi.
Kinakabahan ako na ewan.Makikilala ko na ang pamilya ni peter.
Anong susuotin ko? Anong make-up gagawin ko sa mukha ko? Should i call an make up artist? How should i treat them? Magugustuhan kaya nila ako? Tututol kaya sila sa amin ni peter?
Gosh! This is the first time na ipapakilala ako ng personal ng boyfriend ko sa pamilya nya.
Hinarurot ko na ang kotse ko kaya mabilis akong nakarating sa bahay.Tulala akong pumasok sa loob ng bahay,iniisip ko kung anong paghahanda ang gagawin ko para mamaya.
Kinakabahan na talaga ako!
"Hoy!"
"Ay putakte! Ano ba ate?!"
Tinulak ko sya ng bahagya para magkaroon ng distansya sa amin.Sibra kasing lapit ng mukha nya sakin."Ano iniisip mo ha?"nakangising tanong nya sakin.
"Tsk!"
"Ano?"
"Kasi mamaya.....may pupuntahan kami ni charles."
"Oh saan?"
"Sa bahay nila magkakaroon kasi ng celebration sa kanila at isasama nya ako."
"Oh anong masama don?"
"I-ipapakilala na kasi nya ako mamaya sa pamilya nya."Nanlalamig na yung mga kamay ko at parang may kung anong bulate sa tyan ko.
"That's great! Aayusan kita para maganda ka pag humarap ka sa pamilya nya mamaya!"may pagpalakpak pa si ate at halatang excited sya mamaya sa gagawin nya sakin."Anong oras daw ba?"
"Walang sinabi eh.Basta mamaya nalang daw susunduin nya ako dito."
"Bakit mukha kang pinagsakluban ng langit ha?"
"Kinakabahan ako ate."pag-amin ko sa kanya.Hindi ko na kasi alam kung paano ko papakalmahin sarili ko.
Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at hinarap sa dining."Don't worry mamaya ako bahala sayo,sa ngayon kumain ka na muna."
Sabay kaming nagtungo sa dining para kumain.Nakatulala pa din ako sa kung saan kaya naramdaman kong kinalabit ako ni ate.
"Kumain ka na muna.Wag mo na alalahanin yon,ako bahala sayo."nagthumbs-up pa sya sakin kaya pilit akong napangiti at nagpatuloy sa pagkain.
Sana maging maayos naman ang pagm-meet namin haysss....
Pagkatapos kumain ay nakatanggap ako ng text galing kay charles.
From:Peter
I'll fetch you at 7:00pm.Nagtype naman ako ng isasagot sa kanya.
To:Peter
I'm nervous i don't know what to wear.Agad naman syang nagreply.
From:Peter
Whatever you wear you're always beautiful.Don't be pressured,i got you 😉.See you later i love you.To:Peter
I love you too.Pumunta ako kay ate at sinabi ang oras,umakyat naman na sya para ihahanda nya na daw yung gagamitin ko.
Napapabuntong-hininga kong tiningnan ang oras.
5:50pm.
Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay tsaka tumungo.Sobrang lamig ng kamay ko at bahagya pa itong nanginginig.
Hindi naman ako mapakali kaya tumayo ako at nagpaikot-ikot.Nakita ko na bumaba si ate pero hindi ko nalang sya pinansin.
"Huy! Kumalma ka nga! Maupo ka lang dyan mamaya pa naman yon."
Nasuklay ko nalang ang buhok ko ang gamit ang mga daliri at napahinga ng malalim.
"Halika nga dito,nahihilo ako sa ginagawa mo!"hinatak ako paupo ni ate sa sofa kung saan magkatabi kaming dalawa.
"Ate....ayoko na tumuloy."nakatikim naman ako ng batok mula sa kanya.
"Bakit hindi ka tutuloy?"
"K-kasi naman nakakakaba kaya.Baka ma-dissapoint ko yung mga tao na nandoon pag pinakilala na ako ni charles."ginilid ko ang buhok ko ng makaramdam ako ng init.
"Andyan naman si charles para samahan ka tsaka alam kong hindi ka non pababayaan,magtiwala ka lang sa kanya.Okay?"hinagod nya ang likuran ko kaya humiga ako sa balikat nya.
"Yes ate."
"Masaya ako para sa inyo lalong-lalo na sayo."hinaplos nya ang buhok ko."Hindi ko akalain na kaya mong magmahal ng ganyan hahaha!"
"Hahaha! Ako din ate,hindi ko expected na aabot ako sa ganito para sa kanya."
"Ibang-iba ang ngiti at kilos mo sa tuwing nandyan sya sa tabi mo."
Napangiti ako sa sinabi ni ate ng maalala kung paano kami nagsimula ni charles.
From strangers to lovers.
Kahit papaano,nakatulong ang ganitong pag-uusap namin ni ate para hindi na ako kabahan.
Nag-aya naman na sya papuntang kusina para kumuha ng mga pagkain at manood muna ng movie dahil maaga pa naman.
Nandoon na kami sa part na yung babae umiiyak dahil iniwan sya nung lalaki na nahuli na nyang may kasamang iba.
Ngumiti nalang ako ng makita ko ang sarili ko dati sa babaeng pinapanood namin ngayon.
"Sana...sana sya na nga yung lalaki na hinihintay ko na makakatuluyan mo."
Tumigil ako sa pagkain at tiningnan sya tsaka na nya ako nilingon ng nakangiti.
"Ayoko na kasi na makikita ka uling miserable,tin.Nasasaktan din ako lalo na at mismong kapatid ko ang nagkakaganon."
"Yun din ang hiling ko ate.Na si charles na talaga."
Nakangiti nyang binalik ang tingin sa movie."Pero paano tin kung....kung maulit uli yung dati? Susubukan mo pa bang magmahal uli kahit hindi na sya?"
Umiling-iling ako at ginaya sya na tumingin uli sa movie."Hindi na,huli na sya.Nakakapagod na."
Kung sakali man na hindi pa din si charles ang para sa akin sa tingin ko ay mas gugustuhin ko nalang na mamuhay mag-isa kaysa magmahal uli ng panibago.
BINABASA MO ANG
Love Can Hurt You That Much (Season 1)
Teen FictionSome stories didn't really end up in HAPPY ENDING...