PART 6 : Confess

2 0 0
                                    

Justine POV

"Maaga daw uwian ngayon dahil may meeting."malamya na sabi samin ni jasmine.

Ilang oras kaming naging tahimik matapos nangyari yung kanina.Inintay namin ang magtuturo pero walang dumarating dahil may meeting pala.

Nagkanya-kanya na kaming kuha ng gamit at lumabas ng room.Ako ang nauuna sa paglabas at nakasabay ko si michelle,binunggo nya ang balikat ko.

Tinulak ko naman sya kaya muntikan na syang masubsob sa hallway."How dare you?!"gigil na sabi nya.Hinawakan nya ang braso ko at pilit akong hinihiwalay sa mga barkada ko.

Malakas na hinawi ko ito."Fuck off!"napaatras naman sya at masama akong tiningnan.

Nagtuloy-tuloy nalang kami paalis hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Bukas nalang ulit."paalam sakin ng mga kaibigan ko.

"Sige ingat."

Sumakay na kami sa kanya-kanyang kotse at pinaandar na iyon.

Agad naman akong nakarating sa bahay,kumain na ako ng hapunan at umakyat na sa taas.

Buti nalang wala daw si ate dahil may pinuntahan na pasyente ngayon,kasi kung nandito yon paniguradong tatanungin lang ako kung ano nangyari sa school at hindi naman ako makakapagsinungaling,co'z she can see if i'm lying or not.

Naligo na ako at binaba ang uniform ko pati ang lunchbox,kinuha naman kaagad ito ng maid.

Umakyat nalang uli ako at umidlip.Nakakapagod ang nangyari sa school dahil first day pa kakasimula palang ng pasukan nagkakagulo na agad sa room.

Nagising ako at madilim na sa labas,bumaba na ako para kumain ng hapunan.Naabutan ko naman si ate na papasok palang ng bahay at nagkatinginan kami,iniwas ko na agad ang tingin ko sa kanya at tumuloy sa dining.

Kumain na ako ng umupo sya sa katapat kong upuan at sumabay sakin.

"So anong nangyari sa school mo ngayon?"

Nanatili lang ang tingin ko sa pagkain."Nothing's special."

"Oh okay."

Totoo naman ang sinabi ko na walang espesyal na nangyari sa school ngayon,nag-away pa nga.

Napansin siguro ni ate na wala ako sa mood magkwento kaya hindi na sya nagtanong pa hanggang sa matapos kaming kumain.

Sabay na kaming umakyat."Good night ate."

Niyakap nya naman ako."Good night.Basta pag may problema magsabi ka."

Tumango naman ako sa kanya,sya kasi palagi ang tagapagtanggol ko nung bata pa ako.Sya lagi ang kumakausap sa mga magulang ng mga kaklase ko na nang-aaway sakin nung elementary at sya rin ang pumapatol sa mga ito lalo na yung unang beses pa lang akong papasok sa school.

Nginitian ko sya bago pumasok sa kwarto.Natulog na ako pagkatapos kong magtoothbrush.

Kinabukasan, ginawa ko nalang uli ang routine ko bago pumasok.

Pagkarating ko naman sa school ay pinark ko ang kotse at nagtuloy na papasok.

Ang weird lang kasi habang naglalakad ako sa quadrangle mangilan-ngilan na kaklase ko at nginingitian ako at bumubungisngis tsaka bumubulong sa kasama nila.

Anong meron?

Hanggang sa makarating ako sa room,nilapag ko ang bag ko sa tapat ko at umupo,tiningnan ko ang mga kaibigan ko na may mga makahulugang tingin sakin.

Kumunot naman ang noo ko."Anong nangyayari sa inyo?"tanong ko.

Sila kasing lima ang nakatingin sakin samantalang si charles naman ang nakayuko sa may tabi nila lance at hindi makatingin sakin.

Bago yon ah.

"Hoy!"niyugyog ko pa si pamela."Ano kako nangyayari sa inyo?"

"Hindi mo pa pala nasasabi sa kanya charles?"tanong sa kanya ni lance at inakbayan pa sya nung dalawang lalaki.

Tanging pag-iling lang ang isinagot nito.

"Sabihin mo na."Pilit nilang pinatayo si charles at buong lakas na tinulak papunta sakin.

"Ano ba yon?"tanong ko sa kanila pero imbes na sumagot nginuso lang nila si charles na nasa harapan ko.

"Justine."napatingin naman ako kay charles ng tawagin nya ako."I just want to tell you something."

"Ano yon?"tumili naman kaagad si pamela kaya tinakpan nung apat yung bunganga nya.

"Oh my god! Bagay sila!"

"Nakakakilig!"

"Love team ng section A!"

"Yiee! Sweet!"

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na nagbulungan lahat sila ay nag-aabang sa susunod na mangyayari.

"I like you."Automatiko akong napalingon kay charles ng sabihin nya yon.

Lahat naman ng mga kaibigan namin ay nagtilian.

"W-what did you say?"naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Tumayo ka kasi."hinawakan ako ni pamela sa bewang at pilit na itinayo.

Nagtutulakan naman na ang mga kaklase ko sa sobrang kilig.

Lumapit pa sya sakin ng kaunti tsaka tiningnan ako sa mata."Justine Delos Reyes,i like you."

"KYAAAAHHHHHH!!!"malakas na sigaw ng mga kaklase at kaibigan ko.

Tulala naman akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"You don't need to say anything,i just said my feelings for you that's all."hinawakan nya pa ang pisngi ko.

"Ay hindi mo liligawan charles?"dismayadong tanong ni athena.

Unti-unti naman akong umupo.Nilingon ko sya at nakatingin na pala sya sakin ng nakangiti tsaka sya bumaling kay athena.

"Not now.She's still shock but will get to that point."sagot nya dahilan para magtilian uli sila.

Nilingon nya pa uli ako at kinindatan bago bumalik kay la lance na tinapik at nakipag-apir pa sa kanya.

Is this for real? Or am i dreaming?

Kinurot naman ako ni pamela sa braso kaya tiningnan ko sya ng masama.

"Ayan! Baka akalain mo kasi hindi to totoo!"

This is real! Fuck it!

Love Can Hurt You That Much (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon