PART 35 : About his past

0 0 0
                                    

Justine POV

Ilang subjects muna ang dumaan bago maging vacant time namin.Nag-aya na maglaro sila athena sa field kaya nagpalit na muna kami ng uniform.

Ayaw naman sumali ng mga boys dahil volleyball ang lalaruin namin,sila nalang daw ang audience namin sa laro.

Ang magkapartner ay ako at si pamela,si jewel naman at si athena.Ang boys na ang nagkabit ng net at pumunta na sila sa gilid pagkatapos ayusin.Pumwesto na kami at sinerve na ni athena ang bola.

Nireceive ko naman kaagad at tinoss ni pamela,inispike naman ko naman kaya hindi na nahabol nila jewel at sa amin ang puntos.

Binigay na sa akin ang bola at akmang iseserve ko na ng may kumausap kay la athena na apat na babae na nakapangp.e din.

Lumapit na ako sa kanila para makinig.

"Can we play with you guys?"tiningnan ko ang babaeng nagsalita na nasa harapan."Oh by the way,i'm hazel."

Maputi,matangkad,singkit ang mga mata,matangos ang ilong at mapupula ang mga labi.Pwede syang maging model sa ganda nya at maganda din naman ang hubog ng katawan nya.

"Ano sali natin?"kinalabit ako ni athena kaya nabalik ako sa huwisyo.Nakatingin silang lahat sa akin.

"Sige.Tara."

Ngumiti sila sa akin at pumwesto na sa kabilang side.Hindi ko alam pero kusa akong napatingin kay peter na seryosong nakatingin sa babaeng mukhang model.

Napansin nya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya nilingon nya ako at ngumiti.Inirapan ko sya kaya narinig ko pa ang pagtawa nya.

Sarap dukutin ng mata.

Sinerve ko na ang bola at kaagad naman na nareceive ni hazel,nakailang pasahan pa sila bago may nag-spike papunta sa amin.Hinarangan nila athena kaya bumalik uli sa kanila ang bola kaya tinira uli nila papunta sa amin,tinoss ni jewel at inispike naman ni pamela.

Nadepensahan naman nila kaya tinira nila ang bola papunta sa amin,blinock namin kaya napunta sa kanila hidni naman nila agad nahabol dahil malayo sila sa harapan kaya sa amin ang puntos.

"Can we switch two teammates?"tanong ni hazel habang nakatingin sa akin.

"Ano payag kayo?"tanong ko kay la athena.

"Sige ba."

Dalawang kasamahan nila ang naging kakampi namin at napunta naman sa kanila sila jewel at pamela.

Sinerve na uli namin ang bola at nagsimula na uli ang laro.

"Aww.."napaupo si jewel sa sahig ng bungguin sya ng isa sa mga kasama ni hazel.

Papalapit na sana kami sa kanya ng sinenyasan nya kami na okay lang,tumayo na sya at naglaro na ulit.

Kanina pa mainit ang ulo namin ni athena sa grupo nila hazel dahil halatang nananadya sila na mang-bunggo o mang-tulak.

Hinayaan lang namin dahil nagsosorry naman paminsan-minsan.

Blinock ko na yung tira nila,sabay.kaming tumalon ni hazel at sinadya nya na ipatama sa labi ko yung kamao nya kaya pagkababa ko ay kinapa ko ito.Dumudugo iyon.

"Justine."dinaluhan ako ng mga kaibigan ko habang patuloy ako sa pagpunas ng labi ko na pumutok.

"That's your fault.You're blocking the ball."nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang sinabi ni hazel kaya galit akong tiningnan sya.

"What's your problem?!"nakahawak na sa braso ko sila athena.

"Nothing hahaha!"nag-flip pa sya ng buhok at mataray akong tiningnan.

"Kanina pa kaya kayo!"gatong naman ni athena."Kung ayaw nyong nalalamangan mas mabuting wag nalang kayong maglaro!"

"I'm not talking to you,stupid."pinitik nya pa ang mga daliri nya sa mukha ni athena kaya lalong nag-init ang ulo ko.

Tinulak ko sya ng kaunti at saka sinapak.Sinalo naman sya ng mga kaibigan nya.

"How dare you!"humarap sya sa akin na dumudugo ang ilong.

"Fuck you!"sigaw ko sa kanya.

Tumayo sya at sinubukan uli na lumapit sa akin pero kinuha ko ang bola ng volleyball at binato sa mukha nya.

Sapul!

"Justine."awat ni peter.

"Oh charles.I didn't know that your here."sinamaan ko ng tingin si hazel na sinubukan nyang humawak sa braso ni peter.

"Back off,bitch!"tinulak ko sya sa noo kaya muntikan pa syang maout of balance.

"You--!"

"That's enough."hinatak na ako ni peter palayo doon at nagsisunuran naman ang mga kaibigan namin.

"Let go of me! I'm not done with that girl yet!"nagpupumiglas ako sa pagkahahawak nya pero hinihigpitan lang nya.

Binitawan na nya ako ng nasa hallway na kami papunta sa room.

"Tsk! Ano ba?! Magkakilala kayo nung babae na hayop na yon?!"galit na tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot at nagulat nalang ako ng yakapin nya ako.Biglang mawala lahat ng galit ko ng yakapin nya ako,kumalma na ako ulit.

"A-ah...una na muna kami sa room."nagmamadali ng umalis ang mga kaibigan namin at iniwan kaming dalawa ni peter na magkayakap.

"Please let me explain first before you get mad?"hinaplos-haplos nya pa ang buhok ko.

Tumango nalang ako kaya hinawakan nya uli ang kamay ko at dinala ako sa garden.

Umupo kami sa malaking ugat ng puno at sabay na tumanaw sa malayo.

"She's hazel my ex girlfriend."panimula nya.Hindi naman ako nagsasalita at nanatili lang ang tingin ko sa malayo habang iniintay sya na dugtungan ang sinabi nya."I didn't know that she also study here,that's why i'm looking at her when she's coming towards to us."

"Bakit kayo naghiwalay?I mean maganda sya a perfect ideal girlfriend."

"I don't like her attitude.She's always acting like a spoiled brat,she has a beautiful physical appearance only."

"Nandito ba sya kasi sinusundan ka nya?"this time tiningnan ko na sya pero nanatili ang tingin nya sa malayo.

"I don't know and i don't care about her anymore."sinalubong na nya ang titig ko."Because you're the one i love now."

"Pero paano kung naghahabol pa nga sya sayo hanggang ngayon?"

"I don't care.Maghabol lang sya hanggang sa gusto nya pero hindi na ulit ako babalik sa kanya."

"Paano kung pilit ka nyang agawin sakin?"napayuko naman ako maalala ko yung mukha ni hazel,she's really beautiful.

Anong laban ko don?

"Bakit? Papayag ka ba na agawin ako?"

"Syempre hindi!"

"Oh yun naman pala eh so you don't need to worry."iniangat nya ang mukha ko."Sayo ko lang gusto,ayoko sa iba."

Hinawakan ko ang kamay nya ng hinaplos nya ang pisngi ko.

I really love this guy.

"Always remember that i'm yours."napapikit ako ng hinalikan nya ang noo ko."I love you."

Hiniga ko ang ulo ko sa dibdib nya."I love you more,peter."

Love Can Hurt You That Much (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon