PART 7 : Temporary Friends

2 0 0
                                    

Justine POV

Kanina pa nagsisimula ang klase pero wala doon ang atensyon ko.

Seryoso kaya sya doon sa sinabi nya?

"Ms.Delos Reyes."

O baka trip lang ako ng mga boys kanina?

"Justine Mae Delos Reyes are you with us?"

Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni mam.Lahat naman ng atensyon ay nasa akin.

"A-ah yes mam.Sorry."

"Focus."bumalik na uli sya pagtuturo at ginawa ko naman ang sinabi nya.

I need to focus.

Habang nagsusulat naman ako biglang bumulong si pamela."Wag mo masyadong isipin si charles mahal ka non."Matalim ko naman syang tiningnan.

"Gusto.Hindi mahal magkaiba yon."paglilinaw ko.

"Pero doon din papunta yon."bwelta nya na nakapagpatahimik sakin.

Pinagreview lang kami ng ilang minuto bago nag-quiz,buti nalang at nakinig na ako kaya napasa ko.

"Tara na."aya samin ni jewel.

Nakatayo na silang lahat ako nalang hindi.

"Hindi nagturo si sir harold?"tanong ko dahil bago mag-science,math muna.

Kumunot naman ang noo ko ng tumawa lang sila lance,jewel,athena,nicko at pamela.

"Bakit?"

"Nagturo si sir hindi mo lang talaga napansin kasi wala ka sa focus."Si charles na ang sumagot dahil patuloy pa rin sa paghagalpak ng tawa sila athena.

"Charles pa! Hahahahaha!!"pang-aasar ni pamela.

Binatukan ko naman sya."Gago! Tara na nga!"Nauna na ako palabas ng room dahil naiilang ako lalo na't nasa harapan ko si charles.

"Ano sa inyo?"tanong ni lance pagkaabot namin ng pera sa kanya.

"Piattos!"

"Shake!"

"Nova!"

"Wafer!"

"Bread pan!"

"Pi--"sasagot pa lang sana ako ng sumingit si pamela.

"Si charles gusto nyan!"

"HAHAHAHAHAHA!!"sabay-sabay na tawa nila.

Binalewala ko nalang dahil kahit ano namang saway ko hindi sila titigil."Pizza sakin pre."sagot ko at ngingisi-ngisi naman na pumila si lance.

"Tara samahan natin doon si lance."aya ni pamela,susunod na sana kami sa kanila ng pumigil sya."Dyan nalang kayo ni charles,justine."

Wala na akong nagawa ng tumakbo na sila palapit kay lance.

"If i ever court you do i have a chance?"tanong ni charles.

"Can we just stay friends for now?"pabalik na tanong ko sa kanya."Pahalagahan nalang muna natin kung ano ang pagkakaibigan na meron tayo ngayon."

"Okay.If that's what you want."Akala ko tapos na sya magsalita pero naestatwa ako ng hinawakan nya ang baba ko at hinarap sa kanya ang mukha ko.

"Just for now were 'temporary'  friends."hinaplos nya pa ang baba ko.

"Are you done guys?"iniwas ko ang mukha ko ng magsalita sa harapan namin si athena.

Love Can Hurt You That Much (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon