Justine POV
Habang nasa byahe ay tinawagan ko na ang mga kaibigan ko para sabay-sabay na kaming bumili ng mga supplies.Pumayag naman silang lahat at magkikita-kita nalang sa entrance ng SM.
Ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa mall,nakita ko naman sila na nasa may entrance na at nagtatawanan.Nagdrive naman muna ako sa parking lot para ipark ang kotse ko bago bumaba at pumunta sa kanila.
"Andito na pala si justine!Tara na!"sabay-sabay na kaming pumasok ng mall at dumiretso sa isang bookstore.
Kumuha kami ng kanya-kanyang basket pero ang apat kong kaibigan ay nag-aaway sa kuhaan ng basket.
"Ako na magdadala!"inaagaw ni nicko ang basket na hawak ni jewel pero hinihigpitan lang ni jewel ang hawak dito.
"Ako na nga eh!"angil naman ni jewel kaya sa sobrang inis nya pinatama nya ang basket sa binti ni nicko dahilan para tumigil ito at hinimas-himas ang binti nya.
"Ang brutal mo talaga jewel!"
"Sabi kasing manahimik ka eh!"
"Iisa nalang nga ang gagamitin nating basket!"natawa naman kami ng makita si lance na hinaharangan ang kuhaan ng basket para hindi makakuha si athena.
"Tabi dyan!"pilit nyang hinahawi si lance
"Ako na nga magdadala para isang bitbitan nalang!"katwiran naman nitong isa.
"Ahh ayaw mong tumabi?"
"Ayaw!"Pagmamatigas ni lance.
Pumunta si athena sa may likuran nya at tinadyakan si lance muntikan na syang masubsob buti nalang nakakapit sya sa guard na malapit doon.
"Okay lang ho ba kayo sir?"inalalayan sya ng guard na umayos ng tayo.
"Oo kuya salamat brutal si misis. "inayos ni lance ang damit na medyo umangat tsaka kumindat kay athena.
"Misis ka dyan!"kumuha na si athena ng basket at naglakad na papunta sa pwesto namin.
Naglibot-libot na kami at kapag may nakita kami na kakailanganin namin ay nilalagay namin sa kanya-kanyang basket.Nagtagal ako doon sa mga ballpen,ayoko ng mga sign pen dahil hindi naman ako komportable na ipangsulat yon.Gusto ko ballpoint pen at tinest ko pa lahat kung komportable ako na gamitin iba't-ibang kulay ang mga kinuha ko pero mahigit lima ang black.
Bumili din ako ng mga notebooks,mahilig kasi ako magsulat at gumawa ng tula pati maglettering kaya kumuha rin ako ng mga magandang pang-calligraphy.Pati mga pang-highlights para sa mga libro.
Ng matapos kaming mamili ay binayaran na namin ito sa counter,napagdesisyunan muna namin na ilagay ang lahat ng pinamili sa compartment ng kanya-kanyang kotse.
Pagkatapos kong ilagay yung sa akin at habang iniintay ang mga kaibigan ko na matapos ay nagwithdraw muna ako ng pera sa malapit na atm machine para kung sakali na may magustuhan pa akong bilhin.
May kanya-kanya kaming bank accounts para doon na lagi pinupunta ng mga magulang namin ang mga allowance na kailangan namin para kukuha nalang kami.
"Ano saan tayo?"tanong ko sa kanila ng makapasok uli kami sa loob.
"Kain nalang muna tayo."sagot naman ni pamela na sinang-ayunan naman nung apat.
Kumain na kami sa pinakamalapit na nakita naming kainan.Pare-pareho lang ang inorder namin at si lance na ang pinapunta sa counter.
"Teka bakit ako?!"
"Please?"nagpuppy eyes sa kanya si athena.
"A-a-ah o-oo a-ako na o-oorder."nagmadali pa sya pumunta sa counter at nakangiting pumila.
BINABASA MO ANG
Love Can Hurt You That Much (Season 1)
Fiksi RemajaSome stories didn't really end up in HAPPY ENDING...