PART 27 : Ignore

1 0 0
                                    

Justine POV

"Pst."

Wag mong pansinin.

"Justine."

Wala akong naririnig.

"Mae."

Just ignore it.

"Justine Mae."

Humarap nalang ako kay lance at nakipagkwentuhan,kanina ko pa sinusubukan na wag pansinin si charles pero heto sya at nagungulit.

Patibayan tayo!

Napatingin ako sa kung sinong ang humatak sa braso ko,nagtataka sya sa mga iniaasta ko.Nakangisi kong hinatak ang braso ko tsaka ulit humarap kay lance.

"Hey why are you ignoring me?"tanong nya pero hindi ko pa rin sya pinansin.

"Argh!"Napaigtad ako sa malakas na paghampas nya sa desk at tuloy-tuloy na lumabas.

"Ano ba ginagawa mo kay charles?"
natatawang tanong sa akin ni lance.

"W-wala lang.Trip ko lang sya."

"Nakuuu hahahaha!"

"Shut up!"

"Hahahaha!Alam ko na kung bakit mo hindi pinapansin."nagtaas-baba sya ng kilay.

Nagkunwari naman ako na nagtataka."Huh?"

"Alam ko na hindi mo pinapansin si charles kasi hindi mo na maintindihan yung sinasabi nyan."tinuro nya pa ang dibdib ko.

"Alam ko noh!"

"Alam mo naman pala e! Bakit pinapahirapan mo pa si charles ng ganyan?"

Hindi naman ako nakasagot kaya natawa sya.

"Alam mo pre,pinapahirapan mo lang sarili mo nyan.Kasi alam mo na yung sagot pero ayaw mo pang aminin mismo sa sarili mo."pinatong nya ang magkabilang paa sa upuan na nasa harapan nya."Tanggapin mo na kasi na si charles na ang laman nyan at hindi na iba."

Unti-unti naman akong napasandal sa upuan ko.

"Aminin mo muna sa sarili mo bago mo sabihin sa kanya."Tumingin uli sya sakin ng nakangiti."Sundan mo na yon pag tanggap mo na hahahaha!"

Ilang minuto akong nakatulala lang sa harapan hanggang sa dumating na ang magtuturo kasabay ni charles.

Bakas ang lungkot sa mukha ni charles ng umupo at nagsalita naman na ang teacher.

"Mr.Delos Santos nasa rules na bawal tumambay sa labas kapag time na kailangan nasa loob na ng room."

"Tsh! Sorry mam but i don't care about the rules.I'm not in the mood so i need some air to make myself calm down."

Wala naman nagawa si mam at umiling."Makakarating to sa mom mo charles."

"Go ahead tell her i don't care."

Nagsimula ng magturo si mam kaya nakinig naman na kami.Nagkatinginan kami ni lance at sinenyas nya si charles na kunot-noo lang na nakatingin sa harapan.

Sinenyasan ko lang sya na hayaan nalang muna,katulad kasi ng sabi nya kailangan ko munang aminin sa sarili ko bago ko sabihin sa kanya.Kailangan ko munang makupirma.

Nagfocus nalang muna ako sa tinuturo ni mam,nagpaparticipate kapag alam ko yung sagot at nagsusulat kapag alam kong importante.

Napasandal naman ako sa upuan ko ng lumabas na si mam at iintayin nalang namin ang last na magtuturo at uwian na.Nagkukulitan naman sila jewel at lance samantalang si nicko at athena ay ganon pa din katulad ng kanina.

Napatingin naman ako kay charles,hindi ako sanay na ganyan ang inaakto nya.Kadalasan kasi pag-iniintay namin ang next teacher nakikisali sya sa mga kaibigan namin pag nag-uusap o di kaya pag walang mapag-usapan naglalaro nalang sya sa phone nya.Pero ngayon,nakatingin lang sya sa labas ng room.

Napabuntong-hininga naman ako bago lumapit sa kanya,baka kasi mamisinterpret nya yung hindi ko pagpansin sa kanya.Kaya kailangan ko lang muna ngayon linawin sa kanya na may iniisip lang ako kaya hindi ko sya pinapansin.

Lumuhod ako sa harapan nya pero parang hindi nya ako napansin dahil nandoon pa din ang atensyon nya sa labas.

"Charles sorry."

Doon ko nakuha ang atensyon nya,unti-unti syang humarap sakin.

"Why are you ignoring me?"bakas sa boses nya na seryoso sya.

"M-may iniisip lang naman ako."

"Pwede ka namang mag-isip ng pinapansin pa rin ako ah."humalukipkip pa sya.

Hindi naman ako nakasagot.

"May nagawa ba ko?"

Nagkasalubong ang titig naming dalawa."Wala charles."

"Gaano ba kalaki yang iniisip mo at hindi mo na ako mapansin?"

"K-kasi ano.....may kailangan lang akong linawin sa sarili ko.....kailangan kong pag-isipan ng mabuti para maamin ko."

Pinaningkitan nya ako ng mga mata."Tungkol saan?"

"Sa akin."

"Sayo?"

"P-pati sayo."

Napangiti sya sa sinabi ko."Basta sa susunod wag mo na uulitin yon.Wag mo na uulitin na hindi ako pansinin,natatakot ako."

"Oo sorry ulit."

Ngumiti lang sya sakin at hinawakan ang ulo ko."Sige na pagpatuloy mo na yung pag-iisip sakin hahahaha!"

Nakabusangot akong tumayo at pinalo ang braso nya pero tinawanan lang nya ako.Bumalik na ako sa upuan ko ng makita ko na si sir na paparating.

Tsaka ko na sasabihin sayo pag malinaw na sakin.

Love Can Hurt You That Much (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon