Kabanata 02

115 4 0
                                    

Kabanata 02

Hope

I feel so jealous right now. Just looking at Challi and Horace sitting in a bench under the tree, I really felt jealous. I really want to be with them, kaso, sa t’wing makikita ako ni   Race na palapit sa kanya o sa kanila hindi na agad maipinta ang mukha nito.

I don’t know why he really don’t like to be friends with me? Wala naman akong ginawang masama dito. In fact, mabait naman talaga ako sa kanya since then. Mabait din ako kay nanay Atari na mama niya. I never treated his mother as other people, I treated her like my second mom. I was never been bad to him.

Kaya nagtataka ako kung ano ang pweding dahilan para kainisan niya ako. Ni minsan, hindi ako nito pinapansin kung hindi ko uunahang kausapin. Alibi ko lang ang pagtatanong dito para lang kausapin ako. At kung sasagutin naman ang tanong ko ay laging direct to the point at hindi na dinadagdagan pa.

Mahina nalang akong naglakad palapit sa di kalayoang bench kina Challi at doon nalang mag-isang naupo. Kasalukuyan kong binabasa ang isa sa mga pocket books na nabili ko sa mall noong nakaraan. Napapalingon lang ako sa dalawa na malaki ang ngiting nag-uusap. I wonder how does it feels to be with them and talk to them like we’re close friends.

“Hey, Wren Luienne!” I heard a familiar voice. Nang nilingon ko ang pinagmulan ay nakita ko ang malaking ngiti ng kaibigan ko. I waved at Cleo.

“Are you alone?” I nodded. Umupo naman ito sa tabi ko at nilabas ang binili nitong pagkain at nilahad sakin.

Cleo Zeve Percival is a son of my father's business partner, Tito Clavio Percival. Naging kaibigan ko ito simula nang pasukan. Ito ang unang nag approach sa akin nuong mag isa akong nakaupo sa cafeteria dahil si Challi ay kasama si Race.

Gwapo, mestizo, mabait at matalino. Dahilan kung bakit marami ang nagkakagusto dito.

“You always brought food. Are you afraid to get skinny?” natatawang asar ko sa kanya pero tinawanan lang ako.

“Hindi ako takot pumayat dahil hindi naman ako mamamayat. At hindi naman yan para sakin. I always brought foods for you, ang payat mo na nga, hindi ka pa nagmemerienda,” balik asar nito sa akin kaya napanguso ako.

“I’m not payat, Cle!” reklamo ko pero kinain ko na rin ang dala nitong cookies. May dala rin itong bottled water at soft drink para sa akin.

Nagkwentuhan kami tungkol sa kung ano-ano habang kumakain ako. Panay ang tawa ko pagnagbibiro ito, pero hindi ko rin mapigilan sariling wag lumingon sa bandang kanan ko kung saan nakaupo sina Challi at Race.

“Diba gusto mong matutong mag gitara, Wren?” kalaunang tanong ni Cleo. Parang pumapantig ang tenga ko sa narinig.

Dati pa man ay gusto ko nang matutong mag gitara. Yun nga lang, palaging busy ang mga magulang ko kaya hindi ko nasasabi sa mga ito ang gusto ko. Maybe this is the time na pagtuonan ko ito nang pansin.

“Sige! Turuan mo ako, may guitar ka naman dalhin mo nalang bukas, tapos bibili rin ako!” masayang saad ko. I’m excited to learn how to play guitar, it looks cool.

Cleo nodded eagerly. We talked a lot about the songs I wanted to learn. I even laughed loudly when Cleo told me a joke.

“Alam ko na kung bakit Wren ang ipinangalan ng mommy at daddy mo sayo,” naaaliw na saad ni Cleo.

“Oh? Bakit?” natatawa kong tanong dito.

“Kasi tubig ulan ang inilihi niya sayo! Hahaha,” malakas na tawa ni Cleo kaya sinimangutan ko ito.

“Ang corny mo!” Nanggigigil kong pinalo sa balikat si Cleo na patuloy lang ang pagtawa. Natatawa ko rin itong sinabunutan, dahilan para mas lalo itong tumawa nang malakas.

Natigil lang si Cleo nang may tumikhim sa likuran namin. Natatawa pa ako nang nilingon ko si Challi, kasama nito si Race na nakakunot lang noo.

“You two look so cute, diba Race?” nakangiting saad ni Challi sa amin. But Horace remained serious and not interested about what Challi said. Bahagya lang itong umisimid at hinarap na ulit si Challi.

“I’ll go ahead, Cha, I still have classes to attend,”  he said without even paying attention to me.

Napasimangot nalang ako dahil sa inasta ni Race. Hindi na dapat ako malulungkot e, kasi ganoon naman lagi ang inaasta nito pag nandito ako. Pero hindi ko pa rin maiwasang di makaramdam nang lungkot. Kahit gustuhin ko mang masanay sa ugali nito, hindi ko parin magawa.

I’m still holding on to something that I know it will never happen. Because I still have this little piece of hope that someday, it will. It hurts, but I will endure. For him.

-----
GorgeousYooo 🍀💜

The Last Petal-COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon