Kabanata 04

90 4 0
                                    

Kabanata 04

Sit Down

Kasalukuyan akong nag-aaral sa library. Kasama ko kanina si Cleo pero makalipas ang tatlumpong minuto ay nagpaalam na ito dahil tapos na ang break nila. I stay here because I don't have a class yet.

Mag-isa lang akong nakaupo sa pinaka dulong parte ng library. Nasa harap ko ang isang Almanac na kanina ko pa binabasa. Wala akong assignment na ginagawa, tanging nagbabasa lang ako para maubos ang oras ko.

Simula grade 9 hindi na kami masyadong nagkakasama ni Challi. Knowing that my cousin is always with Race pag nagkasabay ang break ng dalawa. Di na rin kami magkaklase ni Challi, dahilan para mas lalo kaming di nagkakasama. Hindi magkatugma ang schedule namin.

Cleo is the only one I’m always with. May mga rumors na rin na kumakalat na mag boyfriend at girlfriend kami ni Cleo, pero tinatawanan nalang naming dalawa. We both know what's the score between us, kaya di na namin dapat pang magpaliwanag sa mga taong naniniwala sa issues. As long as di kami sasaktan, wala kaming paki-alam.

Ilang minuto ang lumipas nang biglang may umupo sa harap ko. Napa-angat ang tingin ko at nanlaki sa gulat ang mga mata ko nang makitang si Race ang nakaupo roon. Di ako nito pinansin at nagsimula na itong magbuklat sa librong dala.

Luminga-linga ako sa paligid dahil baka may makakitang magkasama kami. May rumors rin kasi na kumakalat na si Challi at Race na. Nasasaktan ako sa mga naririnig. Gusto kong tanongin si Challi tungkol doon, pero ayaw ko namang marinig ang sagot nito kung sakaling totoo nga. Naduduwag akong malaman ang totoo. Takot akong masaktan pa lalo.

I chose to settle on those rumors that spread like a wildfire in our school. Why would not, right? Race is the top 1 in their batch. Gwapo, matalino, masipag, mabait, sa iba pero di sa akin.

Ilang segundo pa akong napatitig kay Race bago tumikhim para mabawasan ang nakaka-ilang na nararamdaman. Nanatiling nakakunot ang noo ni Race at magkasalubong ang makakapal nitong  kilay. He looks irritated. His lips is in grim line.

Is he irritated because of my presence? E siya naman iyong nakiupo sa mesa kung saan ako ah! Ako yung nauna dito!

Bahagyang nag-angat nang tingin si Race kaya nagbaba agad ako nang tingin. Napapalunok nalang ako dahil hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Para akong mauubusan ng hangin sa isiping kaharap ko ngayon si Race.

I bit my lower lip at palihim na sinipat ko naman ulit si Race at nakitang umigting ang panga.

As far as I remember, Race hates my presence. Kaya nagtataka ako ngayon kung bakit nasa harapan ko ito at seryosong nagbabasa.

A loud breath escape in my mouth dahil sa iniisip ko. Di ko iyon sinasadya, nadala lang ako sa malalim na iniisip.

Napatingin ako bigla kay Race at halos maghuramentado ang puso ko nang padabog nitong sinara ang librong binabasa. Matalim ang mata nitong nakatitig sa akin na para bang may ginawa akong hindi niya nagustuhan. He clenched his jaw, as if saying that I disturbed him while he's reading!

“I-Im s-sorry...” Nanginig ang boses. “I... I'll just seat in other t-table,” mahinang ulit ko dahil sa pagkataranta. Sa ekspresyon palang ni Race ay sinasabi na nitong ayaw nito sa presensya ko.

“Why? You're afraid that your boyfriend might see us here...” Tunog mapanuya na saad ni Race na ikinagitla ko. Nagtataka ako kung sino namang boyfriend ang tinutukoy nito.

“I'm not afraid! I---”

“Then just sit,” utos nito sa akin na ikina-inis ko. Anong akala nito sa akin, aso?

“No. Really, its fine with me. In fact, I'm done,” I said wit finality. Pinakita ko pa ang paglagay ko ng mga gamit ko sa bag para patunayang tapos na ako, kahit na ang totoo ay may isang oras pa bago ang sunod na klase ko.

Niligpit ko agad ang Almanac na binabasa at mga notes ko. Akmang aalis na ako nang hawakan ni Race ang kamay ko. My heart beats wildy at agad na nanghihina na ang tuhod ko sa hawak palang nito. Naninikip rin ang dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.

“Just sit down, Luienne, ” maotoridad na sabi utos na halos ika-ingos ko. “You don't need to go.”

“Nakita niyo si Horace? ” Agad kong binawi ang kamay braso nang marinig ang boses ni Challi sa likod ng shelves. I twisted my lips. Nakita ko ang pagpikit ni Race at pagbuga nito ng hangin.

“A-Aalis na ako. Andyan na si Challi.” Hindi ko na hinintay pang sumagot si Race at sa kabilang shelves na ako dumaan para di ako magkita ni Challi.

Bago ako lumiko ay narinig ko pa ang masayang boses na kausap ni Challi si Race. I sighed bago tuluyang lumabas ng library na mabigat ang nararamdaman. Di ko maiwasang di maapektuhan dahil sa dalawa.

Bata pa lang kami, I already like Race. Magkasundo naman kami dati, pero noong nag 6 years old na ako na siya namang uwi ni Challi galing sa States, doon na ako simulang iniwasan ni Race.

------
GorgeousYooo 🍀

The Last Petal-COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon