Kabanata 11

76 6 0
                                    

Kabanata 11

Coffee

Nanginginig akong naupo sa kama nang patayin na ni nanay Atari ang tawag. Hindi ko lubos maisip ang ibinalita nito. My mom was shot, kakalabas pa lang daw ni Mommy at Daddy sa airport nang mabaril ang Mommy.

I was crying terribly while packing my things. Nagbooked na agad ako ng ticket pabalik sa Mindanao. Di matigil-tigil ang luha ko habang nagmamadaling ipinasok ang mga gamit sa maleta ko. Hindi na rin ako nag-abalang ayusin pa ang mga iyon.

Halo-halo ang nararamdaman ko dahil sa nangyari. I was so afraid. Takot na baka may masamang mangyari kay Mommy, tapos wala ako sa tabi nito. Galit. Galit sa taong gumawa no’n kay Mommy. At sobrang pag-aalala. I can't think straight because of the negative thoughts running in my mind.

Alas onse ng gabi nang makarating ako sa hospital. Sinundo ako ni Race sa airport. Pero kahit ganon, di ako nakaramdam ng saya. Puno ng pag-aalala ang nararamdaman kl. Walang puwang ang kilig at saya para d’on.

Nasa ICU pa rin si Mommy. Daddy said that my mom was still in coma. Dahilan para mas madagdagan ang takot sa puso ko.

“K-Kailan daw po gigising si M-mommy, Dad?” umiiyak na tanong ko. Daddy hugged me tight and kissed my forehead.

“The doctors are not sure, anak.” Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi ni Daddy. Hinaplos ni Daddy ang buhok ko para patahinin ako, but it's not enough for my tears to stop from falling.

Kahit pagod, di ako umuwi sa bahay para magpahinga. Dad want me to go home to get some rest, but I didn't listen. Ito ang pinagpahinga ko dahil alam kong pagod rin ito. Sabi ni Daddy ay on going pa raw ang investigation sa kaso.

Inaantok na nakahilig ako sa labas ng ICU, binabantayan habang binabantayan si Mommy. Nakaupo ako sa upuan sa labas. Ipinikit ko ang mata at hinayaan ang mga luhang kusang tumulo na naman. Naglandas ang mga luha sa pisngi ko, pero di ko iyon pinansin para punasan.

Ilang sandali ko pang hinayaan ang sarili sa ganoong sitwasyon. Nang biglang manuot sa ilong ko ang amoy ng kape. Pero di ko inabala ang sariling dumilat. Naramdaman kong may umupo sa tabi, pero di parin ako nagmulat ng mata.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mahinang buntong hininga. Bahagya akong umayos sa pagkakaupo bago dahan-dahan minulat ang mata. And to my surprise, si Race ang sumalubong sa paningin ko. Dali-dali akong nagpunas ng luha bago itinuon ang atensyon sa harap.

Nanatili akong tahimik. Tinitimbang ko rin ang nararamdaman ko tuwing malapit sa akin si Race.

“Para sayo itong kape. Inumin muna habang di pa lumalamig.” Tiningnan ko ang hawak na kape ni Race bago ito tinanggap.

“Thanks,” maikling pasalamat ko. Tumango naman agad si Race, not saying anything.

I sipped on a coffee at halos pumikit nang nanuot at lasa nito sa bibig ko. It's my favorite coffee, an espresso. Malungkot akong napangiti dahil sa naisip. Maybe Race didn't forget everything about me. Or maybe nagkataon lang din. I don't want to give myself a false hope, again.

“You should take a rest. Galing ka pa sa biyahe. Ako na ang magbabantay sa mommy mo.” Agad akong umiling. I don't want to leave my mom. Hindi rin naman ako makakapagpahinga ng maayos dahil sa pag-aalala.

“I'm fine here. You can go home, Race. I know your busy for your cases,” I coldly said. Narinig ko ulit ang pagbuntong hininga ni Race pero hindi ko ito nilingon.

“Your mom will be alright, Wren.” I sighed again.

“I hope so. Because I don't know what will happen to me if something bad happened to my mother.”

----
GorgeousYooo 🍀

The Last Petal-COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon