Wakas

168 7 1
                                    

Wakas

Last Petal

“What the hell is happening here, Mama?” I fumed after seeing Luienne hurriedly ran down from her father's office and drove her car away. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala lalo na nang makita kong sabay na lumabas si Tito Patricio at Mama, na parang may malaking problemang nangyari.

I was just 12 years old when I know I feel something towards her. I was ashamed to myself that I decided to keep distant to her. Hindi ko matanggap sa sarili ko na nagkagusto ako sa kanya na sobrang bata pa. I always find her cute when I seen her plucking petals while murmuring some weird words.

“I like you, Race.” Matalim ang tinging ibinato ko kay Challi dahil sa sinabi nito. I knew it from the very first time, but our feelings are not mutual.

“I like someone else, Cha,” diritsahan kong saad, walang paki-alam kung ano ang maramdaman nito.

“I know... you like my cousin, don't you?” Nakatiim lang ang bagang ko at hindi na sumagot pa.

Everytime I saw her happy with that Cleo, I get furious. I get jealous, lalo na at kumakalat sa paaralan na magkarelasyon ang dalawa. It boiled my anger more.

She's too young for that! I can hear my inner self mocking my words.

“Wag mo nang subuking magkagusto kay Wren Luienne, anak. Magkaiba kayo ng mundong ginagalawan. It's forbidden to fall in love to a Montaños.”

Isang araw iyon nang makita ni Mama kung paano ko tangihan ang pagyaya ni Challi na manood ng sine. Ayaw ko sanang umalis at balak na kausapin na si Wren, but my mother's words took back all my courage. Alam ko iyon, at naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Mama. Ano nga ba naman kami kompara sa mga Montaños? I don't even have a father to support us. Not that we needed him.

Halos magusot ko na ang hawak kong cup ng popcorn nang makita siyang kakalabas lang ng sinehan galing sa panunuod ng isang erotic movie, kasama si Cleo.

She's a minor! Hindi sila pweding manuod ng ganyan!

Ang sarap isigaw ng mga katagang iyon pero ano nga naman ang karapatan ko.

Parang mas lumayo pa ang pagitan namin mula nang mamatay ang mommy ni Wren. At mas lalong naramdaman ko iyon nang nagpasya silang umalis ng bansa.

“Mananatili akong sayo, kahit walang tayo.”

Mga salitang gustong-gusto kong paulit-ulit na marinig mula sa kanya. But it seems like she forgot what she said bago sila umalis. Umasa ako, who wouldn't be? Alam kong may gusto siya sa akin pero hindi ako kailanman naging kampante doon. She's young at sobrang laki nang chance na magkakagusto ito sa iba, na hindi iyon malabong mangyari.

“It's Wren’s 18th birthday, ang sarap sanang pumunta doon kung hindi lang ako busy.”

Nanlumo ako sa sinabi ni Challi. Naawa ako sa sarili ko dahil kahit gustuhin ko mang puntahan siya hindi ko magawa. I don't have the means yet para doon. I'm still striving hard para may maipagmalaki naman ako kahit paano. I felt pity for myself. Pero ni minsan, hindi ako kailanman nainggit sa mga taong may kaya sa buhay, dahil alam ko balang araw magagawa ko rin ang mga bagay na gusto ko, gamit ang sariling pera.

“I heard naka-uwi na sina Tito Patricio,” agad na salubong ni Challi pagpasok ko palang sa La Merande, nakaabang pala ito sa akin. I just simply nod at her at patuloy na naglakad papasok at sumunod naman ito.

Challi is always here, dahil na rin sa dito nagtatrabaho si Benjie na fiancée nito.

“So... nagkita na kayo ni Wren?”

The Last Petal-COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon