Kabanata 15

84 4 0
                                    

Kabanata 15

Memorized

Malaki ang pinagbago ng mga nasa kapaligiran. But our mansion remain the same from what I remember before we left. Mas lalong gumanda at dumami ang mga bulaklak na nasa garden, where Challi and I supposed to play before.

Mapait na ngiti ang rumihistro sa labi ko nang maalala kung pano ko kinabaliwan ang pagpipitas ng mga petals ng bulaklak, playing it seriously about my feelings towards someone.

“Yon na ba lahat ang aayusin para sa anniversary bukas, Wren?” I was snapped from my thoughts because of nanay Atari's question. Agad akong humarap dito pero nanatiling seryoso ang mukha ko bago ito tinanguhan.

“Yes po,” yon lang ang tanging sagot ko, kaya tumalikod na rin ang si nanay Atari at pumasok na sa bahay.

It's been what? Five years, yet my memories in this house is still as fresh as the roses in front of me. How am I supposed to forget it when all of it was happened here. Right here where I was rejected by the man I loved. Where I witnessed how Challi and Race kissed each other. Napabuntong hininga nalang ako.

It was ended painful, yet, it became my motivation to be better than before. I maybe rejected by him, but I know to myself my worth to keep. I don't need to rely myself to the petals, where when I plucked it all, it always ended up like how it always be.

How funny it is, but I really did it before. I crazily fond of it. I learned something when I become an independent woman in Australia. You'll never find the right person if you don't let go of the wrong one. I did. And I'm happy for it.

Hapon nang magpasya akong magbabad sa pool. Tapos na kaming bumisita sa puntod ni mommy kahapon. The wounds from losing my mom was already healed, but the scars remained at di na iyon mawawala.

“Miss Wren may bisita po kayo.” Agad akong nag-angat nang tingin sa isang katulong na may bitbit ng merienda ko.

“Sino daw?”

“Si Sir Cleo po, Miss,” nahihiyang sagot nito sa akin. Siguro dahil bagohan palang ito, ngayon ko pa lang ito nakasalamuha. Not that I always talked to the househelps before, but at least, nakaka-usap at nakikita nila ako araw-araw.

“Pakisabi diritso nalang siya rito.”

I take a sip on my juice after the househelp left. Maya-maya pa ay nakita ko nang nakangiting naglalakad si Cleo patungo sa direksyon ko. Agad ko itong sinalubong ng malaking ngiti bago humalik sa labi nito.

“How's your day, Hon?” nakangiting tanong ni Cleo sa akin. Iginiya ko rin ito sa bakanting upuan katabi ng sun lounger na nandoon.

“Tiring so far. But it's all fine, nakapag relax na rin. How about yours?” baling ko.

Cleo is my boyfriend. We started dating when I'm in Australia and Cleo was in States, studying. Cleo always visited me while he's studying. So much effort not to appreciate.

“I'm fine already. Nakita na kita e.” A smile formed in my lips as Cleo hugged me from the back.

“I love you, so much,” mahinang bulong ni Cleo sa akin dahilan para bahagya ko itong nilingon, kahit nanatili itong nakayakap sa akin.

“I love you too. Are you really okay?” nag-aalalang tanong ko. But Cleo just nod at me, and assured that he's really okay. Namimis lang daw ako.

Hindi ko nalang ito kinulit. Magsasabi naman ito pag may problema. Ayaw ko ring pini-pressure ito na sabihin sa akin ang ayaw nito.

We spend our afternoon in talking about our day. Masaya at magaan ang loob ko habang kausap si Cleo. We even swam together. We laughed like the old times.

Tapos na kaming magdinner nang magpaalam na si Cleo na uuwi na.

“I’ll go ahead, Tito. Thank you for the dinner.”

“Sige, mag-ingat ka, Cleo.”

Cleo nodded bago umakyat si Daddy sa kwarto nito para makapagpahinga na rin.

“I'll go ahead, Hon. Good night. I love you.”

“Good night, I love you too. Mag-ingat ka.”

Cleo kissed my lips before entering his car. I waved my hand bago nito tuluyang pinatakbo ang sasakyan.

Ilang saglit pa akong nakatayo sa gate kahit hindi na maaninag ang sasakyan ni Cleo. Tsaka pa lang ako nagpasyang pumasok. But I almost lost my balance when I bumped to someone pagkatalikod ko. Halos matumba ako sa kinatatayuan dahil sa gulat kung hindi lang ako nito nahawakan.

My heart pounded so hard as I stared at the man in front of me. Ang pamilyar na pabango nito ay nanuot agad sa ilong ko. Kahit ilang taon pa ang lumipas, this eyes, jaw, this brows, this lips and all of his facial expressions, I memorized it.

How am I supposed to forget a man who broke my young heart back then?

---
GorgeousYooo 🍀

The Last Petal-COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon