Chapter 2

742 44 2
                                    

"YOU CAN'T  be serious!" bulalas ni Roni

Pero hindi nagbago ang kaseryosuhan sa mukha ng daddy niya.

Bigla ay umurong ang gana niya na ubusin ang ice cream na kinakain niya.

Tumayo ang daddy niya at lumapit sa kanya. Kanina pa ay halata na niyang tensiyonado ito bagaman pilit nitong itinatago iyon. Nadagdagan pa iyon nang simulan nitong buksan ang paksa tungkol sa nais nitong sabihin sa kanya.

She got curious because it was very unusual for him to act that way. Tila hindi nito malaman kung saan maaaring mag-umpisa.

Pero nang magawa iyon at matapos ang pagpapaliwanag nito ay nahiling niya na sana ay hindi niya narinig ang mga sinabi nito.

"Dad, hindi nakakatawa ang biro mo."

"I'm serious, Ronalisa."

Tuluyan na siyang napanganga. Mukhang hindi nga ito nagbibiro dahil bihira siya nitong tawagin sa buong pangalan niya.

Pero ang sinabi nito na ipinagkasundo siya nitong ipakasal sa anak ng matalik nitong kaibigan ay isa talagang malaking kalokohan.

"Paano ninyo naisip na papayag akong magpakasal sa lalaking hindi ko naman kilala? Na ni hindi ko pa nakikita ang hitsura?" Napatayo na rin siya.

"Anak, mabait na bata si Tonsy. Kilala ko ang pamilya nila. Matagal na panahon na noong mapag-usapan namin ng kumpare kong si Geraldo na kung sakali, gusto naming magkatuluyan ang mga anak namin."

"Matagal na palang nangyari ang usapan ninyong iyon. Hindi na uso ang arranged marriage," katwiran niya.

"Bata ka pa nang mag-migrate sa Australia ang buong pamilya nila kaya siguro hindi mo naaalala ang kababata mong iyon. Nagkita kami ni Geraldo, two months ago sa Japan at kinumusta ka niya. When he saw your picture, bigla niyang nabanggit ang tungkol sa usapang iyon. Ang sabi niya ay gusto ka niyang maging manugang." Bakas ang pagmamalaki sa boses nito pero hindi iyon nakabawas sa nararamdaman niyang pagpoprotesta.

"Dahil lang sa sinabi niyang iyon ay pumayag din kayo? Dad naman!" maktol niya.

"Baby..." nang-aamong niyakap siya nito. "I'm not forcing you to get married nang labag sa kalooban mo. Pinag-usapan namin nang husto ni Geraldo ang bagay na ito."

"Hindi niyo ko pipilitin kapag ayaw ko?"

Ngumiti ito. "Alam kong hindi ka sasang-ayon at nasabi ko na iyon sa kanya. So we both agreed that his son should do the right thing. Unang-una na riyan ang ligawan ka nang pormal."

"What?!"

"I don't see anything wrong with that. You are single at alam kong hindi nagtatagal ang mga relasyon mo. You might as well end up with the man that has already gained my respect and most importantly, my trust that he can take good care of you."

Kumalas siya sa yakap nito. "Bakit kahit sinabi ninyong liligawan niya ako ay mukhang wala pa rin akong choice kundi ang sagutin siya and eventually, magpakasal sa kanya?"

"Dahil napagkasunduan namin ng Tito Geraldo mo na gagawin namin ang lahat para magkatuluyan kayo ng binata niya."

"That's unfair!"

"Wala ka namang nobyo at siguradong magkakasundo kayo ni Tonsy. Give it a try although nasabi ko nang magtutulungan kaming tatlo para mapasagot ka," biro pa nito. "Kilalanin mo siya at sana ay maganda ang gawin mong pakikitungo sa kanya. Pagbigyan mo ang daddy mo dahil alam mo namang sabik ako sa anak na lalaki, 'di ba? Pero siyempre, mahal na mahal kita. At matutuwa ako kung kayo ni Tonsy ang magkakatuluyan.


Wanted to be your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon