Chapter 4

590 45 3
                                    

"MUKHANG nagkakamabutihan na kayo ni Borj, ah."

Tila walang narinig si Roni. Nakasunod ang tingin niya sa binata na nagprisintang um-order ng inumin nila.

"Hoy!" tinapik siya ng kaibigan sa balikat.

"Ha?" nagulat pang tanong niya nang bumaling sa mga ito.

Jelai rolled her eyes. Napabungisngis naman si Missy.
"Wala na. Tinamaan na talaga," sabi ni Jelai.

"Ano ba 'yon?" Nagtatakang tiningnan niya ang mga ito.

"Sabi ko, mukhang in love ka na sa Borj na iyon."

"Jelai!"

"Huwag mong sabihing hindi," hamon nito.

Hindi siya nakaimik.

"Mula nang magkakakilala kayo, bumalik ang sigla mo. Lagi kang nagyayayang pumunta rito para makita siya. Palaging siya ang bukambibig mo. Kapag magkasama kayo, parang wala kami sa paligid," pahayag ni Jelai.

"Kaya nga nagtataka kami kung bakit isinabit mo pa kami sa date n'yo , eh, mukhang gusto n'yo namang magsolo," nanunudyong sabi ni Missy.

Nag-init ang mga pisngi niya. "A-ano ba 'yang mga sinasabi ninyo?"

"Masaya kami dahil nakikita naming masaya ka. Pero baka nakakalimutan mo ang tungkol sa pinoproblema mo?" -Jelai

Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya sinalungat ang sinabi ni Jelai na mukhang nai-in love na siya kay Borj. Ilang araw ring palagi nilang kasama ang lalaki.

Tama ang kaibigan niya sa obserbasyon nito na masaya siya. Bigla ay bumalik ang sigla niya at palagi ay gusto niyang lumabas upang makita si Borj. There was something about him that made her excited to be with him. Kinikilig siya sa malalagkit na titig nito at kumakabog ang dibdib niya sa mga makahulugang ngiti ng binata tuwing nakatingin sa kanya.

Hindi niya alam kung nanliligaw na ba ito o ano dahil tuwing nagkikita sila ay kasama ang dalawang kaibigan niya. Pangatlong gabi na iyon mula nang pormal silang magkakakilala at naiinip na siyang yayain nito na makipag date. Magte-text ito o tatawag sa kanya para tanungin kung pupunta siya sa bar at doon na sila magkikita.

Kung hindi lang siya nahihiya ay siya na mismo ang nagyaya rito. Naiisip kasi niya na baka mapahiya siya. Wala man itong sinasabi tungkol sa intensiyon nito sa pakikipaglapit sa kanya bagaman ang mga kilos nito ay nagsisimula nang lumunod sa kanyang puso.

Tuloy ay nawaglit sa isip niya ang tungkol kay Tonsy.
"Wala namang magagawa si Daddy kung ayaw ko talagang magpakasal sa anak ng kaibigan niya."

"Sigurado ka ba? Kailan mo lang nakilala si Borj," wika ni Jelai.

"Para namang seryoso na ang pagkakalapit namin." Tumawa siya para mabawasan ang tensiyong bigla niyang naramdaman.

"Nakikipagkaibigan, gan'on ba?" bulalas ni Missy. "Sister, nagiging showbiz ka na. Ganoon na ba ang pakikipagkaibigan ngayon? Kung makatitig, parang ikaw na lang ang babae sa mundo. Ano'ng akala niya sa amin, bakla?"

"Kapag magkasama kayo, kulang na lang ay yakapin ka niya. He's all over you. He sits beside you, as if telling other guys to back off," dagdag naman ni Jelai. "Halatang-halata na binabakuran ka niya. Ang sama ng tingin niya doon sa nakipagkilala sa iyo at pasimple ka niyang inakbayan na para bang kayo na."

"O baka naman kayo na nga?" tanong ni Missy.

Tigas siya sa pag-iling. "Hindi siya nanliligaw." gusto niyang kiligin sa obserbasyon ng dalawa.

Wanted to be your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon