Chapter 7

526 40 9
                                    

KAHIT pakiramdam ni Roni ay namamanhid ang katawan niya sa pagkakatitig kay Borj ay hindi nakaligtas sa kanya ang gulat at shock na rumehistro sa mukha nito.

Para itong namatanda at naudlot sa paghalik sa pisngi ng mama niya.

"Borj, Bro, parang ang sama naman yata ng tingin mo kay Roni. Baka matakot siya sa iyo at lalong tumanggi 'yan na pakasal sa akin," biro ni Tonsy dito.

Salamat sa birong iyon ni Tonsy at nagising siya sa pagkakatulala.

Pero mas hindi siya naging handa sa biglang pagtalim ng mga mata ni Borj. Tila may apoy ng galit doon para sa kanya.

Kaya pala nang una niyang makita si Tonsy ay naisip niyang nakakahawig nito si Borj.

"So, I finally got the chance to meet you," anito sa malamig na tono.

Gusto niyang matawa nang pagak dahil sa pagkukunwari nito. Nabawasan ang kaba at tensiyong umaalipin sa kanya. Mas mabuting nagkunwari itong hindi siya kilala dahil hindi niya alam kung paano magpapaliwanag kung sakaling banggitin nito ang tungkol sa kanila.

At ito pa ang may lakas ng loob na magpakita ng galit sa kanya? Makakaya rin niyang magpanggap na bale-wala sa kanya ang presensiya nito. Siya ang mas may karapatang magalit at mamuhi rito.

Ipokrita na kung ipokrita, nagawa niyang ilahad ang kamay rito. "Nice to meet you," sabi niya.

Akala niya ay hindi nito aabutin ang kamay niya nang hindi ito kumilos at tumitig lang sa kanya.

Sinalubong niya ang mga mata nito kahit pakiramdam niya ay maiiyak siya sa pagdagsa ng sama ng loob.

Laking gulat niya nang lumapit ito sa kanya. Imbes na makipagkamay ay hinagkan siya nito sa pisngi, malapit na malapit sa sulok ng kanyang mga labi.

Hindi makapaniwalang inilibot niya ang tingin sa paligid. Mukhang hindi naman napansin ng iba ang ginawa nito. Maging si Mama Chat na nakangiti pa.

Pero hindi si Tonsy. Nakita niyang kumunot ang noo nito. Agad din iyong nawala nang mapansin nitong nakatingin siya rito.

She didn't know how to act after that unexpected gesture from Borj. Gusto niya itong itulak palayo sa kanya. Kitang-kita niya ang pagsungaw ng pang-uuyam sa mukha nito. Alam niyang alam nito ang naging epekto sa kanya ng ginawa nito at natutuwa ito roon.

"Good evening to everyone."

Napalingon sila sa stage kung saan nakatayo si Tito Geraldo at may hawak na mikropono. Ang lahat ng mga bisita ay nagsitahimik at itinuon dito ang atensiyon.

"Salamat at pinaunlakan ninyo ang aking imbitasyon at dumalo ngayon sa aking ikatatlumpung kaarawan."

Umugong ang tawanan dahil sa biro nito.

"To my beautiful wife." Tumingin ito sa direksiyon nila. "Charito, honey, thank you and I love you."
Tumatawang kumaway rito si Mama Chat.

"To my sons, Borj and Tonsy, na kahit ayoko ay nagpapaalala na hindi na ako bumabata."

Pinanatili niya ang mga mata sa stage kahit ang totoo ay gusto na niyang kumaripas ng takbo. Tila nananadya si Borj na naroon pa rin sa tabi niya.

"Bukod sa birthday celebration ko ito, may isa pang mahalagang dahilan kaya naisip namin ang pagtitipong ito. We would like to share this to you as I announce it tonight."

Wanted to be your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon