"CHECKMATE."
Maang na pinagmasdan ni Roni ang chessboard pagkarinig sa pahayag ni Tonsy.
"Teka, paanong nangyari iyon?" tanong niya.
Hinimas niya ang kanyang baba sa pag-iisip ng maaari niyang gawin. Pero talagang wala nang puwedeng galawan ang king niya. Hindi niya namalayang nasukol na siya ni Tonsy at obvious na talo na siya. "Dinadaya mo yata ako, eh!" Hinawi niya ang mga chess pieces sa kawalan ng magagawa. Kasabay ng pagtumba ng mga iyon ang pagtawa nito sa obvious na pagkapikon niya.Ang lakas pa naman ng loob niya na hamunin ito na maglaro ng chess.
At kaya pala ngising-ngisi ito kanina nang tanggapin ang hamon niya ay dahil ilalampaso siya nito sa ilang moves lang.
"Sorry, but you're talking to a master," mayabang na sabi nito. "Wala ka talagang sinabi sa akin. Ano gusto mo pa ng isa?" hamon nito.
"Ng isa pang pagkatalo?" Sa lalo niyang pagkainis ay humalakhak ito, tila siyang-siya sa pagkakasimangot niya.
"Ang gusto ko, lumayas ka na rito at huwag ka nang babalik!"
Tumawa lang itong muli at sinimulang iligpit ang mga piraso ng chess, hindi pinansin ang sinabi niya. Siguro ay dahil alam nitong hindi siya seryoso sa sinabi.
Kung may makakakita sa kanilang ibang tao, iisipin niyon tiyak na matagal na silang magkasama at magkakilala. Walang mag-aakala na ilang linggo bago niyon ay ikinairita niya ang presensiya nito, lalung-lalo na ang magiging papel nito sa buhay niya.
But she started to appreciate him pagkatapos niyang makita si Borj na may kasamang babae at bumibili ng wedding ring. Hinihiling niyang sana ay isang masamang panaginip lamang iyon. As much she wanted to put it that way, the memory of her stupidity to believe someone like Borj reminded her of the pain that kept on slicing her.
Sinasabi niya sa sarili na hindi ang isang tulad nito ang pag-aaksayahan niya ng luha. Pero tuwing maaalala niya ang mga sandaling nagpakabulag siya sa pag-aakalang mahal din siya ni Borj ay hindi niya mapigilang umiyak.
Nang gabi pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko nito ay tinawagan siya nito. Hindi niya iyon sinagot. Nagpadala rin ito ng mga text messages, nagtatanong kung bakit hindi siya sumipot sa usapan nila.
Gusto niyang ipagsigawan dito na alam na niya ang lahat. Na habang nagpeprepara ito sa kasal nito ay isinasabay nito ang pagpapaasa at panloloko sa kanya.
Ilang araw rin siyang nagmukmok at pilit na itinago sa lahat ang kamiserablehang nararamdaman. Kahit sa mga kaibigan ay wala siyang binanggit maliban sa mahigpit na pakiusap na iwasan ng mga ito na makipagkita kay Borj. She didn't need to explain for them to understand her, although Missy and Jelai were really worried about her.
Hindi niya inaasahang pati si Tonsy ay mag-aalala para sa kanya.
Minsan ay nahuli siya nitong umiiyak habang mag-isa siyang nakaupo sa bench sa garden nila. Hindi niya namalayan na lumapit pala ito. She was able to wipe the tears off her face before he could see them.
Again, tears stung her eyes when he softly offered his shoulder for her to cry on. Hindi niya inisip na nakikialam ito nang mga sandaling iyon, kundi simpleng pagdamay at pag-unawa para sa kanya sa kung anuman ang iniiyakan niya.
That started it all. Sa pagkakataong hindi inaasahan ay nakahanap siya ng kaibigan.
Lagi na itong nagpupunta sa kanila. Alam niyang ikinatutuwa ng daddy niya ang pagkakaunawaan nila. She really enjoyed his company at ganoon din ito sa kanya.
"Paano ka mananalo, laging malayo ang isip mo," nakangiting sabi nito.
"Mandaraya ka lang kasi."
BINABASA MO ANG
Wanted to be your Man
RomanceUnang beses pa lang na nakita ni Roni si Borj ay hindi na naalis ito sa isip niya. Naging madalas ang pagkikita nila at naging malapit sila sa isa't isa. Ramdam niya, she was falling for him already. At tila ganoon din ito sa kanya kahit walang bina...