Chapter 11

601 37 4
                                    

NARIRINIG ni Roni ang mga katok sa pinto ng kanyang silid. Minsan ay sumasabay roon ang pagtawag sa kanyang pangalan ng kanilang katulong.

Hindi niya iyon pinansin. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumigil ang pagkatok at sumunod ang mga papalayong yabag. Marahil ay inakala ng katulong na nahihimbing pa rin siya sa pagtulog.

Ayaw muna niyang lumabas at baka may panibagong bagay na naman na magpagulantang sa kanya.

Kinuha niya ang kanyang cell phone. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot ni Jelai ang tawag niya.

"Ano na'ng balita sa iyo, sister?" bungad nito.

"Eto, para nang mababaliw," walang-siglang sagot niya.

"What is it this time?"

Walang pag-aalinlangang sinabi niya rito ang bagong 'bomba' na pinasabog sa harap niya.

"Di nga? Sinabi niya iyon?" Halatang hindi ito makapaniwala.

"Yes."

"At iyon ay napag-usapan na nila ng mga magulang niya at ng daddy mo?"

"Yes."

"Wow, ha? Bilib ako sa determinasyon nila na maging magbalae. Akalain mong noong hindi kayo umubra ni Tonsy ay si Borj naman. Mabuti at sumang-ayon siya. Siya pa kamo ang nagsabi sa iyo, di ba?"

Sa sinabi nito, muling bumalik sa isip niya ang dahilan ng pagrerebeldeng nararamdaman niya.

"Bakit hindi ka yata natutuwa sa bagong napag-kasunduan?"

Gulat na napalingon siya. Hindi niya alam na sinundan siya ni Tonsy pagkatapos niyang mag-walk out sa mga ito.

"Bakit sinundan mo pa ako dito?" Naiinis na tinalikuran niya ito.

"I'm worried about you."

"Why didn't you tell me about this earlier?" nanunumbat na wika niya.

"I didn't think I had the right to do so. Labas ako sa usapang iyon, kaya ipinaubaya ko na sa kanila."

"Pinag-usapan ninyo iyon nang hindi man lang ako kinokonsulta. Hindi ba importante ang opinyon ko sa usapan gayong tungkol sa buhay ko ang pinagpaplanuhan ninyo?"

Lumapit ito sa harap niya. He put his hands on her shoulders and gently squeezed them. "Sa tingin ko ay hindi nila intensiyon na pakialaman at manduhan ka. Tito Charlie wants the best for you. My parents adore and love you and want you to be their daughter for real. Ayaw mo bang magpakasal kay Borj? Hindi ba, mahal mo siya?"

"Oh, yes. But..." she didn't try to pretend. There was use anyway. "But not now. I mean, hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa mga misunderstanding na nangyari sa amin. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang pagkakamali ko. Hindi pa kami nagkakaayos, bigla na lang kami na ang magpapakasal. I don't want to marry him ----"

"Hindi mo kailangan ipagdiinan ang bagay na iyan."

Nanigas ang kanyang likod sa marahas na boses na iyon. Muli ay naroon naman si Borj.
"Hindi lang ikaw ang namumuhi sa ideyang ito. But we can't do anything about this, can we? Tinanggap ko nang ito ang kapalaran ko. Mabuting iyon din ang gawin mo."

Gusto niyang pagbabalyahin sa dibdib nito si Borj nang mga sandaling iyon. Ipinaramdam nito sa kanya na ang magaganap na kasal sa pagitan nila ay labag sa kalooban nito.

Nanliliit siya sa sarili tuwing naaalala niya ang tila pagpapamukha nito sa kanya. Ang inakala niyang tenderness na nakita rito para sa kanya bago nito ipinahayag ang tungkol sa magiging kasal nila ay simula na para magkaintindihan sila ay hindi pala totoo. Marahil ay nagkamali lang siya sa emosyong inakala niyang magbibigay ng pag-asa sa kanya.

Wanted to be your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon