"ANG MASASABI ko lang, isa kang malaking lukaret. In all capital letters."
Hindi sinalungat ni Roni ang sinabing iyon ni Jelai patungkol sa kanya. Sa tingin nga niya ay kulang pa ang deskripsyong iyon para sa kagagahang nagawa niya.
Yeah, in bold capital letters.
"Jelai, ano bang gagawin ko?" tanong niya rito.
"Bakit naman kasi hindi mo muna siya kinausap tungkol sa hinala mo sa kanya? Ayan tuloy, hindi naman pala tama ang mga naging paratang mo sa kanya," naninising sabi nito.
Nasusuya sa sarili na inilipat niya sa kabilang tainga ang hawak na telepono. Pakiramdam niya ay nananakit na iyon sa halos isang oras ng pag-uusap nila ni Jelai.
Umagang-umaga ay tinawagan niya ang kaibigan sa cell phone nito. Papasok na ito sa trabaho nang mga sandaling iyon kaya sinabihan siya nitong tumawag siya sa telepono sa opisina nito para mas malinaw nilang mapag-usapan ang problemang sinasabi niya.
Ikinuwento niya rito ang lahat, pati ang natuklasan niyang pinsan pala ni Borj si Isabel na nakita niyang kasama nito noon sa jewelry store.
"Nagdrama-drama ka pa sa maling akala mo na habang nakikipaglambutsingan ever sa iyo si Borj, eh, mayroon na pala siyang jowa at malapit nang ikasal."
"Excuse me, hindi kami naglalambutsingan. Nililigawan niya ako, no," pagtatama niya.
"Akala ko ba, hindi pa nanliligaw? May hindi ka pa sinasabi, ano?" panghuhuli nito.
Kung kaharap lang niya ito ay siguradong niyugyog na siya nito upang paaminin. With her cheeks blushing, it was enough giveaway to know that she was really hiding something from her friend.
Alangan namang ikuwento niya rito ang intimate moments nila ni Borj? She treasures those memories and she thought that should remain only between her and Borj.
"Tinawagan kita para humingi ng payo. Hindi para i-interogate mo."
"Kung narito lang si Missy, siguradong tatalakan ka n'on sa kagagahan mo. Sinabihan kita na maghinay-hinay sa pakikipaglapit kay Borj, di ba? Mahirap na magtiwala ka sa isang lalaki na hindi mo lubusang kilala dahil naglipana ang mga hudas at manloloko. Pero hindi ko naman sinabi na maging masokista ka noong hindi mo kinompronta si Borj nang makita mo siya kasama 'yong babaeng napagkamalan mong fiancee niya. Eh, kung nagpaka-amazona ka at sinugod sila ng oras na iyon, sana nalaman mo agad na mali ka. Hay, naku! Ang tanga-tanga mo na, friend," mahabang litanya nito.
"Hindi ko na nga maisip na gawin yon dahil talagang na-shock ako sa nakita at narinig ko. I was totally confused with what I saw. Masyado kasing sweet si Isabel kaya yon..." Binalikan niya sa alaala ang unang beses na nakita niya si Isabel. Kahit sino naman ay mag-iisip na may relasyon ang mga ito.
"Eh, di iyon ang sabihin mo kay Borj. Na kaya ka nagbago at nagalit sa kanya ay dahil sa tamang-hinala ka sa kanila ng pinsan niya. Pero sandali ..." anito na tila may naalala.
"Ano iyon?"
"Paano na kayo n'ong kapatid niya? Hindi ba naging malapit ka na rin kay Tonsy? Oh, my God! Torn between two lovers ang drama mo."
Napasimangot siya hindi lang dahil sa kilig na nasa boses ni Jelai sa ideyang naisip nito kundi dahil na rin sa pagkaalala kay Tonsy. Nakasisiguro na siya na may alam nga ito tungkol sa kanila ng kakambal nito. At ang magaling na lalaki, hindi agad sinabi sa kanya iyon. Marahil ay talagang gusto nitong um-attend siya sa engagement party ng pinsan nito para malaman niya mismo nang personal na mali ang hinala niya kay Borj.
Naiinis siya rito dahil hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Alam niyang sinasadya nito iyon. Pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat din siya na ginawa nito ang setup na iyon para malaman niya. Lamang ay siguradong katakut-takot na pang-aasar at panunukso ang gagawin nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wanted to be your Man
RomanceUnang beses pa lang na nakita ni Roni si Borj ay hindi na naalis ito sa isip niya. Naging madalas ang pagkikita nila at naging malapit sila sa isa't isa. Ramdam niya, she was falling for him already. At tila ganoon din ito sa kanya kahit walang bina...