Chapter 3

661 53 6
                                    

"PAANO, hijo? Maiwan ko na kayo nitong dalaga ko." Tumayo na ang daddy ni Roni. "Ikaw na ang bahala kay Tonsy," bilin nito sa kanya bago sila iniwan.

Nasorpresa siya nang sabihin ng daddy niya na pupunta sa kanila nang gabing iyon si Tonsy upang dalawin siya. Sa pagkakaalam kasi niya ay nasa ibang bansa pa rin ang binata. Hindi niya inaasahan na makakaharap niya ito ilang araw lang pagkatapos ipaalam sa kanya ng ama na ito ang pakakasalan niya.

Kung kanina na kasama nila ang daddy niya na siyang nagsimula ng pagkukuwentuhan ay panaka-naka lang kung magsalita siya, ngayon ay hindi siya makahanap ng maaaring sabihin para mabawasan ang katahimikan sa pagitan nila.

Tiningnan niya si Tonsy na ilang dipa ang layo mula sa kanya. Nakangiti ito at nakatingin sa kanya. Alanganin ang iginanti niyang ngiti.

Kanina bago ito dumating ay naisip niyang maging malamig at hostile ang pakikitungo rito. She didn't really like the idea that she would soon get married to a man for the reason that their parents just wanted them to be. Pero habang nakatingin siya sa maamong mukha ni Tonsy, naisip niya na mukhang mabait ito at hindi makatwiran kung susupladahan niya ito. Maybe she could talk to him na hindi tama na naroon sila sa ganoong sitwasyon at ang mga ama nila ang nagdedesisyon para sa kanila tungkol sa bagay na iyon.

"Papa was right when he told me you're beautiful," anito kapagkuwan. "May mga pictures kami sa bahay noong mga bata pa kami na kasama ka. You were very pretty then so there's no wonder you grew up into a very lovely woman."

Nag-iinit ang mga pisngi niya dahil sa napaka-vocal na pagpapahayag nito ng paghanga. Mukhang may pagkabolero ito.

He knows how to flatter a woman, huh? Malambing magsalita at matamis ang dila nito.

He was also a very good-looking man. Napaka-guwapo at boyish ang dating nito sa pagkakangiti nito.

Bigla ay naalala niya ang lalaking nakabungguan niya noong isang araw nang matitigan nang matagal ang mga mata ni Tonsy. Bakit sa paningin niya ay magkahawig ang mga mata ng mga ito?

"Roni?"

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit ba naalala na naman niya ang lalaking iyon? Pati sa ibang lalaki ay nakikita na rin niya ang mukha nito.

"Iniisip ko kung totoo ba 'yang sinasabi mo," pagdadahilan na lang niya kay Tonsy.

"Of course." His smile widened. "Akala ko ay uuwi ako nang maaga ngayong gabi."

Napakunot-noo siya. "Bakit naman?"

"Binalaan kasi ako ng daddy mo na mataray ka at ihanda ang sarili ko oras na barahin mo ako. Pero mukhang wala ka namang balak gawin iyon. Ayan nga't nakangiti ka sa akin."

"Talaga lang, ha?" Tinaasan niya ito ng isang kilay pero nanatili siyang nakangiti.

"Ibig bang sabihin niyan ay puwede tayong maging magkaibigan?

"Mas gusto kong maging ganoon kaysa ang makasal tayong dalawa," diretsang sabi niya.

Napakamot ito sa ulo. "Ang hirap naman niyan. Ang balak ko ay doon magsimula para mapalapit sa iyo, pagkatapos ay liligawan kita. Kaya hindi kita mapagbibigyan,"
Umiling ito.

Inis na napabuga naman siya ng hangin.

"I can see that you hate the idea, but what can we do? Kagustuhan ito ng mga tatay natin. Sa akin naman ay okay lang, lalo na ngayong nakilala na kita. Mukhang magkakasundo naman tayo."

"Ganoon mo lang kadaling natanggap iyon?" manghang tanong niya.

He just shrugged.

"Kung ganoon, kung sasabihin ko sa iyo na ayaw ko talagang magpakasal at magtulungan tayo para hindi matuloy ang kalokohang ito ay hindi ka papayag?"

Wanted to be your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon