Chapter 5

606 38 6
                                    

"BAKIT ba ganyan ka makatingin?" Roni stammered because of the intensity of Borj's gaze that never left her face. Mula pa kaninang dumating siya sa restaurant ng isang five star hotel kung saan ito nagpareserve ng table nila ay hindi na napuknat ang mga mata nito sa kanya.

"Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan ka, Roni. You always make me feel this way, lalo na ngayon. You're more beautiful tonight" nangingislap ang mga mata sa paghanga na hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya.

Pinaghandaan niya ng husto ang date nilang iyon na para bang iyon ang kauna-unahang pagkakataong lumabas siya kasama ang isang lalaki. Tila siya teenager na hindi malaman kung ano ang pipiliing isuot para sa gabing iyon.

Nahilo siya sa kakapalit until she decided to wear the Venus cut dress na isa sa mga paborito niya. It's stretchable fabric hugged her body like a second skin. At ang kulay niyong pula ay lalong nagpatingkad sa kaputian niya. It also made her look daring and seductive na siguradong nakakaakit pa nang husto kay Borj sa kanya, wala pa man siya ginagawa.

Paano pa kaya kung maging agresibo ako? pilyang naisip niya.

She had done her make up very light and natural. Alam niyang hindi niya kailangan ng heavy make up dahil natural na mamula-mula ang pisngi at mga labi niya.

"Napakabolero mo," nakangiting sabi niya rito.

Inabot nito ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. Nahigit niya ang kanyang hininga nang dalhin nito iyon sa mga labi nito. He planted a kiss at the back of her hand.

"Roni, hindi iyan ang inaasahan kong sasabihin mo. You really mesmerize me."

"Ilang babae na ba ang nasabihan mo niyan?" Tinangka niyang magbiro.

"You're not taking me seriously," may pagtatampo sa tinig na wika nito. "Ilang araw pa lang mula nakabalik ako dito sa Pilipinas para sa trabahong kailangan kong gawin dito. Pero imbes na iyon ang unahin ko, ang makita ka ang iniintindi ko."

"Sinabi ko bang intindihin mo ako?" nakaingos na balik niya rito. Pero gusto niyang tumili dahil mukhang hindi nito nagustuhan na iniisip niyang binobola lamang siya nito.

He sighed and gently squeezed her hand. "Babe, I just want you to know ----"
Biglang tumunog ang kanyang cell phone. Si Tonsy ang tumatawag. Nahila niya ang kamay mula sa pagkahawak ni Borj. Nag-atubili siyang sagutin ang tawag.

"Sagutin mo na," udyok ni Borj.

"Hello?" aniya.

"Roni, iniiwasan mo ba ako?" bungad ni Tonsy.
"Nagpunta ako sa bahay ninyo, wala ka na naman."

"Hindi ba obvious na lumabas ako kaya wala ako sa bahay?"

"Sana, isinama mo ako."

"May iba akong kasama sa mga lakad ko, maa-out-of-place ka lang."

"Lumabas tayo nang tayo lang dalawa."

Gusto na niyang mainis sa kakulitan nito. "Hindi ko alam kung kailan ako puwede."

"Tomorrow, pupunta ako sa inyo. Masarap ka raw magluto sabi ni Tito Charlie. I'll bring wine, sagot mo na ang masarap na hapunan."

"Hindi ako puwede bukas ---" Pero hindi na niya natapos ang sasabihin dahil busy tone na lang ang narinig niya.

"Pasensiya na," aniya kay Borj pagkatapos ibalik sa bag ang cell phone niya. Ayaw niyang ipahalata rito ang inis dahil sa pangunguna sa kanya ni Tonsy.

"A suitor?" malamig na tanong nito.

Nagkibit-balikat lang siya dahil hindi niya alam kung paano sasagutin iyon. "Ano na nga 'yong sinasabi mo?" Nakaringgan lang ba niya o talagang tinawag siya nitong 'babe'?

Wanted to be your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon