First Day Of School

79 6 1
                                    

Alam ko namang may gusto kang iba.
Di ko nga lang talaga alam kung ano o sino ang tinitibok ng puso mo sinta. Pero isa lang ang alam ko, na marami pa kaming humahanga sa iyong ganda.

Hunyo sais dalawang libot labing anim.
First day of school, syempre ito rin yung araw na nakita ka ng mga mata kong nagninimnim,
Ito rin yung araw na biglang tumahimik ang magulong buhay ko.
Lalong lalo na, ito rin yung araw na bigla kang pumasok sa pinto ng puso ko.

Ikaw ang naging inspirasyon ko.
Sa bawat tulang isinusulat ko.
Di ko alam kung torpe lang ba talaga ko o ano,
Pero mas gusto ko kasing pinagmamasadan ka sa malayo.

Gusto ko mabasa mo ang tulang ito.
Para malaman mo na may nagpapahalaga sayo,
Kaso di talaga pwede kase alam ko namang may gusto kang iba.
Kaya naman ako'y unti unting didistansya na.....

Hopeless💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon