Araw ng mga puso

24 3 0
                                    

Papalapit ng papalapit nanaman pala ang araw ng mga puso.
Ang araw na ayaw ng mga taong durog ang puso.
Dahil sa mga pangakong napako.
Dahil sa simpleng "Gusto rin kita" maraming umiyak at umasa di nila alam hanggang kaibigan lang pala.
Dahil sa sumpaang "walang    iwanan hanggang sa huli" na nauwi lang sa "may mahal na kong iba, sorry."

Sa mga taong patuloy paring umaasa...
Sa mga taong ambilis paren talaga maniwala...
Sa mga taong kinikilig kahit sa kasinungalingan...
Sa mga taong bigla nalang iniwan....

Wag niyo sanang ayawan ang araw ng mga puso.
Dahil simula't sapul hindi rin niya Ito ginusto
Ito'y resulta lamang ng panloloko
sa mga taong ang ginawa lang naman ay magmahal ng totoo
Hindi naman niya kasalanan
Kung bat kayo laging sinasaktan at iniiwan
Ng mga taong hindi man lang kayo pinahalagahan.

Kaya wag ka na sanang malungkot,
Dapat tayo'y maging masaya.
Dahil kahit wala tayong jowa kinaya naman natin diba?
Maging masaya na lang Tayo dahil may mga kaibigan na lagi tayong dadamayan!!
Wag na nating intindihin yan,
Oks lang kahit walang jowa sa pebrero. Basta't importante magaantay Lang ako sa tamang tao....

Hopeless💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon