Advance ako mag-isip,
Sa mga bagay-bagay,wag nga lang maiinip.
Advance ako mag-isip,
Kase Ika'y akin nang naisip,
Naisip kita, naisip mo din ba ko?
Naiisip mo din ba ang nasa isip ko?
Naisip mo?
Kase ako, Oo
Naisip ko.Advance ako mag-isip
Kase naisip ko na meron ang salitang Tayo
Naisip ko agad Ito kahit walang tayo at meron lang Ako.Advance ako mag-isip
Naisip ko na merong Tayo sa ibang dimensyon
Pero meron lang pala Tayo sa aking imahinasyon
Sa imahinasyon,
Sa imahinasyon ko'y ako'y nastuck
Na para bang ako'y nasa kulungang nakalock
Advance kasi ako mag-isipAdvance ako mag-isip
Kase naisip ko na tayo'y permanente
Diba naisip ko agad Ito kahit hindi Ito posibleAdvance ako mag-isip
Di mo kasi agad to maiisip
Mag-imagine ka na lang ng krimstix,
Katulad ng nasa isip ko?Imagination ko ang limitPero Ito,
Isipin mo,
hindi lang pala krimstix ang may limit
Parang tayo may limit,
May limit na nga,
Medyo pilit pa.Advance ako mag-isip,
Isipin mo, tatalunin natin ang akdang Romeo and Juliet.
Na sa storya'y namatay sila nang magkasama,
Eh tayo kailanman di magiging magkasama.
Di tayo magiging magkasama,
Partida, buhay pa tayo sinta.Advance ako mag-isip,
Dahil naiisip ko ito,
Dito lang sa imahinasyon ko,
Magkasama tayo,
Magkasama ikaw at ako
Mahal Kita, at Mahal mo akoPero dahil nga advance ako mag-isip,alam mo?
Lahat ng to?
Dito lang nangyayari sa imahinasyon ko.
Tama ka, dito sa mundong ginawa ko.
Dito sa mundong binuo ng kathang isip kong ito,
Mundong kailanman di magkakaroon ng Tayo,
Samakatuwid, mundong hindi magkakatotoo.