Bukas na pala ang araw ng kapaskuhan.
Pero bakit tila nag iisa parin ako dito sa kawalan.
Nag iisa parin ako habang nakahiga saking higaan.
Kasama ang aking kumot at unan.
Para naman maibsan ang kalungkutang aking nararamdaman.Kaso tila may gumugulo parin sa aking isipan.
Kaya naman ang kalangitan ay akin nalang pinagmasdan
At napansing ito'y unti-unting nababalot ng kadiliman,
Ni anino ng buwan ay di na masilayan.
Ang hangin naman ay unti unti ng lumalamig.
Kaya naman ako'y giniginaw na sa lamig.
Pero di lang pala ang hangin ang malamig.
Ikaw din pala sakin ay tuluyan ng nanlamig.Sa bawat cold mong reply.
Para mo kong pinapatay.
Sa bawat like react na natatanggap ko sayo.
Ipinaparamdam mo na wala kang interes na kausapin ako.
Sa bawat gabing ako'y lumuluha.
Kabaligtaran naman ang iyong nadarama.Gusto ko lang naman na makasama ka kahit itong darating lang na kapaskuhan,
Pero mukang ayaw talaga ni bathala na pagbigyan ang aking kahilingan.
Ganon ba ko kademonyo para magkaroong ng kahit konting kaligayahan.Kaya nga minsan iniisip ko...
Gusto ko na lang maging pasko,
Para naman mapansin mo yung pagdating ko
Gusto ko maging pasko,
Para kahit minsan sa buhay mo ay hintayin mo ako..
Kase buti pa yung pasko.
Hinihintay ng mga tao.
Dahil tuwing pasko ay nagkakaroon sila ng mga aginaldo,
Mga aginaldo na nanggagaling sa mga ninong at ninang na automatic na nagiging bangko tuwing sasapit ang pasko.
Ang saya lang isipin noh na ang saya saya nila..
Habang heto ako lagi nalang nag iisa.
Laging nag iisa tuwing sasapit ang kaarawan ng Ama...Siguro nga hindi talaga ako ipinanganak na mapalad
Hindi na nga mapalad sa kinagisnang buhay,
Hindi pa pinalad na magkaroon ng lovelife.
Kaya naman siguro itong buhay ko ay walang kabuhay-buhay.Ang hiling ko lang naman kay starla at sa mga bituin
Ang aking kahilingan ay dinggin
Na ang babaeng minimithi ay akin ng makamit
Upang ang pasko ko nama'y maging sulit.
At hindi na ko mapabilang sa samahan ng malalamig ang pasko.
Dahil natupad na ang mga kahilingan ko.