Note:Basahin mula taas hanggang baba
Bumalik ang ngiti sa labi ko.
Dahil sa'yo,
Nagkaroon ng tinik dito sa puso ko,
Dahil sa'yo,
Naniniwala parin ako na magiging maayos pa ang lahat,
Kahit hindi na ko naniniwala na walang aalis at bumabalik pang muli,
Hindi na ako naniniwalang magiging totoo pa ang mga pangako ko sayo sinta,
Pagkat nadurog ako nung,
Inakala ko na totoo itong pagmamahal ko sayo,
Buti na lang talaga,
Inisip ko ang lahat ng ito at napagtanto ko na,
Wala kang halaga sa akin,
Huwag mo sanang isipin na,
Mahal pa kita.Another Note:Basahin naman mula baba hanggang taas