Ang liwanag ng araw ay inaagaw,
Inaagaw ng buwang mapang-agaw
Marahil ang papalubog na sikat ng araw ay akin ng natatanaw
At ang mga bituin ay sunod-sunod ng nagsisilitawInagaw ng dilim sa malamig na gabi
Ang liwanag ng araw na siyang nagkukubli
Ang bawat pagsikat at paglubog ng araw
Ay parang natutunaw,nalulusaw at inaagaw
Sa aking pagtulog
Pakiramdam ko'y nahuhulog
Nahuhulog muli sa kawalan
Nahulog nung ako'y iyong iniwan
At sa aking pag gising
Naalala ko wala ka na pala sa aking piling
Inabot na pala ko ng hapon
Dahil sa mga alaalang bumabalik mula sa pait ng kahapon.Mag gagabi na nanaman
Lumalamig ang simoy ng hangin sa aking katawan
Mag balahibo'y nagsisitayo
binabalot ng lungkot na dinala moHating Gabi na,
Wala nang maaninag sa paligid,
Masyado ng tahimik ang lahat maski ang aking gilid,Giniginaw,
At hindi makagalaw
Hindi makakilos kahit walang nakikitang nakahambalang sa tanaw,
Takot na rin akong gumalaw,
Na baka ako'y magkamali at masaktan
Takot ako na baka isang araw ako'y iyong iwanan
Iwanan sa kawalan,
Nang wala man lang akong kaalam-alamMukhang ang malamig hangin ay sumasabay sa aking nararamdaman
Nag-iisa, Nag-iisang nababalot ng kulungkutan
Mag-isa, Mag-isang tinatahak ang landas kahapon,
Na patuloy saking lumalamon.
Ang luha'y umaagos,
Na para bang ang paghampas ng alon saki'y tumatagos
At pagkatapos ng alo'y bumabalik ang buhangin,
Kasabay ng malamig na yapos ng hangin.Walang kasama-
Nag-iisa,
Walang gustong sumama,
Iniiwanang magisa,
Sa kawalan,
Habang saksi ang kalawakan.
Iniiwan sa sariling mundo,
Mundong ako mismo ang bumuo.
Pero sana'y magsisi ka,
Ay mali, Magsisisi ka talaga.Magsisisi ka dahil babalutin,lalamunin,sisirain ka ng mundong iyong papasukin.
Hindi mo kakayanin,
Hindi mo kakayanin pumasok rito,
Hindi ko rin naman kayang pumasok mag-isa pero kasama ko ang aking anino.Papasok na ko sa kawalan,
Sa kawalan kung saan mo ko iniwan.
Marahil saksi ang kalawakan,
Sa ginawa mong paglisan.
Papasok ako rito,
Sa pag-aakalang ikabubuti ko ito,
Pero mali ako,
Dahil ikinasira ko ito,
Nawasak,Lumagak,
Bumulwak ang bawat piraso na matagal ko na ring binubuo
Gumuho,Nanlumo ang bawat pirasong naglalayong mabuo
Upang maipakitang nakaya ko,
Nakaya ko nung iniwan mo ako,
Iniwan mo sa madilim na mundo,
Sa sarili, sa sariling Gabi gumuguho.Ngunit, Datapwat, Subalit mali--
Masyado kong nagtiwala sa dilim ng gabi
Masyado kong nagtiwala sa buwan, sa kadiliman ng kalawakan,
Kung saan iniwan ako sa kawalan.
Masyado ng madilim,
At ang ulap ay makulimlim,
Nagbabadya na ang malakas na ulan
Ang pagpatak ng luha sa kawalan,
Naghahanap ngunit walang masisilungan
Walang pader na masasandalan
Sa kawalan
Sa kadiliman ng kalawakanMasyado kong nagtiwala na kaya ko nang magkunwari,
Na kaya ko magsarili,
Na kaya ko mag isa,
Na kaya kong walang kasama,
Na kaya kong wala ka,
Na kaya ko rin katulad niya,Nilamon na ko ng kadiliman,
Masyadong matibay ang binuo kong harang, parang batong hindi mawawasak kailanman.
Parang nagiging bato,
Nagiging bato na ang puso ko.
Kakayanin ko ng magkulong sa isang sulok,
Hindi na rin ako magiging marupok.
Hindi na tatakas,
Para ang luha'y umabot na sa wakas.Masyado na kong nilamon ng kadiliman.
Masyado nang nilamon ang aking nararamdaman,
Hindi na muling magkukubli,
Mananatili ang pighati,
Ang sobrang kalungkutan
Nung gabing iniwan mo ko sa kawalan,
Habang saksi ang kalawakan.Wala nang natira,
Ubos na ubos na,
Nilamon na ng kadiliman,
Kadiliman ng aking kalungkutan,
Nilamon na nang gabi
Ng Gabi,
Ng kadiliman ng gabing nagkukubli..