Paano kung bigyan ako ng sampung minuto?
Sampung minuto para makasama ka,
Ano kayang gagawin ko?Kung bibigyan ng pagkakataon,
Pagkakataong bumalik sa nakaraan,
Na may sampung minutong hangganan.
Sampung minuto para lang ika'y muling balikan.Hindi ko na siguro itatama ang mga pagkakamali,
Kundi susulitin ko na lang ang bawat sandali.
Susulitin ang bawat sandaling hindi na mauulit muli.Yayakapin kita,
Yayakapin ka ng sobrang higpit na para bang walang bitawan pa.
Laging sasambitin ang "Mahal kita",
Laging sasambitin hanggang sa magsawa ka.
Susulitin ang bawat segundo,
Hanggang matapos itong hiram na sampung minuto.Sa mga nalalabing minuto
Hindi na mapigilan pa ang, pagluha ko,
Mas lalong hinigpitan pa ang pagyakap sayo.
Walang sawang paghiling na sana'y di na matapos ito,
Kahit magkaroon lang ng panibagong sampung minuto'y okay na ako,
Sampung minuto sa panahong ako pa ang mahal mo.Sa pagtatapos ng sampung minuto,
Napagtanto ko,
Napagtanto ko na huli na,wala na
Wala ng pagkakataong sabihing "Mahal Kita",
Wala ng pagkakataong maitanong kung tayo'y "Pwede pa ba"
At higit sa lahat wala ng pagkakataong mabubuo pa tayong dalawa,
Kaya para san pa?
Huli na ang lahat,diba?
Huli na ang lahat para sa ating pinagsamahan,
Huli na ang lahat para sa relasyong minsa'y iningatan.Hindi na maibabalik pa,
nang mga matatamis na salita,
Ang mga ngiti sa iyong labi.
Hindi ka na makukumbinsi,
Ng mga yakap ko na sayo'y nagpapanatili.At ang sampung minuto'y natapos na nga,
Kasabay ng pagdilat ng aking mga mata,
Hindi na mapigilang hindi maluha,
Bakit ba kasi ganun pa?Mas masakit pa pala ang pangalawang pagkakataon,
Hindi kasi sapat ang sampung minuto para maipalit ko pa ang ngayon sa noon.Alam ko,
Na kahit ilang tula pa ang ialay ko sayo.
Di parin magbabago na sa pag-gising ko,
Wala ka na sa tabi ko.
Ang kinabukasa'y di na magbabago.Sa sampung minutong kasama ka,
Ay sampung minutong panaginip lang palaKaya't muling pumikit,
Nagbabakasakaling magtagpo muli sa paniginip.Panaginip na kung saan ako ang iyong kasulukuyan at kinabukasan,
Na kailanma'y hindi magiging iyong nakaraan.Sa huling pagkakataon,
Tatanungin kita ng mahinahon.
Kung bibigyan ka na pagkakataong bumalik sa nakaraan,
Na may sampung minutong hangganan.
Tatanggapin mo ba?---Sampung minuto---