Paglalakbay sa mundo ng habang buhay

6 1 0
                                    

Walang nagmamahal ng hindi lumuluha
Lahat ay maaaring humantong sa pag-iisa
Walang kasiguraduhan kung hindi ka susugal
Lahat ay maaaring hindi magtagal
Walang umiibig ng di nasasaktan
Dito sa mundong puno ng katanungan
Mundong puno ng palaisipan
Na kahit kaila'y di maiintindihan

Kahit marami itong misteryo
Mayroon paring mga pangahas na gustong pasukin ito.
Dinadala ng kuryosidad upang ito'y tuklasin,
Tukuyin at pilit na intindihin.
Bagama't bawat isa'y may iba't ibang karanasan
Mula sa mundong kanilang pinanghimasukan
Bawat karanasang maaaring lungkot at saya ang pumupuno
Sa mundong may iba't ibang depinisyong bumubuo rito.
Binubuo ng mga mapapait na alaala
Mga taong naging alipin ng nararamdaman nila.

Bago ang lahat,
Sagutin mo ang mga katungang ito ng tapat,
Handa ka ba?
Handa ka ba na sa mundong ito'y tumaya?
Handa ka ba itong tahakin?
O handa ka bang nitong maging alipin?

Kung gayon, Mananatili nga lang bang mga katanungan ang iyong mga tanong
Mananatiling nakakulong,
Sa iyong sariling isipan.
Mananatiling walang kasiguraduhan.
Dahil hindi na masasagot pa ang mga katanungan

Marami nang sinira,
Ng mundong tinahak nila.
Sa pagaakalang ito'y ikakabuo nila
Ngunit mali, dahil mas lalo pa nitong ikinasira
Sa mundong akala nila'y pangmatagalan ang saya
Pero panandalian lang pala
Isang mundong punong puno ng paasa, umasa, nagpaasa,
Napaiyak ng mapanlinlang na mga salita,
Isang mundong nakakatakot bigyan ng atensiyon at pang-unawa
Dahil marami ng puso at pagmamahal na nasira.

Ngunit sa kabila ng sakit, pait, hinanakit na maaaring iiwanan,
Meron paring mga sundalo na gustong lumaban.
Mga taong patuloy paring lumalaban,
Pinoprotektahan ang pag-ibig na dati'y inalagaan at iningatan,
Mga sundalo ng pag-ibig at pagmamahalan
Matatapang na patuloy sa laban kahit di sila pinaglaban
Mga istoryang sinulat ni tadhana,
Mga istoryang puno ng masasaya at mapapait na pagsasama..

Ang mundong ito ay hindi ginawa na puro sakit at pait lang ang dala,
Maaaring ikaw ang may hawak ng iyon tadhana,
Marahil meron din itong ibang depinisyon,
Kaya kung maligaw ka man sa mundong ito dadating din yung taong aakay sayo't ituturo ang tamang direksyon.
May magtuturo sayo ng tamang diresyon sa iyong paglalakbay
Tungo sa panghabang-buhay....

Hopeless💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon