Ako nga pala yung sinayang mo....
Ako nga pala yung sinayang mo.
Yung taong nagmahal sayo
Yung laging nakangiti dahil sa saya na tinanggal mo,
sinira mo.
Ang puso ng taong minahal ka ng totoo na binago mo.Wag ka mag alaala
Ngayon sa tuwing nakikita kita.
Hindi na laging saya ang naaalala,
kundi lungkot at panghihinayang na.
Alam kong tinuturing mo lang akong kaklase mo pero,
Ako yung dating nagmahal ng sobra sayo.
Ako yung dating naghahabol sayo.
Ako yung dating binabalewala mo.
Ako yung dating....
Ako nga pala yung binago mo.
Binago mo,
Hanggang sa bumalik ako sa ganito.
Pero salamat nga pala,
Dahil sayo nagbago ako.
Dahil sayo natuto ako.
Dahil sayo minahal ko Ang sarili ko.
Dahil sayo natauhan ako.
At kung sakaling magtanong ka Kung bakit sinayang mo ako.
Isa lang ang sagot dahil iba ang gusto mo.Gusto kong sabihin sayo
Ayoko nang sabihing mahal parin kita.
Ayoko nang maghabol pa sayo.
Ayoko na,
Ayoko ko na sayo...
Dahil alam ko na sa simula pa lang ay talo na ako.
At doon ako tuluyang nagbago.
Doon ako natauhan.
Doon ko nalaman na di pala bagay ang TAYO.
Hindi ako bagay sayo.
Dahil mas may hihigit pa sayo,
Na mamahalin ang isang tulad ko.
At kung sakaling malimutan mo na ako.
Ipapaalala ko muli sayo,
Na ako nga pala yung sinayang mo....