Dalawang Persona ng Gusto Kita

10 0 0
                                    

Lahat ng tao ay may iba't ibang katangian
Katangiang bihira lang nating masaksihan
Mga katangiang di pangkaraniwan
Kung kaya't minsan ang meron lamang nito ay iilan

-Isa ka nga ba sa iilan?
Oo isa ko sa iilan, sanay na rin akong iniiwan
-Maaari ka bang magbahagi ng tula?
Maaari naman pero bago ko simulan ang aking tula
Nais ko muna na sa inyo'y magpakilala

Ako nga pala si Bert,
Isang mamayang nakatira sa planetang earth
Aking inuulit, -Bert ang aking ngalan
Meron akong -dalawang katauhan
At kapag sinabi ko itong kataga
Wag kayong maniniwala
-Maniwala kayo sana
Ang ibig sabihin nito ay -hindi lang iisa
Dahil ito ang dalawang persona ng gusto kita

Sisimulan ko na....
Ito'y isang tula
Na magsisimula sa isang katagang gusto kita
Pagkatapos ng pagkatapos ng pasulyap ng iyong mga mata, -nagdidilim ang paningin ko kahit pa ang ganda mo'y maladyosa
Dahil hindi ito dahilan para isamba kita
Kasama ang damdaming puno ng pagkukubli at pagngangalit
-Hindi matatapos ang pag agos ng dugong mapait
Kasabay ng pagtitipon ng mga diyos sa langit
Ang bawat landas na tatahakin
Ay hahantong sa paglutas na sasapitin
Ng palaisipang nagsimula
Sa ginawa mong pagpapasya
Na tumapos sa nagbibigkis ng salitang "Tayo"
-At iniwang mag isa ang "Ako"
Mahirap magpakalayo layo
Sa lugar kung saan pinag iwanan mo
Sapagkat dito pinili, Naging bahagi
Pagkapit na patuloy ko paring pinipilit
Kahit pa maliit na tyansang magbago ang takbo ng isip
-Pero mas lalong nakakatakot kapag bumalik na
Kase nung una pa lang, ay hindi na nakita pa
-Sapagkat umalis ka
Kaya palaging maghihintay sa kaniya
Patuloy paring aasa
Mananatiling umaasa
Di matapos tapos nq pagdudusa
-Subalit taliwas sa sabi sabi nila
-Wala sa paglipas ng panahon ,ang pagtuklas ng pagkakataon upang makaahon
-Ang tunay na kalayaan ng aking paglaya, hindi mababago ang aking konsensya
-Paano makakalimutan, ang gasgas na iyong iniwan
Upang makita, teka mukhang kailangang magbalik
Sa pinagmulan ng lahat ng paasa
Magbabalik kung saan ka nagmula
Tatapusin ang lahat ng isyung pinagugatan
Katulad ng pagbabalik ng coral reefs sa karagatan
Katulad ng kahit gaano kaimposible nito, nakabalik pa din si Bong Revilla sa pwesto
Ang ginawa lang naman nito ay mag budots ng mag budots
At sa pera ng gobyerno'y hinuhuthot ng huthot

Kaya katulad ni bong revilla, Sana....
Sana magbalik ka din sa buhay ko
Sana magbalikan ulit ang "Tayo"
-Kase kahit nandidilim na talaga paningin ko sa sayo
Hindi ko naman magawang sumuko
Handa akong baguhin ang sarili, para bumalik ka saking piling
Handa ko muling ligawan, suyuin ka
Parang si Ibarra kay Maria Clara
Na humantong para ako'y tumakas pa at muling balikan ka
Kahit pa ako'y si simoun na
Para lang makasama ka
Handa akong paibigin ka
-Para magantihan na kita, Sasaktan at Iiwan sa iyong pamamaraan
Gaya ng paghapos mo sa aking mga kamay, sa tuwing ako'y nilalamon na ng lumbay
Hanggang sa ako'y nasanay na kainin ng buhay,
Para kong lantang gulay
Ikaw lang ang parating kaagapay
-At natapos, nagdesisyon akong makipaghiwalay
- Dapat masaktan ka rin sa aking gagawin sinta
- Dapat saktan at iwanang sugatan din kita
Yun tipong di ka makakakain sa umaga
Ng hindi nasusulyapan ang ang litrato ng aking mukha
Hindi makakatulog ng hindi naririnig ang aking tinig sa iyong paghimbing
Hindi mawawala sa iyong balat, at magmamarka ang aking pagaalagang tapat
- Masasaktan ka
- Dapat saktan kita
- Yung malulumpo ka at hindi ka na makakahanap pa ng iba
- Ang kakayahan mong mahalin ang sarili ay akin ng puputulin
Katulad ng pananakit at pag iwan mo sa akin
Bakit pa kasi hindi kita magawang hindi mahalin?
-Hindi naman kita kayang patawarin
Kapag ang isang tao ay hindi mo kayang patawarin
Para ka lang daw nagsusulat sa hangin
Wala kang masisiwalat, wala kang masusulat
Pero bakit ganon, hindi naman kita kayang patawarin pero bakit ang pagsulat ng tula, storya, talata ay hindi kayang patigilin
Bakit ang mga letra't salita'y laging nagtutugma,
Ang bawat paligoy ligoy kong ginagawa para lang maiwasan ang kataga, ay patuloy tuloy pa ring napupunta sa katagang "gusto kita"
Sawang sawa na ako na marinig ang iyong tinig,
Na dati saking nagpapakilig
Ubos, ubos na ubos na ko
Pagod, pagod na pagod na sayo
-At ako'y nagbabalik, pabalik balik lang sa pagpapanatili ng poot, lungkot, galit, sakit, at mga hinanakit
-Paikot ikot lang sa pagitan ng pagkagalit at pag ibig, puso, dugo, simula, pagtatapos
Lahat ay natatapos pagkatapos
Ng pagbabalik ng dating halik at dito natatapos
-Dito natatapos
Wag ka mag alala
Mamahalin parin kita
Nangangako ako na totoo ang ang katagang sinabi ko
Na "Gusto kita"
"Gusto kita"
- Gusto kita
- Gusto kitang saktan sinta

//Dalawang Persona ng Gusto Kita//
Inspired by: Carlo Hornilla
Ps: yung "-" ibig sabihin ibang persona na iyon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hopeless💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon