Binuo kita ngunit ako ang nasira

5 1 0
                                    

Ang bawat patak ng iyong luha'y aking sinalo
Nakinig sa walang humpa'y mong kwento
Kwento ng pagsuko
Ng pagkabigo
Ng pagtalikod
Sa pag-ibig sa kaniya hanggang ito'y mapudpod

Sinamahan kita sa tuwa, galak, at saya.
Kahit pa ito'y nauwi sa lungkot,pait sakit na iyong nadama.
At ang dating ngiti sa iyong mukha.
Sinubukan ko muling maipinta,
Ang pag-ibig sa iyong mapanlinlang na mga ngiti.
Inabot ng aking kamay kahit pa ito'y di mahihingi.

Sabi mo saki'y durog na durog ka na.
Kung kaya't tinulungan kita.
Tinulungan kitang maghilom.
Tinulungang bumangon.
Kaya pagpipirasuhin ang aking mga piraso
At ibibigay sayo
Upang ika'y mabuo
Magbabakasaling maging daan ito
Upang maging isa ang Ikaw at ako.

Habang ikaw ay nabubuo,
Ako naman ang gumuguho.
Hindi alintana ang pagkasira ng sarili
Basta't bumalik ka lang sa dati
Nanumbalik ang saya sa iyong mga mata,
Nabuo ka,
Habang ako naman ang nasira
Nag aantay na muling mabuo pa
Nag aantay na bumalik ka
At maibalik ang mga piraso na sa aki'y nawala

Buo ka na ulit,
Hindi ko na nakikita ang lungkot na lagi mong iginigiit
At ang mga ngiti mong impit
Hindi na rin naniningkit
Ang iyong mga mata
Sa gabi-gabing pagluluksa magmula nung binasag ka niya

Masaya ako para sayo, sinta
Pagkat buo ka na
Hindi na ininda pa
Ang bawat piraso na naipusta
Sa muling pagmulat ng iyong mga mata
Makikita mong buo ka na
Sa kabila ng pagdadalamhati mo
Inihahalili ko ang aking puso sa nawala mong "iyo"
Inaantay na sabihin mo ang salitang "Tayo"
Ngunit kahit kailan di ko yun narinig sayo

Buo ka na
Nabawi na ang tiwalang nasira
Binuo kita
Kahit pa ang bukambibig mo ay "Siya"

Nabuo ka na
Buong buong na
Salitang "Salamat" ang tugon mo
Ngunit hindi yan ang nais marinig ko
Kung hindi ano, pagmamahal"
Pagmamahal lang nais ko sa pagbubuo ko sayo ng matagal
Pagmamahal lang,mahal"

Hindi namalayan ang sarili,
at biglang nasabi
"Pag-ibig lang ang nais ko sa aking pagal"
Di mapaliwanag ang iyong reaksyon at ika'y natigalgal

Binuo kita,
Hanggang sa ika'y muling huminga
Kahit hindi na para sa kaniya
Kahit para sayo,
Di mapaliwanag ng biglang sambitin ng labi ko
"Nasan ng ang pag-ibig na nais ko?"
Hindi ka na nakapagsalita
At ika'y tuluyang umalis na nga

Lumubog na ang sikat ng araw sa kanluran
Ngunit maliwanag parin ang katotohanan
Na binuo kita
Binuo kita nung binasag ka niya
Ika'y nabuo
At nasira ako
Binuo lang kita-
Hindi ako ang bumago sa buhay mo, sinta.
Binuo lang kita,
Ngunit ang pagtibok ng puso mo'y di na naibalik pa

Pagkat puso mo'y na sakaniya papala at hindi binawi
Hindi magawang mailingon ang mga mata sa ibang gawi
Hindi mo magawa
Hindi mo kaya
Hindi mo kayang mahalin ako sapagkat handa kang mahalin ulit "Siya"
Kahit pa ika'y paulit ulit pang masira

Binuo kita para basagin ulit niya
Buo ka na,
Handa ka na ulit magmahal sa taong paulit ulit na dumurog sayo
Handa mo ulit iaalay ang iyong mga piraso
Binuo kita nung binasag ka niya
Binuo kita kasabay ng pagkasira ko, sinta.
Sinira ang sarili para sa pag-ibig na walang kasiguraduhan
Walang katiyakan
Sinira ang sarili para sa pag-ibig mo sa kaniya
Binuo kita,
Ngunit totoo
Na sa pagbuo ka sayo,
Ako naman ang gumuho
Walang gustong sumaklolo...

Hopeless💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon