Chapter 40

1.9K 28 2
                                    

Day 74

Jake's POV

Kanina pa akong madaling araw tinatawagan ni Lianne, hindi pa kasi kami nag uusap simula nung kahapon, nag over react ba ako sa ginawa ko kahapon?

Hindi naman diba? Kung talagang mahal nya ako dapat alam nya yung mga gusto ko at ayaw ko, diba?

Ehh ako? Mali ako? Dapat ba pinagbigyan ko rin sya? Pero lagi ko na lang sya pinagbibigyan,

Gaya nung sinabi nyang maging cold ako kay Jade

Sinunod ko yun,

Kaya nahihirapan ako ngaun ehh ...

Teka--

'riiiiinnnngggg'

"hello?" Sagot ko sa telepono ko

'Jake.. Aalis ako ngaun, behave ka ahh! I love you... Wait for me'

-end call-

Psh, si Lianne, aalis daw sya? San naman sya pupunta?

Teka! Maiba ng usapan! Pupuntahan ko ba si Jade?

Aiisshh! Ayaw! Parang ayoko na .. Gusto ko? Aiisshh!!

Ding!Dong!

Teka, buksan ko lang yung pinto,

Bumaba na ako mula sa second floor atsaka nag diretso na ng punta sa pinto

"Melissa?"

"bakit? Ganda ko ba?" pilya nyang sagot tapos tinulak nya ako at pumasok na sya sa bahay

Trespassing yun diba? -_~

"ahh, Melissa si J--" na cut off ako -_-

"yow! May food ba?" tanung nya

"natural! May food! Di pa naman kami nag hihirap" sarkastiko kong sagot

"ahh! Pakain!" sabi nya tapos lumamon na sya

"oy! Dapat sa'yo kapag nagpapaalam kumain dapat 'palamon' ang sabihin ehh" reklamo ko sa kanya

"sungit! Ewan ko ba kung pano ka minahal ni Jade!" sigaw nya sa akin mula sa kusina

napatahimik ako nung sinabi nya yung pangalan ni Jade,

Bakit ba ang lakas ng impact sa akin ni Jade? Huh? Tell me!!

"bakit ka nandito?" tanung ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok ko sa kusina

"kukuha sana ako ng damit" sabi nya tapos tumayo na sya at linagay sa lababo yung pinag kainan nya

Papaalis na sya papunta sa kwarto ni Jade ng bigla ko syang nahawakan sa braso

"Si Jade, ok lang ba sya?" tanung ko

Tinanggal nya yung pagkakahawak ko sa braso nya tapos she gave me a glare

"nasa ospital yung tao tapos itatanung mo kung ok lang sya?! Jake alam ko hindi ka ganun katalinuhan pero common sense naman! hindi naman mag papaconfine si Jade sa ospital kung wala syang sakit diba?! nakakatigok kaya sa ospital!!" galit na galit na sabi nya sa akin, pero i just let it go,

"pwede ako sumabay sa'yo? pwede ko ba sya bisitahin?" tanung ko, nagbabakasakaling payagn nya ako

"NO!" matigas nyang sabi atsaka sya tumakbo papunta sa kwarto ni Jade

umakyat din ako at nagpalit ng black hoodie at nagpantalon ako tapos matching black converse and then bumaba na ako, ahh nga pala, i also grabbed my keys ..

naghintay na lang ako sa sala, hinihintay ko syang matapos, i'm gonna convince her, i just need to see her, wala man syang parte sa buhay ko-- well i'm still not sure about that

100 Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon