(A/N: Night image for imaginary purposes)
Sydney POV
Buwan ng Septembre, nandito kaming mga representative sa bandang main hall ng Blossom Academy.
"Ang tagal naman nila"
"Fuck ang init"
"Akala ko ba 8 sila darating eh mag n-nine na ah"
"Nagugutom na ako"
Puro reklamo na ang naririnig ko sa mga ka schoolmate ko. I rolled my eyes, ang daming reklamo pare-parehas lang naman tayo dito. Ang iingay nila jusmiyo, iba-ibang amoy pa yung naamoy ko na sa tingin ko ay galing sa kanilang mga bibig. This is a special day, not for me but for the whole campus. Na approve na kasi yung pagmemerge ng dalawang campus, our campus and King Academy. Before all girls school itong campus but now open na ang campus namin for boys. And since nagsara ang King Academy dahil sa bankruptcy na hindi tinatapos yung semester trinansfer nila lahat ng boys student sa Blossom Academy, though ibang students ang lumipat ng ibang school. Speaking of boys, I don't really like the idea na dito na sila papasok kasi mas sure ako na mas mabaho ang mga boys if I will compare it sa naeexperience ko ngayon.
"Oh girls, line up. Ayusin niyo ang pila niyo. And smile" sabi ni Prof. Merlin
Todo ngiti naman ako kahit labag sa kalooban ko, Pa VIP naman sila na nga ang late ngingitian mo pa.
"Syd ngiti daw hindi simangot" bulong na sambit ng katabi ko na si Yrash. Hindi ko namalayan na nakasimangot na pala ako. Naiirita kasi ako sa mga ganun na laging late. Hindi kaya maganda sa pakiramdam ang maghintay, lalo na ako. Maiksi lang ang pasensya ko noh.
Huminto sa tapat namin ang pitong bus. Ilang sandali pa isa isang bumaba ang mga estudyante ng King Academy.
"Welcome to Blossom Academy" sabay-sabay na wika namin ng nakangiti pa. Ngumiti naman sila sa amin.
"Hello we are the transferee from King Acdemy, nice meeting you" ngiting wika nila at yumuko pa ng bahagya. Inilibot ko ang paningin ko sa kanila. Habang tinitingnan ko isa-isa ang mga estudyante ng King Academy na now ay student na din ng Blossom Academy ay may nahagip ako sa aking paningin. Tinitigan ko siya ng maigi, as usual wala na namang emosyon ang mukha nito. Magulo pa ang ayos ng buhok pero kahit papaano ay maayos naman ang uniporme nito na puting long sleeve at pulang necktie. Naka itim na slack din na kapares nito, uniform iyon ng King Academy and i think they only have a day para palitan yun to Bloosom Academy uniform.
Lumapit na kami sa kanila na may dalang placard. Nakalagay dito ang mga section namin. BSA 3y-1, ang nakalagay sa akin. Isa-isa naman lumapit sa akin ang dalawang lalaki. Dalawa? Sa pagkakaalam ko ay tatlo dapat ang boys na naka assign sa section namin. Napakakonti naman ng mga boys na nagtatake ng accounting course sa King Academy.
Ngumiti iyong dalawa sa akin. Tinitigan ko naman sila, yung isang lalaki ay may kulay blonde na buhok at may dimple siya. Matangos na ilong at may pilyong ngiti.
"Hi Ms. Beautiful, I'm Zyren Fuerte" wika nito. Inabot pa niya ang kamay niya sa akin para makipag shake hands.
"Hi, I'm Crux Samonte" sambit naman ng isang lalaki na may brown na buhok at itim na hikaw sa kanyag tenga. Inabot niya rin ang kanyang kamay.
Ngumiti naman ako pabalik at isa isa silang kinamayan.
"Sydney Williams" nakangiting sambit ko. Binitawan ko na ang kamay nila matapos makipag kamay.
"As far as i know there should be thre-- "
"I'm Night San Diego" malamig na sambit ng isang tinig

BINABASA MO ANG
San Diego Series: The Guy Named Night
Подростковая литератураThe first time Sydney Williams saw Night San Diego, she was curious. The way Night look at her without admiration like others have. When his blank gaze met her, she knew curiousity hits her. But curiosity killed the cat. Is she willing to let her he...