Chapter 5

37 7 2
                                    

Night POV

"No, i don't like her. And i don't stalk her Eclipse. Minsan hindi ka dapat nagpapaniwala sa mga sinasabi ni Midnight" seryosong sabi ko rito.

"Really?" may pagdududa sa boses nito at may halong panunukso rin. "Oh well keep denying then and i'm sure Midnight won't lie to me about sa lovelife mo" saad pa nito.

"Tsk. Bakit hindi ang lovelife ni Midnight ang tanungin mo?"

"We both know, Midnight won't let himself to have any weakness. So imposible ang lovelife niyon. But ikaw, malabo lang yung iyo pero hindi imposible. You are much more softer than Midnight" sabi nito.

Hindi ko na lamang siya pinansin dahil alam kong totoo ang sinasabi niya. Hindi na ako katulad ng dati, simula ng mangyari ang insedenteng iyon. I let my emotion control me that time. Alam ko ring dissatisfied si Dad sa akin, at madalas niyang pinapatrabaho kay Midnight ang mga bagay na kailangang gawin. Midnight is more decisive and ruthless than me. Seryoso ako sa mga bagay, i don't let my emotion show in my face. Pero may emosyon pa rin ako hindi ko nga lang pinapakita. We train to be like this. Pero si Midnight wala siyang emosyon. Hindi ko alam kung magaling lang talaga siya mag tago ng emosyon niya. Pero wala kang makikita sa mga mata niya, para siyang robot. Napabuntong hininga ako dahil sa iniisip ko.

I'm used to it anyway. Kailangan kong masanay kaya sa pagdaan ng panahon, sanay na ako sa ginagawa ko. And I'm not allowed to like or love someone. Kailangan ang mahal ko lang ay ang sarili ko pati na ang pamilya ko. No more no less.

Ilang oras ay natapos din ang pagkulay at pag ayos sa buhok ko. I look my self in the mirror. I don't know how to judge my apperance. Alam kong good looking ako simula pa lang, nasa genes namin iyon. Lahat naman kami sa pamilya good looking. Pero kung magkakaroon ng ranking sa pamilya ko, kung sino ang pinakagwapo sa aming magkakapatid. I'll be the last. Well wala naman talaga akong pake.

Sa school naman marami ring good looking doon, pero kung ikukumpara mo ako sa mga estudyante roon. Pwede ng sabihin na normal lang iyong pagka good looking ko. Hindi siya umaangat lalo na at maraming gwapo sa school. And of course wala na naman akong pakialam.

Sa lovelife naman alam niyo na rin ang sagot doon. Wala akong pakialam if mag kakagirlfriend ako o hindi. Sa klase ng buhay na meron ako, hindi maganda na magkaroon ako niyon.

Tumayo na ako matapos makitang tapos na ang ginagawa sa buhok ko. Naninibago pa rin ako sa kulay ng buhok na meron ako. Inilagay ko sa ulo ko ang hood ng jacket. At pinasok ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket. Lumapit ako sa pwesto ni Eclipse. Tumingala naman siya para makita ako dahil nakaupo siya. Biglang nalukot ang mukha niya.

"Ang ganda ganda ng buhok mo eh tapos tinkpan mo lang" naka busangot na sabi niya. I just shrugged my shoulder at her.

"Bayaran mo" sabi ko at lumabas na ng lugar. Saglit lang ay lumabas na rin si Eclipse.

"Uwi na tayo" sabi ko sa kanya. Sumimangot naman ito pero bigla ring ngumiti.

"Nope mag grocery muna tayo. Wala ng stock sa condo mo eh. Tsaka gusto kong bumili ng snacks ko habang nasa condo mo ako" umalis ito sa harapan ko matapos mag salita. Sinundan ko naman siya at sinabayan sa paglalakad. Tumagilid ang ulo ko para tignan siya.

"Mag tatagal ka ba sa condo ko?" I asked. May bahay siya malapit sa school na pinapasokan niya. Sa Arnade International School siya pumapasok. Medyo malayo ang condo ko sa school niya. Kaya nag tataka ako kung magtatagal ba siya sa condo ko lalo na at may pasok pa siya.

"Yep doon muna ako titira sa iyo. Nag transfer ako sa Blossom Academy, well approved na nga ang application ko. So simula bukas sasabay ako sayo papasok ng school. Di ba ang saya" nakangiting sabi nito. Bahagya naman akong natigilan at seryoso siyang tinitignan.

San Diego Series: The Guy Named NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon