Chapter 12

6 0 0
                                    


Sydney POV


Agad kong binuksan yung locker ko at nakahinga ng maluwag ng wala akong makitang red rose doon, napaka creepy ng nagbibigay sa akin nun hindi siya nakakakilig sa totoo lang. Isipin mo ilang beses ko ng pinalitan ng lock iyong locker pero laging may napupuslit na red rose doon. Seriously! Napaka incompetent naman ng mga gumagawa ng lock sa pilipinas ang bilis mabuksan. Gosh!


Kinuha ko yung P.E swimwear uniform ko, kita mo naman 3rd year na at lahat lahat may P.E pa! Dagdag pasakit, hirap na hirap na nga ako sa major aalalahanin ko pa kung paano ko bibilisan lumangoy ng pabreast stroke. Hay! Friday na Friday, last day of class this week mainit ang ulo ko. 


Mabilis akong nagtungo sa P.E building ng school. Pagkadating ko doon ay agad akong nagbihis sa banyo, isang itim na rashguard na may white sa gilid iyong swimwear uniform ko. Isang longsleeve rashguard na pinaresan ng maikling short. Dala-dala sa kaliwang kamay ko ang towel ay rumampa akong lumakad papuntang pool. Naabutan ko pang naghihipuan ang mga kaibigan ko doon. 


"Sabi ko na talaga! Kaduda duda ang sexualidad mo Kelly Santiago!" agad natigil ang pang hihipo ni Kelly sa legs ni Trnity na pilit tinatampal ng isa iyong bastos na kamay ng mapanglinlang naming kaibigan.


"Hoy! Anong kaduda-duda?! Napuputian at nakikinisan lang ako sa legs ni Ty noh, sana all na lang talaga" automatic na tumaas ang isa kong kilay sa narinig.


"Huwag mo akong madaan daan sa sana all mo. Wala ka bang legs? Maputi at makinis ka din, umamin ka na lang na matagal mo ng pinagnanasahan si Ty. Don't worry tanggap ka namin" i smirk at her.


"Tama si Syd, Kelly. Hindi ka namin huhusgahan, malay mo may chance ka pala kay Ty" ngiseng sabi ni Stef at talagang sinakyan yung sinabi ko. Agad na napasimangot si Kelly at bahagyang napalabi. Agad itong humilig sa hita ni Ty.


"Awwwww!" isang hampas sa balikat ang natanggap nito kay Ty.


"Chansing ka. Pinagnanasahan mo talaga ako" 


"HOY! Hindi kita pinagnanasahan okay, sa ganda kong toh? Pwedeng pwede ako sumali sa Miss Universe, lava walk" tumayo ito rumampa na tila nasa isang pageant.


"Wait wait. Videohan ko para pag tanda mo may source of kahihiyan ka" agad naman kinuha ni Stef yung phone neto at tinutok yung camera kay Kelly.


"Okay go. Candidate no.1" pagkasabi nun ni Stef ay agad na rumampa si Kelly na ginagaya si Catriona Gray, ginawa pa nito iyong slow mo walk ni Catriona kung saan mabagal itong umikot tapos gamit iyong kaliwang legs niya ay mabilis siya humarap kasabay nun ang pag sway ng buhok niya na parang nawala iyong pagslow mo nung umikot siya.


"She is an accounting student with poor grades, didn't pass the exam and only scored 26 points out of 50. PHILIPPINES" 


"HOY! Binabadmouth mo ako!"


Mabilis na tumawa si Stef sa kalokohang sinabi nito agad na hinablot ni Kelly iyong phone ni Stef na pilit naman nilalayo nung isa. Bahagya akong natawa sa sinabi ni Stef kasi kung sa Miss Universe ay ang ganda ganda ng description sa kanila kada rumarampa iyong kay Kelly naman ay kabaliktaran.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

San Diego Series: The Guy Named NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon