(Night new hairstyle. This image is only for imaginary purposes. Credits sa owner)
Night POV
d-.-b Zzzzzzzzzzzzzzzz
'Wake up San Diego'
Agad kong inabot ang phone ko habang naka pikit. I open my eyes and turn off my alarm. I know it's weird lalo na ganun ako kabilis magising at ganun klase ang alarm tone ko. Well nakasanayan ko na kasing magising kapag naririnig ko ang striktong boses na nasa alarm ko. Effective siya.
Bumangon ako at aayusin ko na sana ang higaan ko ng makita ang mantsa sa unan ko. Kinuha ko ang unan ko at inilapit sa ilong ko, inamoy ko ito. May kakaiba iyong amoy pero hindi ko alam kung ano. Kulay gray din iyong mantsa. Nagtatakang tinignan ko ang unan, sa pagkaka-alala ko walang mantsa ang unan ko kagabi. Papalitan ko na lang iyong punda ng unan. Inayos ko ang higaan at ibinalik ang unan sa kama.
Pumunta ako sa bathroom at kumuha ng toothbrush, mag sesepilyo na sana ako ng bigla akong natigilan. Titigan ko ang sarili ko sa salamin.
'The heck. What happen to my hair'
Napahilamos ako sa mukha ko. Napakapasaway talaga, ang panget tignan nitong buhok ko ngayon. Iyong dating itim kong buhok may higlights na kulay gray. Kaasar, isa lang ang may gawa nito sa akin. Bakit ba kasi ako pumayag na mag sleep over ang babaeng iyon dito.
Mabilis kong tinapos ang pag tooth brush at naligo na ako. After kong maligo at magbihis ay sinuot ko ang salamin ko at lumabas ako ng kwarto. Mabilis akong bumaba ng hagdan at pumunta ng kusina. Doon nakita ko ang isang babae na may gray na buhok, busy sa pagluluto. I cleared my throat para kunin ang atensyon ng babaeng ito.
Humarap naman ito sa akin agad at nginitian ako. Mariin ko siyang tinitigan.
"E.C.L.I.P.S.E" madiing sabi ko sa pangalan niya. Ngumiti naman ito ng alanganin.
"Hehehehe. Nighty baby ang ganda ng buhok mo ngayon. You look handsome" nakangiti pang sabi nito. Lalo namang tumalim ang tingin ko rito dahil sa pagtawag niya sa akin sa pangalang iyon.
"Bakit ganyan ka makatingin? Hulaan ko, galit ka kasi hindi ko natapos kulayan ang buhok mo diba. Naubusan kasi ako, una ko kasing kinulayan ang akin kaya ganun. Huwa--"
"I don't care if you're going to color your hair. Pero bakit pati ako dinamay mo. Kinulayan mo talaga ang buhok ko habang tulog ako. You have guts young lady" seryosong sabi ko rito. Pero imbes na matakot at mag seryoso ay ngumiti pa ito ng pagkalawak lawak.
"Oh well nighty baby" panimula nito at lumapit sa akin. "Ang plain mo kasing tignan, look at you may salamin ka na nga lagi pang seryoso ang mukha mo. Eh alam naman nating lahat na ang best feature mo ay ang smile mo. Kaya ka walang jowa eh" sabi pa niya habang iniikotan ako at panay ang tapik sa braso ko.
"Why are you always bothering me?Bakit hindi na lang si Midnight ang puntahan mo. Lagi ka na lang nandito sa condo ko. Para kang walang bahay" sabi ko at tinanggal ang kamay ni Eclipse na tumatapik sa braso ko. Hinarap ako nito at ngumiti. "At isa pa i don't have enough time para mag ka girlfriend. Alam mong may trabaho akong inaasikaso" dagdag ko pa. Matapos kong magsalita ay nilagpasan ko siya, pinuntahan ko ang niluluto nito at ng mapansin kong luto ang niluto nitong bacon ay kumuha ako ng plato para kumain.
BINABASA MO ANG
San Diego Series: The Guy Named Night
Teen FictionThe first time Sydney Williams saw Night San Diego, she was curious. The way Night look at her without admiration like others have. When his blank gaze met her, she knew curiousity hits her. But curiosity killed the cat. Is she willing to let her he...