Chapter 6

40 4 2
                                    

Sydney POV

Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman iyon, nakakahiya!

"Ha! Ano.... Ano kasi! Uhm.... Iyong accounting is about analyzation. Kailangan magaling kang mag analyze. Eh memorization ako magaling" hindi pa siguradong sabi ko. Tumango tango naman ito.

"Paano mo pala nalaman na last ako sa klase?" takang tanong ko sa kanya.

"Nakapaskil iyon sa announcement board ng school. Hindi mo ba alam?" tanong ni Night sa akin habang nakatingin ito sa harapan at ineenjoy iyong lemon na binili ko.

'Buti naman nagustuhan niya iyong lemon. Pero teka! bakit parang hindi ko ata alam na talagang pinagmamalaki ng room namin iyong ranking!'

Nainis naman ako, parampa rampa ako sa school. Samantalang alam pala ng buong eskwelahan na last ako sa room. Kainis!

Eh ano namang magagawa ko, nahihirapan talaga ako sa accounting eh.

"Uhm, hindi ko alam na may ganun pala sa announcement board. Hindi ko kasi talaga hilig ang accounting" alanganing wika ko.

"Oh! Buti pumapasa ka sa qualifying" walang emosyong pahayag niya.

'Concern ba siya sa akin? Ehhh! Pero bakit wala pa rin siyang emosyon. Ughh! Sydney wag kang feelingera'

"Ahh ewan ko. Nakakagulat ngang nakakapasa ako sa qualifying" sagot ko naman rito. Tumango lamang ito at hindi na nagsalita. Ilang saglit pa ay nakarating agad kami sa arcade. Nilapitan ni Night si Eclipse na ngayon ay nasa likuran ni Trinity at tinuturuan itong kumuha ng maliit na stuff toy galing sa claw machine. Matangkad si Ty pero mas matangkad iyong kapatid ni Night. Mga ilang inches lang naman iyong tinangkad niya kay Trinity, pero nakakagulat parin iyong height niya. 16 lang siya pero ang tangkad na, paano pa kaya kapag nag 18 ito.

Nakakuha ng isang spiderman stuff toys si Ty dahil sa tulong ni Eclipse. Mukha namang nasiyahan si Ty dahil ang laki ng ngiti nito, nagpasalamat pa ito kay Eclipse. Medyo weird din iyong kapatid ni Night, nung nagpakilala kasi kami imbes na shake hands ay hinalikan niya iyong likod ng palad namin. Weird lang, ok sana if lalaki siya maiintindihan ko pa, gawain kasi ng gentleman iyon o feeling gentleman. Ang kaso babae siya eh, weird or maybe di lang ako sanay.

"Let's go home" sabi ni Night kay Eclipse. Bigla namang napasimangot ito, pero hindi iyong pinansin ni Night. Bumuntong hininga ito matapos ay ngumiti sa amin. Hindi magkamukha si Night at Eclipse kaya akala ko nung una mag kasintahan sila. Iyon pala magkapatid, hindi mo rin naman mahahalata na 16 lang si Eclipse kasi napaka mature niya, parang kaedad lang namin.

Nagpaalam sa amin si Eclipse na uuwi na sila, matapos ay umalis na. Nagtuloy lang kami sa paglalaro. Ilang oras din kaming naglalaro sa arcade bago naisipang umuwi.

Night POV

Gigil kong hinawakan ang aking phone habang nag t-type ng message. Sinend ko iyong message habang pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Naiinis talaga ako kapag pumapalya ako sa pinapagawa ni Dad, kay Midnight niya ipapagawa ang trabaho na dapat ay akin. Ilang kompanya na rin ang ibinigay niya kay Midnight na dati ay sa akin.

Toot .....Toot.....

Tunog ng cellphone ko ng may matanggap akong message. Muli kong pinakalma ang aking sarili, bago buksan ang mensahe.

' Young sir sorry, wipe out lahat ng tinda natin. Naharang iyong mga goods na ididisplay natin. Nasa ilang milyon din iyong nawala' yan ang natanggap kong mensahe. Gigil na hinawakan ko ang cellphone ko ng makatanggap uli ako ng mensahe. Binuksan ko uli ito habang sinasabi sa sarili ko na kung may bad news ay may good news din.

San Diego Series: The Guy Named NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon