Chapter 10

13 1 0
                                    

Sydney POV

Bahagyang nakakunot ang noo ko habang naglalakad sa hallway papunta sa locker ko. Nag iisip kasi ako kung paano ko haharapin mamaya si Night. Nang nakarating ako sa harap ng locker ay binuksan ko ito, nagulat naman ako ng pagkabukas ko sa locker ay may red rose akong nakita. May kulay pink pang ribbon ang nakalagay sa tangkay nito. May nakaipit na maliit na card, hinila ko iyong dulo ng ribbon para makuha ko iyong card. Binasa ko iyong nakalagay sa card at bahagyang nagsalubong iyong kilay ko.

'For my beautiful Sydney'

Yun yung nakalagay sa card, walang name kong kanino galing iyong card at rose. Pa mysterious naman ito.

'Ang creepy naman akala ba niya kikiligin ako? Duh! I'm most worried sa kung paano niya nabuksan yung locker ko'

 Nilagay ko iyong ibang libro ko sa locker, tapos kinuha ko iyong libro na gagamitin namin ngayong araw. Nilagay ko rin sa locker iyong mga gamit ko for practice mamaya. Need kong palitan yung lock sa locker para di mabuksan ng iba.

Habang naglalakad ako sa classroom ay bigla akong nagka idea. What if bigyan ko ng bulaklak si Night, with matching card pa. Pero I think hindi niya magugustuhan iyon. Lalaki siya so no flowers, pero pwede ang card right?

'So ano namang isusulat ko sa card? Hindi pa naman ako marunong tumula, kung mag draw na lang ako. Yeah, right. I should draw!' 

Pumalakpak naman yung braincells ko sa naisip, hindi ako magaling sa sweet words pero marunong ako magdraw. I'll make sure na hindi niya makakalimutan yung drawing ko at pagnakita niya yung drawing ay maaalala niya ako. Napangiti ako sa naisip. Beauty and brains talaga ako with an exception kay Accounting. 

I walk towards my clasroom and as I enter iilan pa lang yung mga students sa loob. Maaga pa naman, this past few days napapaaga ang pagpasok ko at hindi ko na idedeny ngayon ang rason. 

'It's because of Night! Hindi na ako indenial ngayon. Atapang atao na ako'

A few minutes past nagsidatingan na din sina Kenny, Stef at Trinity napapadalas ang sleep over ng tatlo hindi man lang ako sinama.

'Pero okay lang, nakahalik naman ako kahapon'  I giggle in my mind when i remember that scene last night. Ang espirito ng alak talaga ang nagpapatapang sa isang tao. 

"Good morning Syd! Lagi tayong maaga ha!" Kenny teasingly said, I rolled my eyes pero ngumiti din ng pagkatamis tamis. Good mood ako eh.

"Ofcourse may gusto ako makita ng maaga, pampaganda ng araw" Stef and Kenny gasp, OA talaga. Namimilog pa ang mata ng dalawa habang si Trinity ay nakataas ang isang kilay pero may mumunting ngiti sa labi.

"Hindi ka na INDENIAL! Ahhhh!" 

"Ang ingay mo!" gigil na sabi ko at masamang tiningnan si Kenny habang himas nito ang kaniyang kamay na pinalo ko.

"Ehhhh kasi naman napaka INDENIAL mo at parating Curious lang ako ang peg mo. Yan ba ang nagagawa ng alak, may hang over ka pa?"

"Dapat bumalik tayo sa Moonlight bar tas painumin ng sandamak mak na margarita itong si Syd para naman tumapang tulad ngayon" OA na sabi ni Stef, ngumisi ako sa dalawa.

"It's Sydney not Syd  and no need. Kiss lang ang kailangan ko matapang na ako" mabilis kong tinakapan ang tenga ko.

"Ahhhhhhhhh!"

"HALAAAAA!"

Ang aga aga nagtititili yung dalawa akala mo manok na titilaok sa umaga. Buti na lang at kaunti pa lang ang students sa classroom.

San Diego Series: The Guy Named NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon