Chapter 2

53 4 0
                                    

(A/N: Sydney image for imaginary purposes)

Sydney POV

Maaga akong pumasok ngayon sa klase, usually hindi naman talaga ako ganito kaaga pumasok. Ako kasi yung tipo ng estudyante na dumadating sa school na sakto lang sa oras. Ayaw kong maagang pumapasok dahil nakakainip din naman. Pero hindi ko alam kung anong meron ngayon at napaaga ang gising ko, naunahan ko pa yung alarm ko.

"Sydney, bayad mo singkwenta" nakalahad pa yung kamay sa akin ni Kenny. Ke aga-aga yun ang bungad niya sa akin. Alam ko naman na may babayaran ngayon lalo na at kulang yung dala kong pera kahapon kaya hindi niya ako nasingil.

"Good morning din Kenny, ang aga-aga wala man lang pagbati noh" masungit na pahayag ko rito, inirapan ko pa ito at naupo ako sa pwesto ko.

Napahagikhik pa ito sa sinabi ko.

"Yan ang bagong good morning ngayon Syd. Gipit ako ngayon, pangload ko din yan" tawa tawa pa nitong pahayag. Kinuha ko yung wallet ko sa bag ko at inabutan ito ng isang daan dahil wala akong mahanap na sing-kwenta sa wallet ko. Nakangiti naman itong kinuha yung pera ko. Inilahad ko rin ang kamay ko sa kanya.

"Sukli ko"

"Hindi ba keep the change ito" pagpapacute pa ng gaga, tumaas ang isang kilay ko sa narinig ko sa kanya.

"Hindi, wala na akong pera. Sukli." nakalahad pa din iyong kamay ko sa kanya. Nag pout pa ang babaita.

"Ilalakad na lang kita kay Night, basta akin na lang tong singkwenta na sukli" pinaningkitan ko naman ito ng mata.

Feeling close ang gaga

"Sukli"

"Ako bahala kay Night mamaya. Chichikahan ko, basta akin na lan--"

"Sukli"

"Tutulungan kita mapalap--"

"Sukli ko Kenny Santiago" mariing wika ko. Napanguso pa siya, akala mo naman bagay sa kanya pwes nagkakamali siya.

"Ibigay mo na lang sa kanya yung sukli Syd. Bawian mo na lang siya mamaya, mangburaot ka sa pagkain niya mamayang break" singit pa ni Stef.

Duh, yun na nga eh. Hindi ako nangbuburaot dahil wala naman akong mahihita sa gagang iyan. Siya itong hingi ng hingi ng pagkain, akala mo naman talaga ay wala siyang pera.

"May utang ka sa akin" masungit na pahayag ko kay Kenny. Ngumiti naman ito ng malapad sa narinig at tumango-tango pa.

"Ako bahala kay Night mamaya hihihihi. Para naman mag ka lovelife ka na at hindi ka laging parang may dalaw" kinikilig pang ani nito.

Pinanlisikan ko naman ito ng mata, napansin niya naman ito at napangiwi siya.

"By the way Syd, ang aga mo ata himala" sambit ni Stef, na nakangiti pa sa akin ng mapanukso.

"Napaaga lang ako, huwag kayong mag isip ng kahit na ano and it's Sydney not Syd" sagot ko naman rito. Nagtinginan pa talaga ang dalawa bago ako tiningnan.

"Hindi naman kami nag iisip ng kahit na ano eh. Defensive ka ha!" sabay pa na wika ng dalawa. At talagang sabay pa talaga sila!

"Alam ko yang iniisip niyo, kaya sinasabi ko sa inyo nagkakamali kayo" mariing wika ko.

Bumukas naman ang pintuan at iniluwa roon si Night. Medyo maayos-ayos na iyong buhok niya ngayon. Hindi katulad kahapon na parang bagong gising at hindi pa naliligo.

"Ah! Kaya naman pala maaga Kenny."

"May gustong masilayan" dugtong naman ni Kenny sa sinabi ni Stef

San Diego Series: The Guy Named NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon