Chapter 8

32 2 3
                                    

Sydney POV

Bahagyang bumuka ang bibig ko sa narinig. Gusto kong magsalita kaso walang lumalabas sa bibig ko.

'Anong sex bite! Sino ang malanding babae ang nakasex niya'

'Huwag lang siya magpapakita sa akin, baka makasakit ako ng tao'

Itinaas ko ang tingin ko kay Night, kanina kasi ay nakatutok ako sa leeg niya, ngunit bahagya akong nagulat ng mapansing nakatingin din ito sa akin. He smirked at me but his eyes showed no emotion. Dumating iyong order namin, pagkalapag ng americana na binili ko ay doon ko itinutok ang paningin ko. Bakit ba ang hilig niyang mag smirked ngayon, hindi ko talaga alam kung paano mag rereact.

I sip my coffee, pero bigla akong natigilan sa paginom ng may babae ang lumapit sa pwesto namin. Tinignan ko ito may suot itong kulay gray na palada, puting long sleeve at isang itim na coat. Sa pagkakatanda ko iyong mga nagsusuot na uniform na iyan ay isang Ab Com. or Mas Com. student. May kulay light brown siyang buhok, brown na mata at maputi. In short maganda. Pero mas maganda ako. 

Nang lumapit ito ay ngumiti siya ng malapad. Bahagyang tumaas ang kilay ko ng tignan nito si Night, samantalang si Night ay nakatingin lang sa cellphone nito.

"Hi K, it's nice meeting you here" malamyos iyong boses niya pero may halong something. Wait ano nga pala ang tawag doon, oh right. Iyong boses niya ay parang nang aakit. Tsk. Mas lalong tumaas ang kilay ko sa narinig. Tinuloy ko ang paginom ko sa coffee pero bahagya akong natigilan.

'Sino si K? Sa pagkakaalam ko si Kenny lang ang may K sa simula ng name niya. Pero hindi naman siya nakatingin kay Kenny eh'

Binalingan naman ni Night iyong babae at bahagya pang tumagilid ang ulo niya.

"You are?" tanong nito pero wala pa ring emosyon sa boses nito. Saglit ba natigilan iyong babae pero ngumiti rin ito.

"I'm Ailee. Ailee Vargas. Remember?" sagot pa nito. Oh yeah naalala ko na tama nga ako. Ailee Vargas rank 12 sa beauty ranking, pero rank 1 ako.

"Oh, Ailee. Ailee. Sorry, saan ulit kita nakita?" sagot pa ni Night habang paulit ulit niyang binabanggit ang pangalan ni Ailee. Bahagya akong napangiti, ngayon ko lang nalaman na ang makakalimutin niya. Samantalang noong na meet ko siya sa mall alam niya iyong name ko. Baka dahil mas maganda ako. Oh well iyong bad mood ko kanina naging good mood na ngayon. Ininom ko ulit iyong coffee.

"You forgot K. Well i'm the one who gave you that. That thing on your neck" nasamid ako sa narinig ko at bahagyang umubo.

'Shocks, ang sakit sa lalamunan. Kanina lang sinasabi kong wag magpapakita sa akin iyong babaeng may gawa ng sex bite niya. Pero talagang malakas ang loob niya at nagpakita ito'!

Naghanap ako ng tissue o panyo sa bag ko pero wala akong makita. May panyo naman ang nag alok sa akin sa harapan ko. Inabot ko ito at pinunasan iyong bibig ko. Paglatapos kong magpunas ay nag angat ako ng tingin ng makitang si Night pala ang nag abot sa akin ng panyo. Nahiya naman ako bigla. Ngumiti ako sa kanya.

"Uhm. Thanks Night" sagot ko rito. Tumango naman ito at hinarap si Ailee.

"Now i remember you. How can i help you?" tanong nito ng walang emosyon para namang wala itong paki sa babae.

"Well i wanted to see you and ask your real name. Nice name Night" sambit nito habang ngumiti ng pagkatamis tamis. Tumingin ito sa relo niya. "I need to go back" wika pa nito. Tumingin ulit ito kay Night "I really have fun last night. Next time ulit" she bite her lip and walk to the exit of the cafe. I rolled my eyes, tsk. Akala mo naman ang ganda niya eh mas maganda naman ako. Kaya nga rank 1 ako sa Beauty ranking.

San Diego Series: The Guy Named NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon