Sydney POV
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko.
3 a.m.
Bumangon ako kahit na gusto ko pang matulog. Yeah gusto kong matulog pero i can't sleep. Ang aga ko kasing natulog kanina because I feel dizzy. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina, binuksan ko iyong ref at kumuha ng gatas para mainom ko. Matapos kong isalin ang gatas sa baso ay ininom ko ito. After kong uminom ay inalala ko ang nangyari kanina.
Flashback
"I like you"
"I like you Night San Diego"
Tinitigan ako ng maigi ni Night matapos ko iyong sabihin. Bahagya akong nailang pero sinalubong ko pa rin ang tingin niya. Alam ko naman na hindi siya makapaniwala, na ang isang dyosa ng katulad ko ay nagkagusto sa isang mortal na tulad niya. Sa ganda ko ba namang ito, i know it sound conceited pero that's the truth.
"Ok" sagot niya sa confession ko. Anong ok? Ok means gusto niya rin ako or Ok means it's ok na magustohan ko siya. Wow ha, nag ipon ako ng lakas ng loob pero ok lang ang maririnig ko sa kanya.
"That's it?" sabi ko habag hindi pa rin tinatanggal ang kamay ko na nakapulupot sa leeg niya.
"Wala man lang sagot" dadag ko pa.
"Tanong pala yun?" walang emosyong wika niya.
"No that's not a question. Pero syempre need ko ng opinion mo or anong masasabi mo after my confession" lakas loob kong sabi. Tutal umamin na ako lulubusin ko na rin.
"Uhm.... Thanks?" patanong pang wika nito. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa thanks niya na iyon. Sagot ang kailangan ko bakit patanong iyong thanks niya. Tinaasan ko ito ng kilay para malaman niyang naghihintay pa ako ng sasabihin niya.
"Napaka straight forward mo" dagdag pa nito, oh yes straight forward talaga. Mag papabebe pa ba ako eh tatlong taon bago ko na realized iyong feelings ko. Ayoko ng magsayang ng oras sa pagpapabebe. Confident ako sa sarili ko. Since first time kong magkagusto magbibigay ako ng exception. Ang Night will be my exception since hindi naman talaga ako nag coconfess, sila ang nag coconfess sa akin.
"Yun lang?" mataray na sabi ko rito. Bumuntong hininga naman ito. Dinilaan niya iyong lower lip niya at bahagya niyang kinagat iyong lower lip niya. Dahil sa ginawa niya ay for the first time, nakita ko iyong dimples niya. Shocks! Hindi ko alam na may dimples pala siya, madalas kasing poker face siya. Ang gwapo niya noong lumitaw iyong dimples niya. I think my heart beat faster than it should be.
"I like your lips, the kiss was great." panimula nito. Pinigilan ko naman iyong ngiti na kumakawala sa bibig ko. I bit my lower lip to conceal my smile, kahit pala first time ko iyong kiss na iyon ay nagustuhan niya. "I like you" dagdag nito ramadam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Gosh! Totoo ba ito. Sasagot na sana ako ng magsalita ulit ito. "as a human being not romantically" pakiramdam ko nabingi ako sa sinabi niya.
"What?"
"I like you as a human being not romantically" ulit nito.
"You mean?"
"I mean i don't like you" sambit nito. The fudge, may pa i like you as a human being pa siya iyong ending pala ay i don't like you. Paasa. Ha! First time kong mag confess tapos nireject ako.
BINABASA MO ANG
San Diego Series: The Guy Named Night
Teen FictionThe first time Sydney Williams saw Night San Diego, she was curious. The way Night look at her without admiration like others have. When his blank gaze met her, she knew curiousity hits her. But curiosity killed the cat. Is she willing to let her he...